CHAPTER 9 of 15: "Torn"

3.8K 64 5
                                    

Tahimik ang buong VIP room ni Dexter. 

Ang naririnig ko lang ay ang mahinang hingal ni Tita Baby na napagod matapos tumakbo papuntang VIP room para ibalita ang lumabas na video ni Maureen at Daryl na may ginagawang "something."

Although wala namang nakitang hindi kaaya-aya sa video, sabi ni Tita Baby, eh karamihan daw ng fans eh galit na galit.

Maya-maya pa, rinig na rinig na namin ang hiyawan na nagmumula sa audience section ng venue.

Isang tuloy-tuloy at malutong na "booo!" ang umalingawngaw.

Nagtinginan kami ni Zonya. Nahalata ko na nanginginig siya, kaya hinawakan ko kamay niya.

Ayaw ko tumingin kay Dexter. Basta, pakiramdam ko, galit na galit na siya.

"Ano ba yung nasa video?" Tanong ni Dexter sa manager nito na tinuring na niya na parang ikalawa niyang ina. Hindi sumagot si Tita Baby.

"Ano ba yung nasa video! Tinatanong ko!" Sumigaw na si Dexter, at naramdaman ko ang galit niya.

Kinuwento ulit ni Tita Baby. Pero bago pa matapos ni Tita ang kanyang pagbabalita, eh biglang bumalibag ang nag-iisang pintuan ng kuwarto.

"Kasalanan mo lahat 'to! Gusto mong gumanti sa 'kin!" Pagbibintang ni Maureen, sabay hablot sa buhok ko. Nakapony tail ako nun, kaya isang hilahan lang ni Maureen, eh halos mapahiga ako sa sahig.

Hindi na ako nakapalag, basta ang natatandaan ko, halos ingud-ngod niya ako sa sahig. Sinubukan ni Zonya na pigilan ang galit na galit na "primetime queen," habang sinasabunutan niya ako.

Maya-maya pa, tumulong na si Tita Baby at si Tito Boy na awatin ang galit na galit na Maureen -- habang tahimik lang si Dexter.

"Tama na! Tumigil ka!"

Sumigaw si Dexter, at bigla niyang binuhat si Maureen at inupo sa gilid ng kuwarto.

Pagkatapos sumigaw ni Dexter, sabay-sabay lumabas ng kuwarto yung dalawang make-up artists, yung isang P.A., yung foreigner na coordinator ng concert, at yung stylist ni Dexter na nagbitbit pa ng ilang damit na nagulo pagkatapos magwala ni Maureen.

Matapos ang limang minuto, medyo kumalma na si Maureen. Tumahimik muli ang kwarto, pero rinig na rinig namin sa labas ang galit na galit na reaksyon ng mga tao.

"Malandi ka Maureen!"

"Dexter, hiwalayan mo na siya!"

At kung anu-ano pang reaksyon.

Nung medyo tumahimik na yung arena, eh nagsalita bigla si Maureen.

"Kasalanan mo to, alam kong gusto mong gumanti sa'kin!" Pasigaw niyang bintang habang nakatingin ng masama sa akin. 

"Wala akong kasalanan dito. Wag mo akong pagbintangan." Depensa ko naman, hindi ako masyadong makapag salita kasi medyo na-alog ata ang utak ko.

Ang bintang ni Maureen, ako lang daw ang may galit sa kanya na may "access" sa media room kung saan pine-play ang videos na lumalabas sa malaking screen.

Nagtanong bigla si Tito Boy, "bakit naman magagalit sa'yo si Ed?" 

Tumingin si Maureen kay Tito, pero hindi siya sumagot.

"Sinampal kasi ni Maureen si Edna." Sagot ni Tita Baby. 

Napa "what!" si Zonya. "But why?" Tanong pa ng kapatid ni Dexter.

Biglang sumingit si Tita Baby, "speaking of media room. Teka lang, kailangan ko i-follow up sa security kung nasa kustodiya na nila ang mga tao sa loob ng media room nung nangyari yun." 

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now