INTRODUCTION

14.7K 187 12
                                    


"Iba-iba ang timpla ng laing..

Minsan, nasobrahan sa anghang, hindi na masarap..

Minsan naman, kulang sa sili o matabang..

Pero pag sinusuwerte ka, aba, ang laing na makakain mo, saktong sakto ang timpla..

At gaya ng laing, ang buhay, hindi laging masaya..

May mga araw na malungkot..

May araw na parang.. Wala lang..

Pero gaya ng laing na tamang tama ang timpla..

Darating din ang araw na punong puno ng ligaya.."

----------

APRIL 21, 2014

"Eh nay, kelan ba darating ang laing natin na saktong sakto ang timpla?" Tanong ni Edna sa nanay nito isang buwan matapos ang pagkamatay ng kanyang tatay Bernardo.

Tumingin ang nanay ni Edna sa kanya, at hinawakan ang kamay ng kanyang anak..

"May dahilan kung bakit iniwan na tayo ng tatay mo, Edna. At sigurado ako na sa takdang panahon, malalaman natin ang sagot," paliwanag ni Aling Jovita.

----------

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now