PROLOGUE

15.2K 502 61
                                    


Minsan, sinabi sa akin ng nanay ko na kapag nagsulat daw ako araw-araw sa isang tao, malaki ang posibilidad na siya ang makakatuluyan ko balang araw. Bata pa ako noon nung sabihin niya 'yun, grade five yata ako. At dahil sa sinabi niyang iyon, napagtripan namin ni Ate ang yellow pages. Malay mo nga naman, makabingwit kami doon ng mayamang anak ng CEO o kaya naman haciendero.

Tig-isa kami ng address na pinili ni Ate at araw-araw naming sinusulatan ang address na iyon. Minsan, ikinukwento namin sa sulat ang mga nangyayari sa amin sa bawat araw at kung minsan naman ay nagsasabi kami ng paunti-unti tungkol sa aming sarili. Minsan, naisipan kong magpadala ng sulat kung saan puro letra lamang ng aking pangalan ang nakalagay. Sa bawat sulat, kada araw, tanging isang letra lamang ang inilalagay ko. Isang linggo akong sumulat ng ganoon sa address na iyon.

Lunes -- L

Martes -- I

Miyerkules -- N

Huwebes -- D

Biyernes -- S

Sabado -- E

Linggo -- Y


Grade 5 ako noon. Isang taon iyon na walang araw na hindi ako sumulat sa address na iyon. Samantalang si Ate, tatlong araw lang siyang tumagal sa ginagawa namin dahil magha-high school na siya nang mga panahong iyon. Isa pa, maganda siya at hindi na niya kailangan pa ng ganoong klaseng pakulo para makabingwit ng lalaking mayaman at gwapo na, mabait pa. Siguro ganoon talaga 'pag bunso, naubusan na ng ganda ng mga ate kaya nung ako ang ipinanganak, cute na lang.

Noong nag Grade 5 ako, sinubukan ko ring padalhan 'yong address na iyon ng mga maiikling kwento na ipinapabasa ko muna sa nanay ko bago ko ihulog sa post office. Sabi niya, mahusay raw ako sa paggamit ng mga salita - pulido at walang mintis. Sana raw paglaki ko, maging isa akong tanyag na manunulat.

Noong ga-graduate na ako ng grade 6, tumigil na ako sa pagsusulat dahil wala namang sumasagot sa aking mga liham. Baka itipatapon lang iyon nung pinapadalhan ko. Sayang lang sa papel. Nakasalba pa sana ako ng isang puno.

Pero minsan, napapaisip ako kung ano nga ba ang mapapala ko sa pagsusulat. Magiging sikat ba ako? Marami ba akong maiimpluwensyahan? Magkakaboyfriend ba ako? Minsa, nagtataka pa ako kung saan ko nga na nahuhugot ang inspirasyon ko sa pagsusulat dahil sa totoo lang, wala namang nangyayaring exciting sa buhay ko.

Pero seryoso, ano ba ang mapapala ko sa pagsusulat?

Magkaka-boyfriend nga ba ako dahil dito?

Pagkababa ko sa school bus, nakita ko si Nanay habang naghihintay sa labas ng bahay. Nakangiti siya at mukhang excited. Iyong ngiting parang nanalo sa lotto.

First year high school ako noong mangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Nagulat ako dahil mismong nanay ko pa talaga ang nagbalita sa akin nun. Pagkauwi ko noong araw na iyon, may iniabot siya sa aking sobre.

Puting sobre.

Walang address kung kanino galing. 

Baka pera ang laman!

Sana po pera!

Please!

Na-disappoint ako pagkabukas ko ng sobre dahil papel lamang ang laman at iisang sentence lang ang nakasulat dito. Isang linggo pa bago ko maintindihan at magets kung bakit na-excite si Nanay sa sulat na 'yun kahit na ang laman lang naman e...


"Bakit hindi ka na nagpapadala ng mga sulat?"

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now