23

2.8K 148 8
                                    

PRINCE


Minsan ko nang naging alipin si Lindsey. Yun e nung nanalo ang team namin sa Tug of War kahit no match talaga sila kasi kakampi namin si Kenji Yamashita. Pangalan palang tunog sumo wrestler na! Paano pa kaya pag nakita niyo na siya? Kung may musical lang ang Dragon Ball Z malamang no match na sa kanya ang iba pang magau-audition para gumanap na Majinbu!


"Hoy madaya kakampi niyo si Kenji!" sigaw ni Mischa habang ina-assess ang sariling team.Siya. Si Lindsey. Ang class president naming si Sean. Ang class loner na si Claudia. Ang class clown na si Peter na isang kindat lang ni Kenji e malamang nahimatay na siya kakatawa. Ang mahinhin na si Risa. At ang pinakamaarteng si Feliz na busy sa pagne-nail file.


"Sige kayo lahat versus ako!" kindat ni Kenji na siya namang naging dahilan ng paghihikahos ng hinga ni Peter.


"Sino ba nakaisip nito?" sigaw naman ni Lindsey na badtrip na badtrip na kasi alam niyang uuwi silang talunan.


"Si Ms. Claridad! Habang wala daw siya!" sagot ko naman.


Pero ang totoo niyan???


*Flashback*


Dumaan ako sa harap ng faculty room nang harangin ako ni Ms. Claridad. "Prince, kindly tell your classmates na walang P.E. today. Please stay in your classroom and keep yourself busy."


"Ma'am naman kakatapos lang ng study period nun tapos classroom agad? Di ba pwedeng maglaro nalang muna sa labas?"


Napaisip siya sa suggestion ko.


"Sige na nga! Tutal gragraduate naman na kayo! Ang gumawa ng trouble di magmamarch!" sabi niya sabay alis.


Ewan ko kung ano ang meron sa pag martsa sa graduation at laging iyon nalang ang threat ng mga teachers. Edi wag mag martsa! Tipid pa sa damit!


*End of Flashback*


"Wala. Madaya yung hatian ng members!" sigaw ulit ni Lindsey.


"Oo nga!" pag sang-ayon naman ni Peter.


"Palakasan nalang ng boses o!" sigaw ni Mischa sabay dampot ng lubid. "O ano pang hinihintay niyo?"


Sunod sunod naman na kaming pumorma. Si Mischa. Peter. Sean. Tapos si Lindsey. Si Feliz nandoon sa dulo hawak hawak sa isang kamay yung lubid habang nakataas ang pinakamaliit niyang daliri with matching, "Eww gross!" kada isang segundo.


"O team! Hindi porket kagroup nila si Kenji magpapatalo na tayo ha! Go! Fight! Win! Tayo okay?..."


Lumingon sa akin si Kenji habang naglilitanya si Mischa. "Cosingtian kaya ko sila ng isang kamay lang!"


"Weh? Sige nga trial lang!"


"Basta hawakan niyo lang mabuti yung rope tapos hatak hatak lang, okay? Wal...."


Biglang hinihila ni Kenji hawak ang isa niyang kamay ang lubid na ikina-out of balance ng naglilitanyang si Mischa na hindi sana tutumba sa lupa kung hindi lang dahil sa paghihikahos kakatawa ni Peter. At sunod sunod na silang natumba, domino effect maliban kay Feliz dahil binitawan na pala niya iyong lubid.


"Ugh! This is such a waste of time!" sabi ni Feliz sabay alis.


"Magrereview nalang ako para sa finals! Bahala kayo diyan!" sigaw ni Mr. Class President, "Kenji! Paturo ako sa Math!"


"Hapon ako hindi Chinese! Paturo ka kay Chua!" sabi niya e sa totoo nga niyang kayang kaya niyang i-square root lahat ng numbers kahit tulog! Pati wala naman kaming classmate na chua!


"Halika na! Kasalanan mo pag hindi ako papasang Ateneo!"


Binitawan agad agad ni Kenji yung lubid at tumakbo pasunod kay Sean. May pustahan kasi sila na kapag pumasa si Sean sa Ateneo bibilhan niya ng threadmill si Kenji. Joke! Lilibre niya lang ng pizza. Hanggang sa huli katakawan parin ang pinipili nun! Unti unti silang naubos hanggang kami nalang ni Lindsey ang natira.


"Ano? One-on-one nalang o?" sabi ko kay Lindsey na naiwan nalang na nagkakamot ng ulo.


"Sige!"


"Wag na baka matalo ka lang."


"Wag mo akong subukan, Cosingtian."


"Seryoso?"


"Oo pustahan pa kung gusto mo e!"


"Sige! Ang manalo pagbibigyan ng tatlong wishes!"


"Kahit lima pa!"


"Sabi mo yan!"


Kung ano man ang pumasok sa isip ni Lindsey para makasiguradong matatalo niya ako ay hindi ko na alam. Kung sino mang ispirito ang sumapi sakanya para magkaroon ng lakas ng loob para tanggapin ang hamon ko e taos puso akong nagpapasalamat sa ispirito na iyon! Thank you, spirit.


Natapos ang dare ng tatlong rounds natapos rin kasabay nito ang PE at ang klase namin dahil may biglaang PTA Meeting.


Umuwi si Lindsey na pikon na pikon habang ako abot langit ang ngiti.


"Ano na mga wishes mo?!" Padabog niyang sabi habang nasa labas kami ng gate nila.


"Malalaman mo sa takdang panahon!" sagot ko naman na nangaasar. Cute ni Lindsey pag napipikon!


"Basta! Hindi ako papayag gawin homework mo pati maglinis ng kwarto mo o maglaba ng mga damit mo! Pati ilibre ka di ko gagawin!"


Eto namang si Lindsey o! Kung yun ang wishes ko di sana kahit sinong babae nalang sa school ang sinabihan ko kasi alam ko naman hindi sila makakatanggi!


"Sige na nga! Eto na yung una!"


"Ano? Pasuspense ka pa e!"




"Lindsey, pwede ba kita maaya sa isang date?"

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now