14

4.1K 183 28
                                    

Lindsey,

Nandito ako ngayon sa probinsya mo. Magkita tayo. Sabado. Sa may malapit sa may fountain sa park. Magsusuot ako ng pula.


Kahapon, habang nakikinig sa lumang radyo ng kantina, narinig namin ni Prince ang sabi niyang bagay na maging kanta namin. Hindi ko alam na may kanta pala ang mga magkasintahan. Meron palang kantang, para sakanila, kahit ilang beses na nilang narinig pero kapag narinig kasama ng mahal nila ay parang narinig nila ito sa unang pagkakataon.


Huwag kang matakot

'Di mo ba alam nandito lang ako

Sa iyong tabi

'Di kita pababayaan kailan man

At kung ikaw ay mahulog sa bangin

Ay sasaluhin kita


Simula noong nabasa ko iyong sulat na iyon hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin iyon kay Prince o itatago ko nalang iyon habangbuhay.


"Alam mo ba iyong kwento na kapag sumulat ka raw araw araw sa iisang tao ay makakatuluyan mo siya?" naaalala ko iyong unang araw na pinili ko kung kanino ko ipapadala iyong sulat. Prince Bookshop. Pakiramdam ko natagpuan ko na sa mga pangalan na iyon ang tinatawag ng ibang soulmate.


Iba sa pakiramdam noong naipadala ko ang sulat. Parang minsan sa buhay ko may nagawa akong tama. Na baka may patutunguhan iyong ginawa ko. Baka sakaling may mapala kahit imposible. Noong nagsulat ako doon ako unang naniwala na baka nga mayroon sila noong itinatawag na tadhana. Baka. Sana. Meron.


Pero ang tagal kong naghintay sa paniniwalang baka nga natagalan. Baka hindi iyon ibibigay sa akin sa panahon na iyon dahil bata pa ako. Wala pa akong alam tungkol sa pagibig. Wala pa akong naranasan patungkol roon. Pero napapaisip rin ako, nasa edad ba ang pagdiskubre sa tunay na kahulugan ng pagibig?


Ilang beses akong nabigo. Kay unibrow. Kay Cyrus. Sa parehong Tamahome na ang isa ay maiimagine mo sa nagsisihulugang dahon ng mangga habang isa naman ay isang drawing. Kathang isip. Baka nga lumikha lang ako ng isang bagay na para sa akin ay totoo ngunit sa iba ay kathang isip lamang.


Nawalan ako ng pagasa. Sa napakamurang edad nawalan ako ng pinakaimportanteng bagay na meron ang isang tao habang tumatanda, self confidence. Pakiramdam ko lahat ng tao sa mundo maganda at ako lang ang tulog noong araw na nagsabog ng kagandahan. Paano iyong kaisa isang taong tulog rin nung araw na iyon na si unibrow e tinaggihan pa ako. Sino naman ang hindi magiisip ng mga bagay na ganoon.


Pero dumating si Prince. Umalis. Pero bumalik. Sinalo niya ako. Katulad nang sa kanta. Nung nahulog ako, nandoon siya para saluhin ako. Siya ang taong nagpatunay sa akin na hindi ko na kailangan pang magsulat ng isang milyong sulat para lang maranasan kung paano mahalin.


Huwag kang matakot na matulog mag-isa

Kasama mo naman ako

Huwag kang matakot na umibig at lumuha

Kasama mo naman ako

Huwag kang matakot

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now