25

3K 145 15
                                    

PRINCE


Madami pa ang nangyaring talaga namang habangbuhay kong pahahalagahan bago pa dumating si Andrei.


Naging date ko si Lindsey sa prom. Kung saan nagkapareho pa kami ng kulay ng damit kahit hindi naman namin pinagusapan. Siya ang first at last dance ko. Naexperience ko rin nung araw na yun paano tumawa at biglang lumabas sa ilong ang iniinom. Grabe masakit.


Nakachain ko rin siya noong foundation day ng buong school at nayakap ng saglit sa horror booth. Hindi siya ang yumakap bigla dahil natakot. Hindi ganun ang nangyari. Nakakahiya mang aminin ako ang yumakap sakanya dahil sa nakakatakot na mukha at paghaplos ni Kenji.


Araw araw ko ring nasundo at naihatid pauwi si Lindsey. Simula noong naging kami. Walang palya yun. Umulan man o umaraw. Lagi man siyang magpahuli dahil magbabasa pa siya sa library. Hinintay ko siya nang walang palya. Dahil ano ba naman ang ilang oras na paghihintay, sa ilang minutong marinig ko ang mga kwento o reklamo niya sa buhay.


Siguro mahigit na sampung beses ko narin siya nabigyan ng bulaklak. Minsan pag monthsary namin, minsan wala lang. Gusto ko lang. At kahit na ilang beses pa niyang sabihin na ayaw niya ng surprises alam ko deep inside napasaya at napakilig ko siya.


Marami pa sana akong nagawa para kay Lindsey. Marami pa sana akong napatunayan. Pero naging duwag ako. Naging makasarili. Sa araw araw kong paghingi sakanya ng explanation, iyon ang oras na hindi ko siya pinakinggan.


Kung may time turner lang ako katulad nang kay Hermione Granger babalikan ko iyon araw araw para lang baguhin. Pero walang magic sa totoong buhay. Walang magic. Kahit na true love pa ang naramdaman ko kay Lindsey wala paring magic.


"Lindsey may dapat ba akong malaman?"


Tahimik... Ilang minuto rin na naging tahimik.


"Prince kasi..."


"Hindi mo ba alam, Cosingtian, na habang kayo e sinusulatan ako nitong si Lindsey? Na nung isang araw e dapat magkikita na kami?"


Nung sinabi palang ni Andrei iyong sinusulatan sana naisip ko nan a nagpapanggap siya na ako. Na nagpanggap siyang siya si Prince Bookshop. Pero nauna ang init ng ulo ko. Nauna ang mga salitang hinihiling kong hindi ko nalang nasambit kay Lindsey.


"E wala ka pala e! Fourth year highschool ka palang naisip mo na mag two time? Ano feeling mo niyan maganda ka? Lahat nagkakagusto sayo? Lahat kaya mong lokohin?"


Sa mga salitang iyon doon na nawala si Lindsey sa buhay ko. At ang masakit pa doon, hinayaan ko lang siya.


Kasi pwede ko naman siyang habulin at sabihing sorry sa lahat ng mga sinabi ko diba? Kasi pwede naman na puntahan ko siya sa bahay nila at hayaan siyang mamili sa amin ni Andrei. Kasi pwede namang ipaglaban ko ang nararamdaman ko para sakanya.


Pero wala akong nagawa.


Wala akong ginawa.


Noong gabing iyon, at sa araw araw na naaalala ko ang mga pangyayaring yun... gabi gabi kong naririnig ang pasigaw na sabi ng tadhanang, "Wala ka pala e!"


Hindi ko naibigay kay Lindsey ang gusto niyang Romantic Comedy. Sa huli, ang love story namin ni Lindsey ay nag end sa isang napakalaking drama.


Tama si Lindsey. Hindi nga lahat ng conflict sa buhay ay kayang iresolba ng "I love you" ng "mahal na mahal kita" ng "sorry na".




Wala ka talaga, Cosingtian.

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now