10

4.3K 224 33
                                    


Dear Kung Sino Ka Man,

E



E. L-I-N-D-S-E... Wala ng sumunod pagkatapos nun. Magfifirst year highschool ako nung huli kong isinulat yun. Nakakapagod kasi ang maghintay sa wala. Halos dalawang taon ko ring araw-araw sinusulatan iyong bookshop na yun. 


Siguro dumating na ako sa point na pagod na akong maghintay sa mga mangyayari. Parang sa paghihintay ko kay Prince. Paano kasalanan ko naman kasi ang mag assume at umasa na baka nga sakali gusto niya ako. Nasabihan lang ako ng maganda ng bestfriend niyang artistahin e lumobo na agad ang isip ko at bigla nalang akong nananaginip ng gising na kasama si Prince.


Hindi ko ugali ang tumulala sa may bintana sa klase. Nakikinig ako. Kasi pangit na nga ako bobo pa ako sa klase, wala nang mangyayari sa akin kung ganun ako. Kaya ginagawa ko ang lahat para kahit papaano e nangunguna o di kaya naman e pumapangalawa ako sa klase.


Sa buong buhay ko minsan lang ako tumulala at tumingin sa bintana. Iyong basketball court na natatanaw ko sa upuan ko ay parang bigla nalang naging kawalan. Para siyang naging isang malaking screen kung saan nakikita ko ang mga panaginip ko ng gising. Mga bagay na suntok sa buwan. Pero kahit alam ko naman iyon, naniwala parin ako sa sinabi ni Bee. "Maganda ka nga."


Isang araw iyon bago matapos ang araw na sinabihan ako ng isang napakagandang babae na maganda ako dahil sinabi iyon ng gwapo niyang bestfriend. Siguro meron pa akong hangover kasi unang beses kong sabihan ng ganun. 


Sa unang pagkakataon hinayaan kong maging bida sa panaginip kong gising si Prince. Sa panaginip na iyon, masayahin ako. Kahit na hindi ako kagandahan, pero pakiramdam ko kapag nakatingin siya sa akin ako ang pinakamagandang babae sa mundo. Sa panaginip na iyon, perpekto. Walang nahulog na medyas at walang Feliz at Lissy. Walang ibang maganda kung hindi ako. 


Sa panaginip na iyon, hindi ako nahihiya, hindi ako naiilang kapag hinahawakan niya ang mga kamay ko. Sa panaginip na iyon Masaya kami. Pero siguro ang pinakaimportante sa panaginip na iyon e merong kami. Hindi ako at si Prince. Sa panaginip na iyon iisa at nagiging noun ang pronoun, KAMI.


"Ms. Gueco, what ethical concern issues the statement "do no harm"?" Napatayo ako kaagad sa upuan ko at bahagyang nabangga ang tuhod ko sa arm chair. Pasa nanaman. Tumawa naman si Prince sa harap ko.


"Maam?"


"What ethical concern issues the statement "do no harm"?"


"Prince...." Hindi ko alam kung nasa panaginip pa ako noon o talagang nakita kong tumaas ang balahibo sa leeg ni Prince nung binanggit ko ang mga katagang iyon. Bahagya niyang inilingon ang ulo niya sa akin pero hindi iyong lingon na lingon. Bahagya lang. Iyong hindi halata. Iyong nagsasabing, wag kang umasa hindi ako interesado sayo.


"ciple of nonmaleficence."


"Good. I thought you were daydreaming."


"I don't daydream maam. I hate people who daydream, I think it's a waste of time. And I also hate those who constantly do weird things and make people assume about something they don't really mean." Kay maam ko sinabi pero gusto ko si Prince ang makaramdamam. Siguro naramdaman niya kasi simula noon hindi na siya gaanong sumasama sa amin.

Isang Milyong Sulat 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat