20

3K 156 30
                                    

PRINCE


First year high school kami nang tumigil na si Lindsey sa pagpapadala ng sulat. Bakasyon palang ng grade six naging madalang na ang pagpapadala niya. Syempre siguro narin iyon sa kadahilanan na hindi ako sumasagot sa mga sulat niya.


Kahit minsan.


Maagang nagsimula ang klase sa Maynila. May hangover pa sa bakasyon ang mga tiga probinsya e nandun na kami sa loob ng classroom nagsusulat ng essay kung anong ginawa naming noong bakasyon. Badtrip na badtrip pa ako noon kasi nga si Andrei katabi pa si Kat-Kat na parang nang-aasar.


Kaysa maginit ang ulo ko kay Andrei gumawa nalang ako ng essay. Isang sentence palang ang naisusulat ko nang kumuha ulit ako ng malinis na papel at sumulat nanaman ng sulat para kay Lindsey...


Na hindi ko rin lang naman ipapadala.


Dear Plaridel,

Aakalain mo bang first day of school na? June 1! Ito na ang pinaka hanep sa lahat ng hanep na mangyayari sa mundo. June 1! Walang patawad! Kayo, kalian ang first day of school ninyo? Kapag nabasa mo ba ito, sasagutin mo? O katulad nang mga sulat na akala mong hindi ko pinansin e hindi mo lang ba ito bubuksan?


Maraming dahilan kaya hindi ako sumusulat, Plaridel. Sobrang dami. Hindi ko alam kung paano ko aaminin sa iyo na nakita na kita. Na minsan na kitang sinundan pauwi sa bahay ninyo na wala kang pagdududahan kung serial killer ba ako o rapist. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain na mayroon akong isang kahon ng mga sulat na reply sa mga sulat na ipinapadala mo ayun lang e hindi ko sila sinasagot.


Masyadong maraming bagay na ang nangyari na hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa iyo sa pamamagitan ng sulat.


Kaya napagisip isip ko. Na habang isinusulat ko ito, tumatayo na ako sa classroom naming para magpaalam sa teacher (ginagawa ko talaga!). tumango ang teacher at kinuha ko ang bag ko at diretsyo umuwi.


Pagkauwi sa bahay pinuntahan ko si lola sa bookshop at sinabing, "Lola, diba kilala mo naman si Plaridel? Pupuntahan ko po siya." Sa mga salitang iyon, noon ko lang nakitang ngumiti si lola. Yung ngiting proud. Siya lang naman kasi ang may kakilala sa iyo Plaridel. Bakit? Kasi medyo pakialamera si Lola. Binasa niya iyong isang kahong sulat ko sayo! Pati narin iyong mga sulat mo. Pero okay lang. At least may saksi sa pag-iibigan natin... este pagkakaibigan pala.


Tinawagan ko si papa at tuwang tuwa siyang inenroll ako sa eskwelahan kung saan ka nagaaral.


At bago pa matapos ang araw na ito. Kumuha ako ng papel at envelope. Sa papel na iyon isinulat ko...


Bakit hindi ka na nagpapadala ng mga sulat?


Pero hindi bale, Lindsey, magkikita narin tayo.


Pero pinunit ko rin iyon at yung "Bakit hindi ka na nagpapadala ng mga sulat?" iyong kalahati? Itinago ko sa wallet ko at tsaka ko lang ipapakita kapang nagkalakas na ako ng loob na umamin sa iyo.

Isang Milyong Sulat 1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora