8

4.3K 223 18
                                    

Dear Kung Sino Ka Man,


D



Mga ilang buwan narin akong hindi nagsusulat doon sa sinusulatan ko. Nakakapanghinayang nga kasi nabitin rin siya sa doon sa sinasabi ko. Hindi ko tinapos ang pagsusulat ko sakanya kasi sa totoo lang niyan wala naman akong tatapusin kasi wala akong sinimulan. Mali. May sinimulan ako pero walang nangyari.

"Hoy, parang madalas ka atang tulala ha." Sabi ni Mischa na kanina pa pala nakatingin sa akin kasabay ng pagsayaw ng mga kilay niya. Ang galing coordinated.

Hindi ko nalang siya pinansin at tuloy nalang ulit sa pagkain ng sandwich. Ham and cheese nanaman ang benta ni Ate Canteen.

"Pansin ko ring lagi na kayong magkasama ni Prince Co ha. Kayong dalawa, nagseselos na ako may bago ka ng bestfriend." nagkunwaring nagdabog si Mischa pero alam ko namang gusto niya lang humagilap ng chismis. Kung ano ang nangyayari samin ni Prince... Yun e kung meron man.

Hindi ko naman matatawag na kaclose si Prince, kasi sa totoo niyan hindi naman ako parating nagsasalita kapag magkasama kami. Hindi rin naman siya nagsasalita. Kumportable kami sa katahimikan. Sa madaling salita kahit gwapo si Prince boring siya.

"Hi Lindsey!" umupo si Prince sa tabi ko at ngumiti siya kay Mischa. Naku! Siguro si Mischa crush nito. Pero sana wag po Lord. Lahat na ng tao maging crush ni Prince wag lang si Mischa. Masakit yun kung sakali. Promise. Inaamin ko. Masasaktan ako.

"Si Lindsey lang?" tampong sabi naman ni Mischa. Pacute. Yak. Napabelat ako sakanya.

Pero hindi naman na napansin ni Prince kasi kinawayan niya rin si Mischa.

"Problema mo Prince? Pinagbubulungan ako dahil sayo." Inilayo ko yung upuan ko sakanya pero tinabi niya rin lang. Hirap makagets si Prince. Kahit gwapo siya, boring siya at slow.

"Sungit mo naman. Nakikipagkaibigan lang naman ako." Tinakpan niya ulit yung kakabukas niyang sandwich at kinuha iyong juice na dala niya. Tumayo siya at tumingin sa akin. Alam kong nakatingin siya sa akin. Malakas ang radar ko. Dahan dahan siyang naglakad palayo si Mischa naman umiiling lang. Siguro natatawa.

"Hindi mo man lang ba ako pipigilan?"

"Tignan mo si Lindsey! Ang feeling niya! Siya na nga nilalapitan ni Prince Co e. So arte akala mo kung sinong maganda."

Kilala ko ang boses na yun. Kahit nakapikit ako at kahit na maraming tao sa canteen na sabay sabay na nagsasalita alam ko ang boses na iyon.

"Prince Co dito ka nalang o." tawag ni Feliz. 

Tumingin ako kay Prince na nakatingin parin sa akin. Ibinaba niya ng padabog iyong sandwich at juice niya sa mesa pupunta na sana siya sa mesa nila Feliz nang pigilan ko siya.

"Sa tingin mo ba kapag pinagtanggol mo ako e ihihinto nila yan?"

Natahimik siya. Hawak ko parin ang kamay niya kaya nararamdaman ko iyong pagtigas ng kamay niya sa galit. O baka talagang ganun lang yung kamay niya mafeeling lang ako.

"Ano ka ba! Sinisiraan ka na hindi ka parin iimik?"

"Sanay na ako ikaw naman. Hindi naman talaga ako maganda."

Magsasalita na sana si Prince ng biglang may lumapit. "Hi Prince Co. Dun ka na maupo sa table namin o. Mas pleasing ang atmosphere doon. Hindi tulad dito."

Kumunot ang noo ni Mischa pero hindi siya nagsalita. Siguro kasi minsan na siyang ipinahiya ni Feliz. Ayaw na niyang maulit iyon.

Tinignan ako ni Prince at napatango nalang ako.

"Sabay tayong uuwi mamaya." Hindi niya yun tinanong. Pautos niyang sinabi! Kainis yun! Bakit na kahit na boring at slow at bossy siya e tumitibok parin ang puso ko pag kinakausap niya ako.

Nung umalis siya parang gusto kong umiyak. Ang corny. Ang corny ng nararamdaman ko kasi kailan ko lang naman siya nakilala. At hindi siya ang ideal guy ko. Parang kung si Tamahome ang ideal guy ko siya hindi, parang siya iyong blondie na kalaban na nakalimutan ko na ang pangalan kasi hindi siya memorable. Pero bakit ganun? Bakit ako kinikilig?

"Alam mo alam ko yang tulalang yan."

"Ano nanaman?"

"Lindsey, bestfriend mo ko simula ng start ng highschool. Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko."

Ngumiti nalang ako. Hindi iyong ngiti na masaya. Iyong ngiting malungkot. Alam ni Mischa kung ano tong nararamdaman ko. Alam ko sa sarili kong alam ko rin kung ano man to. At pareho naming alam kung saan din to papatungo.

Malay mo diba?

Malay mo mali kami...

Sana nga mali kami...

Palabas na kami ng campus na parang bigla nalang bumilis iyong oras. Sa totoo nga niyan first time kong matawag ng teacher at mali ang isinagot ko. Sobrang mali!

"Lindsey! What is the formula for the area of a parallelogram?"

"Uhm. Si Einstein po."

Akala ko emc squared ang tanong. Tumawa ang buong klase at napayuko nalang ako. Si Mischa tinapik lang ako sa likod. Si Prince ni hindi man ako nilingon. Siguro galit parin sa akin iyon kasi tinaboy ko siya kanina.

Nung palabas na kami ng classroom sakto rin na papasok si Feliz na may dalang baso. Ngumisi lang siya at dire-diretsyong naglakad papalapit sa amin...

Tapos bigla nalang niya akong tinapunan ng juice na puno ng yelo.

"Oh my! So sorry Lindsey! Ikaw kasi e nakaharang ka sa dadaanan ko..."

Nararamdaman ko na yung galit ko. Ramdam na ramdam ko na. Gusto kong kalbuhin si Feliz at ipangmop ang mukha niya sa sahig at blackboard para hindi na niya kailangang magpableach. Gusto kong putulin iyong mga alambre sa ngipin niya. Gusto ko siyang buhulin ng buo. Iyong may feelings.

Gagawin ko na sana pero may pumigil sa akin.

"Ano ba yan Lindsey basang basa ka!" unti unting tinanggal ni Prince yung polo niya sa pagkakabutones. Si Feliz naman biglang naglaho. "Alam mo papatulan ko na yun!"

Naramdaman kong unti unting tumulo mga luha ko. Gustong gusto ko ng umiyak kanina pa. Kanina pa gusto ko nang sabihin na wag siyang umalis. Gusto kong sabihin sakanya na gusto ko rin siyang maging kaclose at kaibigan kasi ngayon lang may lumapit sa akin maliban kay Mischa. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin kasi hindi ko pa naman iyon naexperience.

Pinunasan ni Prince iyong luha ko gamit ang panyo niya. Tapos bigla niyang tinanggal iyong butones ng uniform ko!!!

Nabigla ako at bigla kong inihampas iyong dustpan sa ulo niya. Buti nalang walang laman. 

"Aray ko naman!"

"Anong ginagawa mo?"

"Basa ka o! Palit tayong polo!"

"Dito ako magbibihis? Sa corridor? Sira ka ba?

Lumingon siya sa paligid at napakamot ng ulo. "Hehe. Oo pala." Tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang CR. 

Iniabot niya iyong polo niya sa akin tapos ngumiti. "Sorry kanina ha, concerned lang talaga ako kasi pawis ka tapos nabasa ka ng malamig."

"Tssssss...."

Si Prince gwapo.

Pero slow...

Pero bossy...

Pero boring...

Pero mayabang...

Pero nakakakilig.


Thank you Lord!

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now