24

3K 148 19
                                    

PRINCE


"Pa naman! Date pupuntahan ko hindi binyag!" twenty minutes nalang kailangan ko ng sunduin si Lindsey sa bahay nila! At etong magaling kong tatay e wala paring maipahiram sa akin na tshirt o kaya naman polo shirt. Ang ipinapakita niya sa akin ngayon ay isang crossbreed ng barong at Americana.


"Prince naman hindi naman ako hunk tulad mo! Magmumukha ka namang nalulunod sa sarili mong damit kapag humiram ka sakin."


Sabagay may point siya.


"Sige bilhan mo nalang ako."


Nanlaki agad mata niya sabay tawa. "Matanda ka na. Hindi na ako takot sa tantrums mo. Wala akong credit card. Hindi tayo mayaman!"


"Ano nalang po susuotin ko?"


Nagisip siya. Ngayon ko lang naappreciate ang pagkakaroon ng isang tatay kahit na hiwalay na sila ni mama. Kasi kung kay Lola ako ngayon nakatira malamang susunduin ko ngayon si Lindsey na parang nareincarnate na si Jose Rizal. Buhok and all.


"Yung pinaggraduate mo kaya ng elementary?"


"Pa... magmumukha akong ballet dancer dun na nagmistulang nagkulang sa tela ang suot!"


Natapos ang usapan sa mga usual kong sinusuot pag inuutusan ako ni papa sa palengke. Shorts. Tshirt na Batman. At sneakers. Nice outfit para sa first date, Cosingtian! Naguniform ka nalang sana!


Si Lindsey naman nung sinundo ko sakanila e suot suot ang bestida ng ate niya. Bakit ko alam? Kasi hindi siya kumportable sa suot niya at nung tinanong ko kung bakit isang naiiritang, "kainis kasi sila ate e ang daming alam. Puno kaya ng pin tong damit feeling koi sang maling galaw ko lang mahuhubaran ako." Ang sagot niya.


Pacute ang first date namin ni Lindsey. Lakad lakad sa park. Hinto saglit sa may mga swing habang kumakain ng ice cream. Marami akong natutunan kay Lindsey. Una't sa lahat e mabubuhay siya ng patatas lang ang kinakain. Tipong kahit daw ilaga lang niya yung patatas kaya niyang kainin. For life. Iniisip ko palang iyon nasusuka na ako.


Pangalawa, mahilig siyang magbasa ng mga malulungkot na libro. Tipong hindi niya daw gusto iyong mga love stories kasi hindi naman daw realistic. Hindi daw lahat may happy ending. Hindi lahat masaya.Hindi lahat ng conflict sa buhay ay mareresolba agad ng "I love you" at "sorry na." Mas komplikado daw sa totoong buhay. At pakiramdam niya "easy way out" lang daw ang pagsasabi ng "I love you" pag nagkakatampuhan. Doon daw usually nawawala ang saysay at meaning nito. (deep ni Lindsey)


Pangatlo, mahilig siya sa kpop at Korean series. Minsan na daw siyang maobssess sa isang boyband tipong ubos allowance kakabili ng albums at posters at kung ano-ano pa. Sa totoo lang noong nalaman ko iyon nainggit ako bigla kung sino man si Lee Dong Hae dahil minsan siyang minahal ng babaeng mahal na mahal ko ngayon.


Pangapat, mahilig siyang magsulat. Ng tungkol ulit sa mga malulungkot na bagay. Kasi iyon lang naman daw ang alam niyang isulat. Natatameme siya pag kailangan na daw ng romantic scenes kasi hindi pa naman daw siya nakakaexperience ng kahit na ano na sweet at romantic. Doon ko naplano sa utak ko ang isang milyong bagay na kaya kong gawin para maipa-feel iyon kay Lindsey.


Panglima, madali daw siyang magtampo. At kapag nagtatampo siya lahat ng nakaraan kaya niyang alalahanin. Lahat ng nakaraan kaya niyang ibato sa ngayon at isipin araw araw hanggang maiyak siya. Na kapag nagtatampo siya gusto niyang sinusuyo. Sinusuyo ng hindi sinasabihan ng kung ano anong bola at hindi sinasabihan ng term na pang easy way out.


Kung titignan mo si Lindsey, hindi mo aakalain na ganun siya. Tipong parang nagaway kayo madali lang niyang makakalimutan ang lahat at astig na sasabihing 'sige okay lang.' Pero hindi pala siya ganun. Oo, hindi siya nagtatanim ng sama ng loob, pero madali siyang makaalala ng mga bagay bagay na pilit niyang ibabato sayo mapatunayan lang niya na hindi ka na katulad ng dati. Kaya kailangan mong ipaalala sakanya na hindi ka nagbago. Kailangan mong patunayan sa sarili mo na mahal mo siya at hindi lang puro salita. Ganun ko minahal at mamahalin si Lindsey. Araw araw kong papatunayan sakanya na siya lang at wala ng iba.


Kahit medyo fail ang mga suot namin ng first date, naging perfect naman ang kinalabasan nito. Kasi nagenjoy ako kasama si Lindsey. Dahil nalaman kong kapag tinanong mo lang siya at dinaldalan ng kaunti, unti-unti narin siyang magoopen up sa iyo. Dahan dahan mo naring makikilala ang totoong Lindsey. May mga bagay bagay kang malalaman na hindi mo aakalain. Pero hindi na iyon importante.


Ang mahalaga naiparamdam ko sa first date namin na kahit ano pa siya, kahit ano pa ang malaman ko tungkol sakanya. At kahit na patatas lang ang kainin namin araw araw e hindi parin ako magsasawa sakanya.


Sana ganoon din siya sa akin.


"Saan mo nagagamitin yung pangalawa?" tanong niya nung nasa labas na kami ng gate nila.


"Excited! Syempre susulitin ko yung wishes ko no."


At doon ko lang narealize na sana ginamit ko nalang pala lahat lahat agad. Kung alam ko lang ang mga susunod na mangyayari sana, sana talaga ginamit ko nalang iyon lahat.


Baka sakaling maibalik ko siya.


Baka sakaling maibigay ko sakanya ang romantic comedy na matagal na niyang hinahangad.


Baka sakaling hindi siya naagaw....



Ng napaka-galing kong kaibigan na si Andrei.

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now