5

4.8K 239 35
                                    

Dear Kung Sino Ka Man,

L


First year highschool ako noong napagpasyahan kong oras na para magpaalam sa penpal kong hindi naman ako sinusulatan. Siguro kasi kakaiba na ang math ng highschool, kailangan na ng extrang oras para magaral. Siguro kasi dalawa na ang subject ko na English, Reading at Literature. Siguro kasi nakilala ko na si Mischa, ang kaisa-isang babaeng kakilala ko na alam ang nararamdaman ko.

Katulad ko, hindi rin kagandahan si Mischa, pero katulad ko hindi rin naman siya pangit. Katulad ko pareho rin kaming nasa borderline ng cute at pupwede na.

Pero lagi paring may nagkakagusto sa kanya. 

Kakaiba iyong napasukan kong klase noong first year highschool ako. Cool ang adviser. Imbes na apelyido ang basehan ng seating arrangement e unang letra ng pangalan ang ginawa ni Mrs. Torre. Sabi niya kasi kawawa naman daw iyong mga letter Z ang apelyido dahil sa susunod na tatlong taon namin ng highschool e sila na ang huli. May kaklase kami noon na Zamantha Zuniga ang pangalan, natawa nalang si Mrs. Torre. Iyon kasi ang patakaran sa eskwelahan na iyon. Catholic school kaya mahigpit. Pero medyo rebel si Mrs. Torre. Kahit na malapit na siya sa retirement age.

Nakatabi ko si Mischa. Ako lang kasi ang letter L at siya lang ang may pangalan na letter M. Nakaupo kami sa pangatlong column pangatlong row. Iyong mga hindi napapansin tuwing recitation.

"Hi! Ako si Mischa. Nice meeting you." Simula noong nakilala ko si Mischa akala ko e magkatulad kami kasi sa totoo lang hindi naman talaga siya ganoon kaganda, sabi ko nga.

Pero noong sinimulan na niya akong kaibiganin nakita ko kung saan siya mas umangat. Maganda ang ugali niya. Palangiti. Mabait. Laging nakatawa. Mas lalong nangibabaw ang kagandahan ng ugali niya kaya parang ang ganda parin niya. Hindi tulad ko. Lagi nalang awkward. Lagi nalang tahimik. Laging walang masabi. Laging bitter. Laging mukhang ampalaya.

Second year highschool noon si Ate Lissy. Minsan noong lunch e nakita kong pinapalibutan ng mga lalake si Ate. Samantalang iyong mga babae naman sa paligid e pinagbubulungan siya. Noon ko nalaman na maraming naiinis sakanya. At noon ko rin narealize na wala palang maituturing na Mischa si Ate Lissy.

Wala siyang Mischa. Lahat ng Mischa sa mundo niya e insecure sakanya. Lahat naiinis. Kahit na sobrang daming pagmamahal sa mga lalake ang natatanggap niya e kulang parin. Wala siyang pagmamahal ng katulad noong kay Mischa. Mas maswerte parin ata talaga ako.

Minsan sa CR e nahuli ko si Ate na umiiyak. Paano may nagvandal sa may CR na LISSY GUECO MALANDI.

Pero naging duwag ako. Imbes na kausapin ko siya e tumakbo ako palayo, naisip ko noon hindi naman niya alam e. Pati simula noong naghighschool na siya e hindi narin naman kami ganoon kaclose. Hanggang ngayon naman.

Pero sana kahit papaano nasabi ko man lang sakanya na hindi siya ganoong babae, sadyang maganda lang siya. Pero hindi ko nasabi. Kasi ngayon, aaminin ko, ako rin nainsecure sa kanya

Minsan kapag magisa ako sa kuwarto e iniisip kong ako siya. Magsusuot ako noong bra na may laman sa loob, nagpasya akong suutin iyon. Ang hirap ko pa nga iyong ninakaw kay Ate Lissy e.

Nagdagdag pa ako ng ipinaikot na medyas para sa full effect. Minsan kasi narinig ko si Ate Lissy na kausap si Ate Cynthia, iyong plastic version ni Mischa. Tinanong niya ano daw sikreto ni Ate. Tapos tumingin lang siya sa hinaharap niya at tumawa sila.

Buti nalang tsismosa ako. Kinaumagahan e isinuot ko iyon. At kakalabas ko palang ng bahay e tinignan na agad ako ni unibrow. Magkaiba na kaming eskwelahan, nagbago ng lahat sakanya puwera lang ang kilay niya. Ngumiti siya sa akin pero inisnob ko lang siya. Excuse me, unibrow, magsisi ka.

Pati sa school pinagtitinginan ako. Para akong naging instant celebrity. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko na si Ate Lissy at ang kagandahan niya nakalimutan ko rin ang penpal kong itago nalang natin sa pangalang Prince.

Pagkakita ko kay Mischa. Tumalon talon ako at tumakbo papalapit sakanya.

"Huy hindi pantay!!" sabi niya noong malapit na ako sakanya.

"Ha?" pahingal kong sagot.

Pero hindi na niya ako nasagot dahil may bigla biglang may humawak sa kamay ko. 

Lalake nakayuko at humihingal. Mga ilang minuto rin niyang hinabol ang paghinga niya, tapos tumingin siya sa akin at ngumiti.



"Miss nahulog mo."




Sabay abot sa akin ng ipinaikot na medyas.



Lord, bakit ako pa po?

Isang Milyong Sulat 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang