13

4.5K 220 23
                                    

Nasubukan mo na ba iyong pakiramdam na parang walang makakatalo sayo? Iyong lahat ng bagay, e sa wakas, umaayon na sa gusto mo? Tipong bigla kang gumanda ng walang makeover?


Naramdaman mo na ba iyong pakiramdam na parang naglalakad ka sa hangin? Iyong tipong akala mo, sa wakas, tuluyan mo ng natalo ang gravity? Iyong parang wala kang problema dahil sa wakas nahanapan mo na ito ng solusyon?


Naramdaman mo na ba iyong pakiramdam na parang lahat ng mga kanta sa radyo e masaya at nakakain-love? Iyong tipong, sa wakas, pinagbigyan ka na ng tadhanang patugtugin ang matagal mo ng kinakalawang na playlist? Iyong parang naging ikaw naman ang nasa sentro ng kalawakan at kasamang kumikislap ang araw?


Naramdaman mo na ba iyong pakiramdam na para bang lahat ng salita e kayang kaya mong gawing parang sa tula? Iyong tipong, sa wakas, nagkaroon na ng kahulugan at pupuwede nang pang telenovela ang buhay mo? Iyong parang naging ikaw na ang bida at hindi na audience?


Iba pala talaga no? Iba na talaga kapag iyong taong gusto mo e gusto ka rin. Ganito pala ang pakiramdam pag may isang taong gusto kang makasama. Parang pakiramdam mo importante ka. Tipong ramdam mo na hinding hindi ka na magiisa kahit pangit ka.


Naglalakad ako ngayon papunta sa eskwelahan. Maaga. Umagang umaga. Busy pang nagpupulong iyong mga langaw sa may malapit na poste ng ilaw. Nagtitipon tipon na parang nilalamig. Dati rati mahina ko silang minumura sa isip ko. Ngayon nagmistulan silang parang mga paru-paro.


Maaga. Medyo malamig pa ng kaunti at dati inaantok pa ako sa tuwing ganito ako kailangan kaaga pumasok. Pero wala akong ibang magawa ngayon kung hindi ang ngumiti. Ngumiti ng magisa na parang nababaliw. 


"Lindsey. Pulang bola nalang sa ilong mo pati bibig mukha ka nang clown." sabi ni Mischa na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na.


"Clown? nagjoke ako?"


"Hindi. Pero yung ngiti mo nakakajoke. Anong ibig sabihin niyan?" Si Mischa minsan madali makaintindi. Lalo na kapag iyong huling huli niya akong nagsisinungaling. Pero hindi pa kasi siguro niya ako nakitang masaya dahil may nagugustuhan ako. 


Kami kasi ni Mischa, ang mga nagugustuhan lang namin ay iyong mga taong sa telebisyon lang namin nakikita. Iyong mga taong alam naming hinding hindi kami papansinin lalo na pag nakita namin sila. Iyong mga taong hindi man namin alam kung makikita namin o di kaya'y mahahawakan ng personal at hindi iyong sa telebisyon lang.


"Alam mo kasi si Prince...." 


"Lindsey! Mischa!" tumindig agad balahibo ko sa batok nung marinig ko ang boses niya. Ilang taon ko ring hinanap hanap iyong boses na iyon kahit alam kong in denial naman akong hindi siya namimiss.


Iyong boses pati mga ngiti niya kapag tinatawag ako. Noong hindi na kami naguusap madalas akong natutulala sa kawalan habang pilit kong naiisip iyong mga ngiti at pagtawag niya. Araw araw sa tuwing nakikita ko iyong likod niyang nakatalikod sa akin. Ilang taon kong hinintay na siya na ang lumapit sa akin at makipagbati. Ilang taon na naging kaklase ko siya simula noong una namin siyang nakilala na hindi niya ako pinansin o nilingon man lang. Ngayon, hindi parin ako makapaniwalang nandito na siya ulit. Sa akin na ulit siya katulad ng dating una ko siyang naging kakilala at kaibigan. Si Prince Co. Ko. Akin. Hindi kay Feliz. Hindi kay Ate Lissy. Hindi kahit kanino man kung hindi Akin.

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now