7

4.7K 223 64
                                    


Dear Kung Sino Ka Man,

N



Kanina nanood ako ng anime. Fruits Basket ang title. Si Tohru Honda ang bida. At katulad ng lahat ng anime maganda siya, masiyahin, laging nakangiti, mahaba ang buhok at may bangs. Isa lang noon ang pangarap ko noong bata ako, yun ay ang magkabangs, hindi joke lang - maging isang anime.

Kung anime siguro ako laging nililipad ang buhok kong hindi man lang nasubukan marebond. Kung anime siguro ako cute ako kahit na galit at umiiyak. Kung anime siguro ako maraming magkakagusto sa akin at cute rin sila kasi wala namang pangit sa anime. Yung dun lang sa slam dunk na tawag nila e gorilla.

Kanina si Tohru Honda may sinabing maganda. Sabi niya lahat naman daw ng tao mabait, kung hindi man sila mabait sa tingin mo mas mainam parin daw iyong bigyan siya ng "benefit of a doubt" kasi nga baka hindi pa niya nadidiskubre na mabait siya. Wala namang kinalaman iyong sinabi niya sa kung ano man ang ikukuwento ko. Ang point ko lang naman e habang sinasabi niya iyon, yung buhok niya nililipad ng hangin para may effect. Tapos natulala tuloy yung kausap niya.

Sana ganun rin ako habang nagsasalita sa harapan ni Prince. Sana hinahangin rin ang buhok ko para matulala siya. Pero hindi kasi kami matalik na magkaibigan ng hangin, isang ihip palang ng electric fan sa akin e nagmistulang parang nagaway na ang mga strands ng buhok ko.

"Miss mahangin ba sa labas?" baka iyon lang ang masabi niya sa akin.

Recess nung pinalibutan si Prince ng mga kababaihan. Sa totoo nga niyan e meron na siyang nickname. Prince Cosingtian. Prince Co for short. Lahat ng babae tawag sakaniya Prince Co. Kinuha nila ang telephone number niya dahil wala daw siyang celphone, eto ang rinig ko noong nakikinig ako sa usapan nila.

"Hindi ako mahilig sa pagtetext. Mas gusto kong nakakatanggap ng sulat."

Narinig ko rin na nagiisa siyang anak at nakatira siya sa tatay niya dito sa probinsya. Sabi niya tiga Maynila daw siya.

"Bakit ka lumipat dito sa probinsya kung tiga Maynila ka naman pala?" sabi ni Feliz sabay ang pagipit niya ng buhok sa tenga.

Si Prince ang isang ehemplo ng "perfect guy" ang cliché nga e. Sa sobrang cliché hanggang sa panaginip ko medyo overrated na siya. At sa tuwing pinipilit kong hindi siya gustuhin, palihim ko rin na ipinagdadasal na sana hindi nalang ipinaganak si Feliz.

Si Feliz rin kasi ang ehemplo ng "perfect girl". Mini version siya ni Ate Lissy kaso mas pinabata at pinagandang bersion si Feliz. Pangalan palang moderno at maganda na. Samantalang ako kahit maganda ako este yung pangalan ko pala pinapapangit ng ibang taong nakakalimutan ang pangalan ko. Linda raw.

"May gusto kasi akong hanapin."

Kung sino man yun sana mahanap na niya para umalis na siya dito. Para hindi na ako tuluyan maging malungkot sa mga nangyayari.

"Talaga? Sino."

Hindi ko na narinig ang sagot niya, kung sinagot ba niya iyon o hindi. Lumipas ang buong araw na hindi ko man lang siya nakausap. Hindi rin niya ako kinausap, parang wala lang.

Noong pauwi na, isa ako sa mga maiiwan para maglinis. Si Mischa nauna na dahil may sundo. Pati nga si Prince umalis narin agad. Ni hindi man lang siya nagpaalam este ano lumingon man lang pala. Parang walang utang na loob sinamahan pa naming hanapin ang klase niya. 

Baka kasabay si Feliz, si Feliz na maganda, si Feliz na mabango, si Feliz na maputi ang mga ngipin. Eyeballs lang ata ang maputi sa akin.

Pagkatapos ng paglilinis wala man lang pumasin o kaya nagpaalam sa akin. Hindi kasi ako palakaibigan. Hindi rin ako palapansin sa mga tao. Para kong suot iyong invisibility cloack ni Harry Potter. Basta lang kaklase ko sila iyon na yun. Wala ng kung ano pa man. Minsan kasi kumaway ako at nagpaalam doon sa isa kong kaklaseng kaibigan ni Feliz. Kaso hindi ako pinansin. Ni hindi man lang ngumiti.

Lumabas ako na hawak hawak ang bag ko. Gusto ko ng umuwi dahil amoy pawis, alikabok at chalk na ako. Naglalakad na ako palabas ng gate ng biglang may tumawag sa akin. Buong pangalan.


LINDSEY MARIE GUECO!

Buo. Hindi Linda o Linds o Lissy. Lindsey Marie Gueco. Ako. Wala pa atang tumatawag sa akin ng buo kong pangalan maliban sa mga guro na tumatawag sa akin kapag recitation at si Mischa.

Nung lumingon ako si Prince. Tumatakbo papalapit sa akin. On cue ang paghulog ng mga dahon ng bougainvillea na medyo malapit ng kahawig ng cherry blossoms kesa sa mangga. On cue rin na hinangin ang malagkit kong buhok pero bumagsak rin na parang napagod bigla ang hangin pagkabuhat niya nito. Ngumiti siya sa akin at kitang kita ko ang mapuputi at diretsyo niyang mga ngipin.

"Sabay na tayo." Wala akong nagawa kung hindi tumingin lang sa kanya na para bang sa unang pagkakataon e naramdaman kong maganda ako. "Akin na bag mo."

Pero hindi ako kasing suwabe ng ibang mga babae sa pagpapacute. Naihampas ko ng bahagya sa mukha niya ang bag ko.

Smooth mo Lindsey!

Akala ko iiwan na niya ako pero ngumiti lang siya ulit. "Ano ka ba hindi ko naman nanakawin."

"Ano. Kasi. Pasensya na hindi ko sinasadya." Lumabas ng natural ang mga salita. Hindi tulad ng pagsasalita ko sa harap ni Shane na para akong na heat stroke dahil hindi maintindihan ang pagsasalita ko.

"Okay lang. Tara sabay na tayo."

Tumango nalang ako at naglakad kasabay siya. Una kinilig ako. Oo naalala ko iyong panahon na iyon na kilig na kilig ako dahil kasabay ko ang pinakagwapong lalake sa buong mundo este campus pala. Pero hindi rin nagtagal.

"May ipapabigay ka ba kay Ate Lissy? O gusto mo bang ipakilala kita sa kanya?"


Tumingin siya sa akin at napakamot ng ulo.


Sabi na nga ba e!

Sabi ko na talaga!

*All By Myself song cue*

"Sino si Ate Lissy?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Talagang sinabayan mo ako pauwi ng walang kapalit?"

"Oo naman. Ano pa nga ba? Gusto lang naman kita makasabay pauwi. Tutal magkalapit lang naman bahay natin."

Tumigil ang mundo.

Sa wakas! Sa wakas! Sa wakas! Sa ilang taon kong pamamalagi dito sa mundong to, sa wakas tumigil narin siya para sa akin. Para sa akin at hindi para sa iba.

"Oo nga pala, para saan iyong medyas kanina na nakaroll?"

"Para lumaki yung ano........" Napatigil ako bigla at namula. Gusto ko ng maglaho! Gusto ko siyang takbuhan! Gusto ko sana na para akong nastroke habang nagsasalita pero malinaw na malinaw ang pagkakasabi ko.

"Lumaki ang alin?"

Nagtanong siya pero pinipigil na niyang tumawa. Binilisan kong maglakad pero mabilis rin siyang nakakahabol sa akin sabay ng pagtawa.

"Huy Lindsey ano na kasi?"


Kailan mo pa pinangarap maging sexy, Lindsey? Ganda lang naman habol mo diba? Bakit kasi naglagay ka pang medyas! 

Isang Milyong Sulat 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang