12

3.9K 206 21
                                    

Dear Kung Sino Ka Man,


Naguguluhan ako. Marami ang dapat kong intindihin pero hindi ko magawang maintindihan. Hindi ko alam kung bakit. Lahat nalang sa paligid ko walang kasiguraduhan. Kung mabubuhay parin ba ako bukas, kung maipapasa ni Mischa ang bagsak niyang grade sa Physics 2, kung ano ang kakainin ko mamayang recess o kung mayroon ba iyong paboritong palabok na binibili ko pag uwian o kaya'y naubusan na, katulad nalang ng araw araw na nagyayari sa tuwing pumipila ako ng pagkahaba haba para lang matikman iyong palabok na iyon.

Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo na gusto niya ako, o gusto niya lang akong maging kaibigan ulit. Saan ko guguhitan ang dulo ng friends lang sa may potential? Alam kong naguguluhan ka na rin tulad ko. Pero ganun talaga ang pagiisip ko ngayon.

Magulo. Kung sanang pwede kong mai-classify sa mga folders ang mga gumugulo sa akin. Na puwede kong ilagay sa mga nabubulok at hindi nabubulok ang mga naiisip at nararamdaman ko, tipong may pag-asa sa wala.

Sa totoo lang, umasa akong sulatan mo pa rin ako nung hindi kita sinagot noon. Na katulad ko araw araw mo rin akong susulatan. Pero huminto ka sa iisa at hindi na muling sumubok pa.

Ganun rin ba ang gagawin ko? Na kapag hindi pala tulad ng naiisip ko ang nararamdaman niya e ihihinto ko narin? Kahit na alam kong may pag-asang baka sakaling maging pareho rin kami ng nararamdaman?

Lindse



y....


-Lindsey


Itinupi ko ang sulat at napabuntong hininga nalang. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Prince nung sinabi niyang gusto niya ako."Lindsey gusto rin kita.""Huh?""Gusto kita Lindsey!""Mischa?""Hindeeee si Maam Trinidad to.""Mischa.""Lumabas ka nga diyan. Harapin mo ako."Pagkalabas ko sa may confession booth, hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Dahan dahan akong naglakad. Nageensayo kung ano pa ang magiging reaksyon ko sa iba't ibang bagay na puwedeng mangyari.Kung si Mischa iyon."Pwede ka na pangdrama sa radyo!" sabay palo ng mahina sa braso pero medyo may panghihinayang rin dahil hindi siya si Prince.Kung si Maam Trinidad:"Maam, sa isang taon pa po ang April Fools, wag excited." Sarcastic dahil pinipilit niya ang sarili niyang magpacool.Kung si Prince...."Huy Lindsey!"Ilang beses akong pumikit nung oras na yun. Sa dami ng pag pikit ko e medyo naluha na ako. Iniling iling ko pa nga ang ulo ko e, baka si Mischa lang yun pero si Prince ang nakikita ko."Nasilaw ka nanaman sa kagwapuhan ko."Si Prince nga.Kahapon, halos hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko. Una kasi mismong kay Prince ko sinabi na gusto ko siya.


Pangalawa, sinabi niyang gusto niya rin ako. Gusto in what way? Gustong maging kaibigan ulit? Gustong gusto? Gustong ano??!!


Pangatlo, dumating si Mischa na litong litong nakatingin sa amin at bigla akong hinila palayo.


Napabuntong hininga nanaman ako sa kinauupuan ko habang inaalala ko ang nangyari kahapon. Ano ang ibigsabihin ng mga sinabi niya?


"Lindsey anak, may bisita."


Sa tinagal tagal kong nabuhay dito sa mundo ngayon lang ako nagkabisita. Kaya laking gulat nalang ni Ate Lissy na biglang dumaan sa kuwarto ko na may bumibisita sa akin.


"Ma sino daw po?" sabat naman ni Ate Lissy kahit hindi naman niya iyon bisita.


"Prince Co raw!"


Tignan mo yun, pati nanay ko dinamay sa kalokohan niya. Tumayo ako at lumabas sa kwarto nang pababa na ako sa hagdan pinigilan ako ni Ate Lissy.


"Ano ka ba. Magayos ka nga." Sinuklay niya ang kamay niya sa buhok ko at ngumiti. Minsan-minsan lang kami naguusap ni Ate Lissy, pero yung mga minsan na iyon, doon ko nararamdaman na kapatid ko nga siya.


Iniwan kami ni Nanay pagkababa ko sa may sala. Hinila ko siya sa labas ng bahay kasi alam ko naman na uupo si nanay at ate Lissy sa may hagdan at makikinig ng paguusapan namin.


"O bakit napunta ka dito?" maingat ang pagsasalita ko. Hindi pinapahalata ang kaba. Hindi pinapahalata ng konti nalang parang mangingisay na ako sa di ko malamang rason. Eto na siguro iyong tinatawag nilang kilig.


"Paano, kahapon bigla ka nalang hinila ni Mischa. Di ko na tuloy alam kung paano na tayo."


Tayo. Dati rati ako lang. Siya lang. Walang kami. Walang tayo. Iba pala ang pakiramdam na kahit sa panghalip lang e hindi ka nagiisa.


"E ano ba?"


"Anong ano?"


"Ano nga?"


"Ewan ko sayo."


Pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa kaya naramdamaman kong ako nga ata dapat ang unang magpapaliwanag.


"Iyong sinabi mong gusto mo ako..." sinimulan ko tapos yumuko, rinig na rinig ko ang hagikgikan ng kinilig kong nanay at ate. "Anong ibig sabihan nun? Kaibigan lang ba o higit pa."


Tumingin ako sa mga mata niya nang banggitin ko ang huling dalawang salitang sinabi ko. Parang nagmamakaawang iyon ang piliin niya at hindi iyong una.


"Kaibigan." Sabi niya.


"Haha. Ako rin." sa harap masaya kong sinabi iyon, pero bakit parang nag-eemote ang puso kong parang nakatingin sa bintana habang umuulan at habang pinapatugtog ang kantang All By Myself.


Ngumiti siya tapos may inabot sa aking kahon.


"Gusto ko sanang ulitin ulit bukas yung unang araw na nagkita tayo."


Binuksan ko iyong kahon at nakakita ako ng dalawang pares ng medyas. 


"Para sana maipakita ko sayo na gusto rin kita ng higit pa sa kaibigan."


Kailangan talaga simula doon sa medyas?


Nasaan ang pagbabago??

Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now