Kabanata 2

8.6K 369 94
                                    


Kabanata 2:



"Sa paggamit ng orasan ng nakaraan, mababalikan ang nakaraan. Matatamasa ang sayang kahit kailan ay hihilingin na hindi na mawala pero sa oras na nasira ang orasan ng nakaraan, kung nasaang panahon ka ay kailan ma'y hindi na makakabalik sa gustong pupuntahan." Sabay no'n ang biglang pagkulog kidlat na may kasamang ulan.


Bigla akong kinabahan kay Ma'am Glenda. Sa tingin ko parang may tama na ang utak niya pero iba ang dating ng sinabi niya.


Napailing ito. "Ay jusko! Lumalakas na ang ulan. Halika na't ihahatid na kita sa inyo." At hinila niya ako pabalik sa bar.


Pinagmasdan ko si Ma'am Glenda. Sino ba siya?


-------


"I LIKE your necklace."


Napatingin ako sa suot kong kuwintas. I wear Ma'am Glenda's gift to me. Bagay kasi ang kuwintas na ito para sa OOTD ko. "Like mo? Ligawan mo!"


Sinamaan niya ako ng tingin. "Nakakainis ka! I'm just astonished on the beauty of that necklace!"


"Sige, spell Astonished?"


"Inaano ka ba? Basta maganda yan! Tapos!" Inirapan niya ako. Aba ang taas ng confidence mang-irap ah! Itapon ko 'to sa Bermuda Triangle eh.


"Tapos, tapos ka d'yan! Tapusin ko mukha mo bes! Hmp!" Inirapan ko rin siya at balik tingin kay Chelsea. I'm so mean talaga. I think she really like my necklace. Hinubad ko ito at inabot ko sa kanya. "Its yours!" Masaya kong sabi. Syempre bihira lang ako magbigay ng gift sa best friend ko kaya dapat masaya ang expression ko. Alangan namang sad face ako, nagmukha namang labag sa loob ko na ibigay ang necklace ko.


Inabot nito ang kuwintas. "Wow! Are you sure akin na lang 'to?"


Tumango ako. "Just take care of that necklace. Antique na 'yan."


"Thanks Keira." Then she hugs me. Aaaaw! So sweet pero nakakasakal na siya.


Napatingin ako sa wristwatch ko. "Oh! I need to go. Start na ng class namin sa sociology and we have quiz so need na maaga sa class."


"Ok."


Kumaway ako bago nagmamadaling pumunta sa classroom namin. Naalala ko kasing hindi pa ako nagri-review. Nakakatamad naman kasi mag-review sa subject na ito. Ten minutes na lang bago dumating ang professor namin.


While I keep myself focusing on what written in my notes, dumating na si professor Reyes. Geez! Hindi pa ako tapos mag-review. Paano na 'to? Ayokong bumagsak because if ever na bumagsak ako sa quiz bababa ang grade ko. It can cause na hindi ako maka-graduate kaagad. Paano na si ako? Paano na ang dream house and car ko? Naiiyak na ako bes!

It Started At 7:45Where stories live. Discover now