Kabanata 37

3.2K 133 28
                                    


Kabanata 37:



"Masaya akong makita ka, Señorita Keira!" Lumapit si Matias sa amin. Inabot nito ang kamay ko at hinalikan iyon. "Masaya rin akong makita ka dito, Señorito Gabriel." Naglahad pa ito ng kamay.


"Bakit ka nandito, Señorito Matias?" Madilim ang mukha ni Gabriel. Ni hindi man lang tinanggap ang pag-aalok ng shakehands ni Matias.


"Gabriel." Pabulong kong babala kanya. Syempre hindi naman maganda ang pagtrato niya sa tao at pangit tingnan 'yon.


Ibinaba na ni Matias ang kamay niya at ngumiti ulit sa amin. "Bakit ka rin nandito, Señorito Gabriel? Hindi ba't dapat nasa Maynila ka at naghahanda para sa kasal mo kay Señorita Corazon?" May diin ang pagkasabi nito ng kasal.


Medyo nakadama ako ng inis kay Matias. Kailangan talagang ipagdiinan na muntik na ikasal si Gabriel sa babaitang 'yon? Hindi man lang inisip na nandito ako at masasaktan ang sa mga pinagsasabi niya ngayon. Trigger ako sa kanya ah! Napahawak ako sa sentido ko. Nakakasakit ng puso at ulo itong lalaking 'to.


Biglang napahawak sa balikat ko si Gabriel. "Sumama ba ang iyong pakiramdam, aking mahal?"


Tumango ako kahit hindi naman. Na-badtrip lang talaga ako kay Matias kaya ayokong makita siya ngayon.


"Señorito Matias, sigurado akong masaya ang aking asawa na makita kang muli ngunit kailangan na naming umuwi."


"Asawa?" Napatingin sa akin si Matias at dahil sinumpong akong ng pagkamaldita mode ay pinakita ko ang daliri kong may suot na wedding ring at engagement ring.


"Kasal na kami, dalawang linggo na ang nakalipat." Proud kong sabi.


Nginitian ako ni Gabriel kaya nginitian ko rin siya. Ito ang gusto ko talaga eh. Obvious talagang kami ang para sa isa't isa dahil may connection sa aming dalawa. Naputol lang ang tinginan naming dalawa nang narinig naming tumikhim si Matias. Pagkatingin ko sa kanya ay nakita ko sa mata niya ang sakit at galit. Bigla tuloy akong nakadama ng guilt sa kanya. Naalala ko na may pagtingin nga pala siya sa akin at tiyak akong nasasaktan ito ngayon.


"Binibining Keira!"


Napapikit ako nang nakalapit na sa amin si Benito. Bakit napapalibutan ako ngayon ng mga lalaking umiibig sa akin? Dumilat ako at ngumiti kay Benito kahit alam kong pagseselosan ito ni Gabriel. "Magandang umaga, Benito!"


"Magandang umaga rin sa iyo, binibini, at magandang umaga sa iyo, Señor Gabriel!"


"Ganoon rin sa iyo." Matabang na sabi ni Gabriel. Napailing na lang ako.


"Benito, pinapakilala ko sa iyo ang aming kaibigan, si señorito Matias Saenz."


Nagbatian naman ang dalawa at nagpaalam rin kaagad si Benito dahil may gagawin daw ito.


It Started At 7:45Onde as histórias ganham vida. Descobre agora