Epilogo 2

5.1K 240 78
                                    

Epilogo 2:


Gabriel Realonzo:



Apat na taon, apat na taon ang aking hinintay upang maging maayos sa akin ang lahat. Pinag-aralan ko ang lengwaheng ginagamit ng mga Pilipino sa panahong ito, ang kanilang kilos, pananalita at kung paano gamitin ang mga makabagong gamit na sinabi nilang teknolohiya o technology. Pinalago ko rin ang mga kayamanang itinago ko noon doon sa bahay na pinagawa ko para sa amin ni Keira.


Nagawa ko ring bilhin ang mga lupain namin sa San Carlos. Ginawa ko ang lahat upang maibalik sa akin ang mga gamit noon ng pamilya ko. Nagpapasalamat ako kay Glenda dahil ginabayan niya ako.


"Sir."


"Yes, Mr. De Castro?" Hindi ko na ginawang tumingin sa sekretarya ko. Nakatutok lamang ang aking paningin sa litrato ni Keira sa isang sikat na kainan, kasama niya ang aming anak na si Cara. Napangiti ako.


"Nasa venue na po si Ms. Silvano."


Binaling ko na ang tingin ko sa kanya at lalong lumawak ang aking ngiti. "Mabuti kung ganoon! Mamayamaya ay lalabas na ako." Tinanguhan ako ng aking sekretarya bago ito lumabas. Bumalik ang aking tingin sa litrato ng aking mag-ina. Hinaplos ko ang mukha ni Keira at napapikit ako. Bumalik sa aking isipan ang araw na iyon.


------


Mapait akong ngumiti nang tuluyang nawala na sa harapan ko ang babaeng pinaglaanan ko ng aking puso. Ngayon ay nasisiguro kong ligtas na ang aking mag-ina at hindi nila na mararanasan ang malupit na buhay na mayroon dito sa aking panahon. Napatingin ako sa hawak kong kuwintas. Ang kuwintas na ginamit ni Keira para makapunta sa aking panahon. Nagpapasalamat ako sa kuwintas na ito dahil nakilala ko ang pinakaespesyal na babae sa buong mundo. Ang babaeng nanggaling sa hinaharap.


Umubo ako at may lumabas na dugo sa aking bibig. Marahil ito na ang aking huling oras sa mundo. Ang tangi kong hiling ay maging masaya ang aking mag-ina. Na sanay maging mabuting bata ang aming anak.


"Señorito—"


"Señor."


Natingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Siya ang babaeng nagsabi sa akin na hintayin ko ang aking mahal sa bahay-bahayan doon sa puno ng Acacia noong biglang naglaho si Keira. "Buenas días, Señorita." Pilit kong bati kahit ako'y nahihirapang huminga.


Lumuhod siya sa harapan ko at hinaplos ang aking mukha. "Hijo, isa kang napakabuting tao."


Hindi ko alam kung bakit nandito ang binibining ito sa harapan ko. Nilingon ko si Señorita Corazon. Nanlaki ang aking mata dahil nasa akto ito na tumatakbo pero para na ito estatwa ngayon. Binaling ko ang aking tingin sa binibini. "Señorita, anong nangyayari?"


Ngumiti siya sa akin. "Ang aking ngalan ay Glenda. Ako ang dahilan kung bakit nagkakilala kayo ng babaeng galing sa hinaharap."

It Started At 7:45Where stories live. Discover now