Kabanata 38

3.1K 139 22
                                    


Kabanata 38:



Napangiti ako nang makita ko ang isang librong pambata. Darating ang araw na magbabasa ako ng ganitong libro para sa anak ko. Kinuha ko iyon.


"Aking mahal." Lumapit ako kay Gabriel dala-dala ang libro at kumandong ako sa kanya.


"Tingnan mo ito." Pinakita ko sa kanya ang libro.


Kumunot ang noo niya. "Isang kwento tungkol sa engkantada, bakit mo naman babasahin iyan?"


"Ang sabi ng mga doktor sa panahon namin ay mainam na basahan ng libro ang sanggol na nasa sinapupunan ng ina niya. Malalaman niya kasi ang boses kanyang ina at magiging matalinong bata siya paglaki."


"Kaya gusto mong basahin ang librong ito?" Kinuha niya sa akin ang librong hawak ko. Tumango ako. Ngumiti naman siya sa akin. "Maaari bang ako na lamang ang magbasa ng libro para sa kanya? Para alam din niya ang boses ng kanyang ama."


Ngumiti ako sabay tango. Mainam nga'ng malaman rin ng anak namin kung ano ang boses ng kanyang ama. "Gusti ko rin siya basahan ng mga librong tungkol sa mga leksyon para talagang siguradong matalino siya." Ngumisi pa ako. Natawa naman si Gabriel. Naku! Mukhang hindi niya sineryoso ang sinabi ko. "Bakit ka tumatawa?" Inis kong tanong sa kanya.


"Natutuwa lamang ako dahil nakikita kong ngayon pa lang ay may maganda ka nang plano para sa kanya." Hinaplos niya ang tiyan ko.


Humilig ako sa balikat niya. "Gusto ko kasing may maganda siyang kinabukasan."


"Ako rin, aking mahal. Gusto kong maging masaya rin siya. 'Yung tipong hindi siya mahihirapan sa nangyayari sa panahong ito. Ayokong danasin niya ang paghihirap sa kamay ng mga Español." Masuyo niya akong hinalikan sa noo. "Gusto mo bang dalhin ito? Ilang minuto na lamang at bababa na tayo."


Tumango ako sabay tayo. Napatingin ako sa vanity mirror. Napahawak ako sa tiyan ko. "Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon ni ina Lucita kung sakaling dumating na tayo?" Lumingon ako kay Gabriel.


"Tiyak akong matutuwa siyang makita ka kaya wala kang dapat ikabahala." Ngumiti na lang ako. "Tayo na't lumabas na tayo. Dadaong na itong barkong sinasakyan namin." Kinuha ni Gabriel ang maleta at pinauna na niya akong lumabas ng kwarto.


May mga tao na sa labas. Inaabangan ang pagdaong ng barko. Pagpunta namin sa deck ay marami nang tao doon. Nasa daungan na pala kami at hinihintay na lang na pababain ang mga tao. Huminga ako ng malalim. Mayamaya ay inanunsyong maaari nang bumaba ang mga pasahero. Nasa likuran ko lang si Gabriel habang bumababa kami. Pinagmasdan ko ang paligid.


"Gabriel!"


Sabay kaming lumingon ni Gabriel sa tumawag sa pangalan niya. Napangiti ako. Si Felix. Lumapit siya sa amin at nag-shakehands silang dalawa. Tinanguhan naman ako ni Felix.


"Ilang linggo ka ring nawala, amigo!" Napalingon sa akin si Felix. "Masaya akong makita kang muli, Señorita Keira. Ayon sa sulat ni Gabriel, ika'y nagdadalangtao."

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon