Liham

4K 125 10
                                    


Ika-24 ng Abril 2018


Mga Minamahal Kong Mambabasa,


Hello! Sa wakas, nakaabot ka hanggang ending ng nobelang ito. Salamat sa pagbabasa ng kwento. Hindi ko aakalaing matatapos ko ang nobelang ito dahil sobra akong nahirapan. Sabihin nating palagi akong nara-writer's block. Siguro dahil kaunti pa lang ang mga napupuntahan kong Historical Place kaya nabablanko ako. Frankly speaking, Luneta at Simbahan ng Nepomuceno which is nasa Tangalan, Aklan lang ang napupuntahan ko. Taong bahay lang ako mga hija at hijo. Ang galaan ko lamang ay National Bookstore, Pandayan Bookstore at isang Milktea shop.

Sabihin nating hirap ako i-explain ang kwento dahil isa itong Historical Fiction. Kada kabanata ay umaabot ng isang araw mahigit kapag sinusulat ko dahil marami ang oras ng research ng information kaysa sa sulat. May mga impormasyon kasi na kapag namali ako ng lagay ay lagot. Isa pa sa nahirapan ako ay noong nasa Intramuros si Keira at Gabriel. Nahirapan ako ng sobra dahil hindi pa ako nakakapunta sa Intramuros at imahinasyon lamang ang pinairal ko. Sa mga picture sa internet, information at sa nakwento ng kapatid ko.

Ang pagsusulat ng Historical Fiction ay hindi basta-basta. Dapat ang atensyon mo ay nasa kwentong iyon lamang. Dapat maayos at tama ang ilalagay mo sa sinusulat mo dahil may koneksyon ito sa Kasaysayan ng napili mong bansa.

Ako, ang dahilan kung bakit nagsulat ng Historical Fiction dahil may isang binibining nag-request sa akin na gumawa ako ng ganitong klaseng genre. Na-challenge naman akong gumawa dahil mahirap gumawa ng ganitong kwento hanggang sa na-realized ko nae-enjoy ko na siya at hindi na siya konektado sa request. Ginawa ko siya dahil ginusto ko. Minahal ko ang nobelang ito at ito ang nobelang sobra kong pinaghirapan. 'Yung tipong halos mabaliw ako kapag nara-writers block ako sa nobelang ito. Ultimo si Gabriel at Keira ang bukambibig ko sa bahay pati rin sa mga kaibigan ko. Ahaha, peace yow!

Sa mga nagtatanong kung AlDub fan ako. Oo, AlDub fan ako. Pero iba ang dahilan kung bakit sila ang napili kong portrayer ng It Started At 7:45. 'Yung unang dapat na portrayer ay McLisse(not sure sa tawag sa loveteam nila) kaso nabablanko ako first chapter pa lang. Hindi kasi sila ang nai-imagine ko. Palaging si Alden Richards, sabi ko what if si Alden na lang ang portrayer? So siya na nga ang napili ko tapos napagdesisyunan ko nang si Maine ang partner niya dahil si Maine din ang nai-imagine kong Keira. After few days na ginawa ko ang kabanata 2 hanggang 3 ay pinanood  ko ang isang Historical Drama which is Ilustrado at ang bida doon ay si Gabriel este Alden Richards so 'yon, na-inspire ako kaya gumana talaga utak ko.

So ayon, may sinusulat ulit akong Historical Fiction. Soon, ipa-published ko dito sa Wattpad. Naghahanap lang ako ng pwedeng gumawa ng bookcover. If ever na gusto ninyo lang maging updated sa upcoming stories ko, tingnan or add na lang ninyo ang account ko sa Facebook dahil dakilang online ako sa fb. Message na lang ninyo ko. So just search Azul WP na may nickname na Ate Azul.

So thats all. Ang haba na ng sulat ko. Salamat sa pagbabasa!



Nagmamahal,

     Ate Azul
LightStar_Blue

It Started At 7:45Where stories live. Discover now