Kabanata 18

3.7K 199 13
                                    


Kabanata 18:



Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Galit pa rin ako kay Gabriel pero may other side ng pagkatao ko na gusto ko siyang makita ngayon. Sinasabi na nami-miss ko na siya. Pero kahit ganito ang nararamdaman ko, still ayoko pa rin muna siyang makita.


Palaging pumupunta ng bahay si Gabriel at pinapasabi ko sa mga katulong na tulog ako o hindi kaya'y umalis ako. Maski si ina Lucita ay nagtataka na rin sa mga inaakto ko. Anong magagawa ko? I felt na niloko niya ako even though si Corazon talaga ang may kasalanan still they kissed each other.


"Señorita Keira, may naghahanap po sa inyo."


Hindi ako tumingin sa maid at tinuon lang ang atensyon sa librong hawak ko na hindi ko masyadong maintindihan dahil nawawala ako sa focus. "Sino?"


"Si Señorito—"


"Kung si Gabriel iyan, sabihin mo sumama ang pakiramdam ko. Bumalik na lang siya bukas."


"Hindi po si Señorito Gabriel ang naghahanap sa inyo kundi si Señorito Matias."


Bumuntong hininga ako at marahang pinatong sa mesa ang libro. "Pakisabi na lalabas na ako at bigyan niyo siya ng maiinom." Tumango ang katulong at iniwan na ako sa loob ng library. Kinuha ko ulit ang libro at binalik iyon sa bookshelves para hindi na ligpitin ng mga katulong.


Pagkalabas ko ng library ay nandoon si Matias na nakaupo sa sopa at halatang balisa ito ngayon. "Señorito Matias, nadalaw ka dito." Umupo ako sa one seater na sofa. Ngumiti ako sa katulong na naghatid ng inumin sa amin. "Bakit ka pala napunta dito?" Kinuha ko ang isang tasa at uminom ng kaunti. "Aah, it's a tea." Nginitian ko si Matias.


Gumanti siya ng ngiti sa akin. "Dinadalaw lang kita. Kagagaling ko lang sa Maynila kaya gusto kong makita ang aking kaibigan at ibigay ang munting pasalubong na ito para sa iyo." Inabot niya sa akin ang isang kasing size ng notebook na nakabalot sa papel.


"Naku! Hindi mo naman kailangan bigyan ng pasalubong." Nahihiyang sabi ko. Syempre hindi naman ako ganoon ka-VIP na tao para bigyan ng pasalubong 'no.


"Isa ka sa mga matalik kong kaibigan kaya tanggapin mo na iyan. Sige na, buksan mo na para malaman ko kung magugustuhan mo iyan."


Napilitan akong ngumiti na may halong ngiwi. Sinira ko ang papel na nagsilbing balot ng pasalubong ni Matias. Isang libro. Napakunot noo ako. Wikang espanyol ang lengwahe ng libro. Napatingin ako kay Matias. "Te Amo, Mi Amor?" Sabay pakita sa kanya ng libro. Hindi naman sa nag-iinarte pero hindi ko talaga trip magbasa ng libro lalo na kung Spanish ang sulat.


Tumango si Matias. "Sa tingin ko ay magugustuhan mo ang nobelang iyan. Ang sabi nila ay tungkol iyan sa isang babaeng nagmamahal sa lalaking hindi siya mahal."


Binalik ko ang tingin sa libro. "Akala ko sa Wattpad lang nag-e-exist ang ganung type ng story."

It Started At 7:45Kde žijí příběhy. Začni objevovat