Kabanata 24

3.6K 172 30
                                    


Kabanata 24:



"Ate Loleng!" Sigaw ko sa pangalan niya at nagmadali akong lumapit sa kanya. Bigla na lamang siya natumba. "Ate Loleng!" Ngumiti siya sa akin at nag-umpisang sumuka siya ng dugo. "Tumawag kayo ng manggagamot! Magmadali! Ate Loleng!"


"Dios mio! Anong nangyayari?"


"Loleng!" Lumapit sa amin si ina Lucita. "Anong nangyayari kay Loleng?" Nag-aalalang tanong niya.


"Ate Loleng." Naiiyak kong sambit sa pangalan niya.


Hinawakan niya ang kamay ko. "M-May n-nagtatangka s-sa bu-hay mo, Señorita. M-Mag-ingat ka." Ngumiti siya sa akin hanggang lumuwag na ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


"A-Ate Loleng!" Tinapik ko ang pisngi niya sabay nun ang pagbagsak ng kamay niya. "Ate Loleng! Dapat hindi mo ininom iyon!" Ako dapat ang nasa kalagayan ni ate Loleng.


"Hija, tama na." Naiiyak na sambit ni ina.


Lumapit sa amin si padre Canciller at siya na ang nagsara sa mata ni ate Loleng. "Sumalangit ang iyong kaluluwa. Makakasama mo na ang ating Dios."


Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang binubuhat na ng mga tauhan ni ina si ate Loleng. Bakit kailangan mangyari ito sa kanya? Ikakasal na siya sa susunod na buwan. Dapat ngayon ay naghahanda na rin siya sa darating niyang kasal. Sinamaan ko ng tingin ang katulong na naghanda sa akin ng tsokolate. "Bakit mo ako lalasunin?" Sigaw ko sa katulong. "Baguhan ka lang, kaya mo siguro pumasok dito dahil gusto mo akong lasunin!"


Lumuhod sa harapan ko ang katulong. "Señorita, wala po akong intensyon na lasunin kayo."


"Sinungaling! Magpatawag kayo ng guardia civil! Isang lapastangang indio." Sigaw ni padre Canciller. Inalalayan niya akong tumayo.


"Padre, wala po akong kasalanan." Humawak sa paanan ni padre Canciller ang katulong.


"Lumayo ka sa aking, indio ka."


"Señorita."


Umiwas ako ng tingin. Lumapit sa akin si ina at niyakap ako. "Tahan na, hija."


"Doña Lucita, wala po akong kasalanan. Alam niyo po na para sa pamilya ko ang dahilan kaya po ako nagtatrabaho dito."


"Malalaman natin sa korte kung totoo ang iyong sinasabi. Hangga't maari ay sabihin mo na kung sino ang nag-utos sa iyo na lasumin si Keira."


Nagsipasukan na sa loob ng komedor ang mga guardia civil para hulihin ang katulong. Ayoko ng ganitong pangyayari pero tinangka niya akong lasunin kaya wala akong dahilan upang kaawaan siya.


"Hulihin niyo 'yan dahil sa pagtatangkang lasunin si Señorita Keira at sa paglason sa isang criada."

It Started At 7:45Where stories live. Discover now