Facts About It Started At 7:45

3.9K 119 18
                                    


Facts About It Started At 7:45



*Rason kung bakit ginawa ang nobela dahil may nag-request sa akin na gumawa ang genre na Historical Fiction para maiba daw.


*Ito ang unang pinakamahaba kong nobela.


*Consist of 2,000 - 3,000 words per chapter.


*Kaya 7:45 ang oras na ginamit dahil noong nag-iisip ako ng title ng story ay eksaktong napatingin ako sa relo at ang oras doon ay 7:45pm kaya biglang nag-boom sa isip ko na It Started At 7:45 na lang ang title ng story.


*Pangarap ko na magkaroon ng kuwintas na ang pendant ay relo kaya hayun, isinabuhay ko ang kuwintas sa kwentong ito.


*Bakit 1889 ang year na napili ko? Kasi 'yun ang year na natapos gawin ang church na St. John Nepomucene Parish Church. Mahal ko talaga ang simbahan na 'yan.


*Ang idea ng pangalan ng heroine ay ito:
-Ang Keira ay name ng isang heroine sa unang nabasa kong novel Mystery ang genre.
-Ang Silvano naman ay galing sa middle name ng best friend ko nitong college life.


*Ang idea ng pangalan ng hero ay ito:
-Ang Gabriel ay base sa anonymous decision ng mga kaibigan ko. Pinapili ko kasi sila ng pangalan kung ano ang magandang pangalan ng lalaki sa panahon ng Espanyol. Kung Tomas, Gabriel o Luisito.
-Ang apelyido na Realonzo ay suggestion ng friend ko.


*Ang pangalan ni ina Lucita na Lucita Irabon ay pangalan ng lola ko noong dalaga pa siya.


*Fictional lang ang lugar na San Carlos at San Pablo. Hindi ko alam kung may ganoong lugar sa Pilipinas.


*Totoo ang Tangalan, Aklan. Province 'yan ng aking ina.


*Ang pangalan na Canciller (which is si Padre Canciller) ay galing sa apelyido ng kaklase ng kapatid ko.


*Ang pangalan ni Matias Saenz ay:
-Nabasa ko sa pocketbook ang pangalang Matias

-Apelyido ng professor ko sa subject sa Psychology ang Saenz


*Ang pangalan ni Corazon Perez ay:
-Isinalin ko lang sa Spanish word ang Heart
-Perez, apelyido 'yan ng kaklase ng kapatid ko.


*Muntik ko na i-delete sa Wattpad ang nobelang ito dahil sobra akong nablangko sa pagsusulat nito kaso kinonsenya ako ng kapatid ko kaya hindi natuloy. Sasabunutan daw niya ako kapag tinanggal ko eh.


*Isa sa paborito kong kanta ni Yeng Constantino ang Ikaw kaya 'yan ang ginamit kong theme song nina Keira at Gabriel.


*Lawyer/Abogado si Gabriel dahil one time naging pangarap ko maging lawyer kaya isinabuhay ko na lang bilang profession ni Gabriel.


*Bokalista si Keira sa banda dahil simula high school ako ay pangarap ko na maging bokalista ng isang banda kaso wag na lang ahaha!


*Sa tuwing sinusulat ko ang nobelang ito ay nakikinig ako ng kanta ni Yeng, Silent Sanctuary at kanta ni Avril Lavigne.


*Halos mahigit isang sem ang ginugol ko para sulatin ang nobelang ito. (6 months ata)


*Mahal ko po si Alden Richards at Maine Mendoza. AlDub pa rin hanggang ngayon. Bagay naman na sila ang portrayer nina Keira at Gabriel.


*Si Ma'am Glenda ay Deity of Destiny.


*Ang totoong plano ko sa ending ay hindi sila magkakatuluyan dahil nga pinagtagpo sila ng tadhana pero hindi sila pwedeng magsama habangbuhay dahil magkaiba silang panahon. Kaso mga hija at hijo, hindi ko kayang hindi sila magkatuluyan kaya hayun. May poreber sa Wattpad.


*Abangan ang kwento ng dalawa pang sanggol na maling panahon isinilang. Hint, nagpakita rin sa kanila si Ma'am Glenda.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now