Kabanata 16

4.5K 247 37
                                    




Kabanata 16:



"Kaya pala ako lumapit sa iyo dahil may pag-uusapan lang tayo... Na tayong dalawa lang. Maaari ba?"


"Maaari naman."


Napanganga ako sa sagot ni Gabriel. Seriously? Makikipag-usap siya sa babaeng 'yan while I'm here. Hello Gabriel, heaven to Earth nandito girlfriend mo. Nasa tabi mo lang. Gustong-gusto ko tahiin ang evin grin ng Corazon na 'yan.


"Pero hindi maaari. Ayokong magtampo sa akin ang babaeng mahal ko dahil lang nakipag-usap ako sa ibang babae. Naninibugho siya kapag may kausap akong ibang babae."


Bigla kong tinampal sa braso si Gabriel. "Nakakahiya ka, Gabriel." Bulong ko sa kanya while deep in side I'm screaming. You are right boyfriend!


Ngumiti si Gabriel. Abot tengang ngiti. "Gusto kong ipakilala sa iyo ang babaeng papakasalan ko, si Señorita Keira Silvano. Aking mahal, si Señorita Corazon."


Nawala ang ngiti sa labi ni Corazon. Ngumiti naman ako ng super sweet. Hah! I win! "Masaya akong makilala ka, Señorita Corazon."


Pilit na ngumiti si Corazon sa akin. "Ako rin, sige mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako."


"Pero ano bang sasabihin mo, Señorita Corazon. Maaari mo namang sabihin ngayon."


Umiling ito. "Hindi naman mahalaga ang aking sasabihin. Paalam." Nagmadali itong naglakad palabas ng simbahan.


"Señorito Gabriel."


"Bakit aking mahal?"


Binigyan ko siya ng mapang-usig na tingin. "Kung sakaling wala ako sa tabi, siguro'y makikipag-usap ka sa babaeng iyon na kayong dalawa lang."


"Hindi ko gagawin iyon. Maniwala ka sa akin."


Inirapan ko siya. "Sinungaling ka."


Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ako nagsisinungaling sa iyo, aking mahal. Saksi ang ating Diyos na totoo ang aking sinasambit."


Nawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya. "Seryoso iyan ah."


"Seryoso po ako. Kaya ngumiti ka na dahil hindi nababagay sa iyo ang nakasimangot."


Napangiti ako. "Dinaig mo pa ata ang mga bayani ng Pilipinas sa pagiging mabulaklak ng iyong sinasalita." Halos pabulong kong sabi.


"Ano ang iyong sinasabi, aking mahal?"


"Wala. Ang sabi ko lamang ay kay ganda ng panahon." Naglakad na ako palabas ng simbahan para itago ang ngiti ko na sobrang kinikilig. Sheez! Aking mahal talaga ang endearment?

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon