Kabanata 17

3.9K 212 24
                                    


Kabanata 17


"Napakagaling mo kanina."


Napangiti ako. Napagdesisyunan namin ni Gabriel na maglibot-libot sa San Carlos tutal ay fiesta naman ngayon at maraming makikitang ganap sa paligid. Isa pang dahilan ay hindi na ako nilubayan ng mga bisita kaya hinila na ako ni Gabriel palabas ng mansion nila. Hindi na daw niya kasi ako makasama dahil sa mga bisita nila. "Hindi naman masyado."


"Napakaganda ng iyong boses. Masarap pakinggan at hindi nakakasawang marinig. Sana'y magmana sa iyo ang magiging anak natin." Hinawakan niya ang kamay ko.


"Excited sa future children natin. Nakakalurkey ka!" Napa-eyeroll pa ako.


"Hindi kita maintindihan, aking mahal. Pero ito lang ang masasabi ko, I love you." Hinalikan niya ang noo ko.


Shemay! Ang bilis ng tibok ng puso ko. "I-I love you too." Sino ba nagturo sa lalaking ito ng english ng mahal kita at nang mabatukan ko? Pinapakilig lang naman ako ngayon ni Gabriel. "S-Saan mo nalaman—"


"Kay Florentino. May mga alam siyang wikang Ingles at iyan ang una niyang tinuro sa akin." Nagsimula na ulit kaming maglakad.


Everyone around us are happy. There are some house that have games. Mga larong Pinoy. Hays! Eleven years ago noong huling laro ko sa ganyan. Sana mamulat ang mga kabataan sa present time na mas worth it pa ang larong Pinoy kaysa gadget games.


Speaking of gadget, nadala ko pala sa panahong ito ang cellphone ko. Gusto kong kuhaan ng picture ang San Carlos at San Pablo in secretly way. Baka maghisterikal ang mga tao dito kapag nakita nila ang cellphone ko.


Napalingon ako sa mga nagkakasiyahan. Hindi ko masyadong makita ang ginagawa nila. May naririnig rin akong tugtog na galing sa gitara at maracas. "Anong mayroon doon?" Curious kong tanong kay Gabriel sabay turo sa mga nagkakasiyahan.


Agad namang tumingin doon si Gabriel. Napangiti siya. "Mga nagsasayawan iyon. Munting kasiyahan na katulad ng ginawa ng pamilya namin kanina."


Bigla akong nakadama ng excitement. Dance party 'yun. "Lapit tayo doon. Gusto ko ring sumayaw." Hinila ko papunta sa mga sumasayaw si Gabriel.


"P-Pero Señorita Keira—"


Nagsihintuan lahat ng mga sumasayaw at pati rin ang mga nagpapatugtog ng gitara't maracas nang makita nila kami ni Gabriel. Lahat sila ay nakatingin sa amin.


"Señorito Gabriel!" Lumapit sa amin ang isang matandang lalaki. "Magandang araw po!"


"Magandang araw rin po, Lolo Joselito." Ngumiti si Gabriel sa matanda kaya ngumiti rin ako. Iba talaga kapag rich kid. Kilala ng buong bayan. Famous ng fiancé ko.


"Nagawi po kayo dito, Señorito. May maitutulong po ba kami sa inyo?"


It Started At 7:45Where stories live. Discover now