Kabanata 31

3.2K 143 33
                                    


Kabanata 31:



"Binibini, haom eon kamu?"


Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Crisanta. Nauna na akong naglakad papasok sa loob ng simbahan. Ako ang magpipyano para sa misa ngayong umaga at si padre Canciller ang prayleng mangunguna sa misa.


Dumaan ang dalawang buwan na parang kay bilis lang. Dalawang buwan ang nakalipas nang iwan niya ako. Na hanggang ngayon ay duguan pa rin ang puso ko. Sa isang munting kubo ako nakatira ngayon, malapit sa Simbahan ng San Juan Nepomuceno. Bagong gawa lang ang simbahang ito at nalaman kong dalawangpu't walong taon itong ginawa. Nakakalungkot lang dahil maraming Pilipino ang sapilitang nagtrabaho para mabuo ang simbahang ito, mapabata, matanda, babae at lalaki.


Ngumiti ako sa mga taong nandoon na sa loob ng simbahan. Naging maayos naman ang trato sa akin ng mga tao dito sa Tangalan at masasabi kong mabubuting tao sila. Naalala ko, dati naikwento na sa akin ni mommy ang lugar na ito.


Napuntahan na dati ni mommy ang Simbahan ng San Juan Nepomuceno na ito noong nagbabakasyon siya sa Kalibo. May litrato pa nga si mommy sa tapat ng simbahan at masasabi kong walang nagbago sa simbahan. Iyon at iyon pa rin ang mukha nito.


"Mayad-ayad nga agahon!" Bati sa akin ni manang Pining.


Tinanguhan ko lang siya at umupo na sa upuan ng pyano. Panaka-naka akong nagpi-pyano upang masiguro kong nasa huwisyo ako mamaya. Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon. Ayoko pa nga'ng bumangon sa higaan kung hindi lang ako ginising ni Crisanta. Si Crisanta ang inatas ni padre Canciller upang may kasa-kasama ako at marunong din siyang magsalita ng tagalog dahil tumira siya sa Maynila.


Napatingin ako sa taong lumapit sa akin. "Bakit Crisanta?"


"Binibini, nag-aalala lang ako dahil sobrang putla mo ngayon. Hindi ka pa nakakapag-almusal. Tiyak akong mag-aalala si padre Canciller kapag nakita ka niyang ganyan."


Ngumiti lang ako. "Huwag kang mag-alala, dala lang ito ng pagka-antok ko. Bumalik ka na pwesto mo. Ako nang bahala dito."


"Sigurado po kayo?" Tumango naman ako. Ngumiti si Crisanta at iniwan na ako sa pwesto ko.


Mayamaya ay nagbigay ng sign si manang Pining na papasok na si padre Canciller. Ibig sabihin ay mag-uumpisa na ang misa kaya nag-umpisa na akong magpyano. Ako ang nagpi-pyano sa misa kapag si padre Canciller ang magmimisa. Para naman daw may pagkaabalahan ako. May pinagkakaabalahan naman ako, gusto lang ni padre Canciller na dumalo ako sa misa. Mas pipiliin ko pang nasa bahay ako naghahabi ng tela kaysa lumabas-labas.


Pumasok na sa loob ng simbahan si padre Canciller, may nakasunod sa kanyang mga sakristan at isa pang prayle. Lahat ng tao sa loob ay nagsitayuan na, hudyat ng umpisa na ang misa. Nang magsalita na si padre Canciller ay tahimik ang mga tao. Taimtim na nakikinig sa sinasabi ng prayle. Lengwahe ng mga tao dito ang ginagamit na salita ni padre Canciller at minsan ay nagsasalita siya sa wikang espanyol.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now