Kabanata 11

5K 259 26
                                    


Kabanata 11:


"Dahil sinisinta kita Señorita Keira."


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Seryoso ba si Gabriel sa sinasabi niya? Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto. "Sino 'yan?"


"Keira ayusin mo ang sarili mo at may bisita kang dapat mo lamang harapin."


Bumalik ang tingin ko sa labas. Nandoon pa rin sila Gabriel. Kusa namang gumuhit sa labi ko ang isang ngiti. Gumanti ng ngiti si Gabriel bago umalis dahil na rin siguro pinapasabi ni Tiya Lucita na pumasok na. Agad akong tumingin sa salamin at muntik na akong mapasigaw sa ayos ko ngayon. "Bakit ba hindi mo muna naisip na tumingin sa salamin Keira?" Frustrated kong tanong sa sarili ko.


Ang gulo ng ayos ng buhok ko at may panis na laway pa sa gilid ng labi ko. I'm hoping na hindi napansin nila Gabriel ito. Hindi ko kayang humarap sa kanya kung sakaling sabihin niya na nakita niyang may panis na laway ako. Naghilamos kaagad at inayos ang buhok ko. Inamoy ko ang sarili ko. "Hay buti naman at hindi pa ako mabaho." Huminga ako ng malalim bago lumabaa ng kwarto. Feeling nervous ako right now. First time ko lang maranasan ito.


"Anong plano mo at nagawa mong mangharana kanina, Gabriel?"


Lalo akong kinabahan dahil sa tanong ni Tiya Lucita. Medyo nang-i-interrogate ang boses nito. Feeling ko talaga siya si Mommy. Kaya ayoko papuntahin sa bahay namin ang mga suitor ko eh. Hindi nila napansin na nakababa na ako ng hagdanan. Masyadong seryoso ang usapan nila.


"Tiya Lucita iniibig ko po si Señorita Keira. Seryoso po ako sa aking nararamdaman at gagawin ko po ang lahat para mapatunayan ko iyon."


Sumikdo ang puso ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil nalaman ko na mahal ako ng lalaking ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Agad namang napatayo si Gabriel at slight na nag-bow.


"Magandang gabi Señorita Keira!"


Tumango lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang umurong ang dila ko.


"Hija umupo ka dito sa tabi ko." At nag-tap si Tiya Lucita sa tabi nito. Umupo naman kaagad ako. "Hijo alam mong pamangkin kita pero hindi ko hahayaang basta basta ka lang manliligaw kay Keira. Ipakita mo sa akin na totoo ang iyong hangarin. Wala man dito ang tunay niyang magulang, ako naman ang nagsisilbi niyang ina ngayon. Hindi katulad ni Keira ang mga babaeng nakilala mo sa Espanya."


Tumango-tango si Gabriel. "Naiintindihan ko po, Tiya. Katulad po ng sinabi ko kanina gagawin ko po ang lahat para maipatunayan ko na totoo ang aking hangarin. Na totoong iniibig ko si Señorita Keira." Sabay tingin niya sa akin.


Bigla kong tinakpan ang mukha ko gamit ang pamaypay. Ramdam na ramdam ko talaga na uminit ang pisngi ko at damang-dama ko na sobrang nagpa-palpitate ang puso ko dahil sa sobrang kinikilig ako ngayon.


Humarap sa akin si Tiya Lucita. "Hija pumapayag ka bang magpaligaw sa aking pamangkin dahil kung ako ang iyong tatanungin ay hindi ako papayag?"

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon