Kabanata 8

5.9K 268 41
                                    


Kabanata 8:



"Binibining Keira, patawarin mo na ako. Ako'y nagmadali pang pumunta dito para makita ka lang dahil sabik na sabik akong makita ka."


Tumibok ng sobrang bilis ang puso. Parang mabibingi na ako sa sobrang lakas nito. Inirapan ko na lang ulit si Gabriel para ma-less ang bilis ng tibok ng puso ko ngunit mali pala ako dahil lalo lang bumilis ito.


Narinig kong napabuntong-hininga siya and still hindi ko pa rin siya pinapansin. "Kung ayaw mo talaga ako kausapin binibini, ako'y aalis na lamang. Babalik na lang ulit ako."


Paglingon ko kay Gabriel ay nakatalikod siya sa akin. Teka! Sineryoso niya ang pagtatampo ko? Wala man lang suyo? Ay teka! Suyo kaagad Keira? "Anong ginawa mo sa korte?" Napahinto si Gabriel sa paglalakad at humarap sa akin. "Judge ka ba este hukom ka ba?"


Ngumiti siya sa akin. "Hindi ako hukom, isa akong abogado."


Nanlaki ang mata ko. "Wow lawyer ka? Astig! Cool mo bes! Petmalu! Werpa! Lodi!" Napapalakpak ako. Ang astig kaya ng mga lawyer. Ang taba ng utak tapos kabisado pa nila ang mga batas. Gusto ko rin maging lawyer kaso hindi mataba utak ko. Charot lang. Mas gusto ko talaga ang maging archeologist like Mommy.


Napakunotnoo siya. "Hindi kita maintindihan binibini bukod na siguro sa Werpa."


"Wala! Anong kaso nasangkot ang client-kliente mo?"


Naging wide ang ngiti ni Gabriel at lumapit sa akin. "Nasangkot ang kliente ko sa pagpatay sa kanyang suegra."


Mother-in-law, pinatay? Grabe naman. Buti na lang nakakaintindi ako ng spanish language. At least hindi ako nae-alien sa mga sinasabi ng people around me. "Hala murder o homicide?"


"Murder? Homisayd? Ano 'yun?"


Napa-facepalm ako. Kelan ba tatatak sa utak ko na alien word sa kanila ang english language. Nakakaloka! "Ahm ang ibig ko sabihin paano niya pinatay ang suegra niya? Siya ba talaga ang pumatay? Lalaki ba siya o babae?"


"Babae, sinasabi na nilason niya ang kanyang suegra kahit ang totoo ay wala naman siya doon."


Napasalumbaba ako. "So nasaan siya nung time na 'yun?"


"Nasa-"


"Aray!" Paano naman kasi may kumurot sa akin. Paglingon ko ay si Tiya Lucita na feels ko napapaligiran siya ng black aura.


"Umayos ka ng upo Keira!" Bulong sa akin ni tiya.


Nakasimangot naman akong umayos ng upo. Si Gabriel naman ay may smile na parang pilit na hindi tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin. My face is screaming saying that shup up bes!


"Loleng, ipatong mo na lang d'yan ang meryenda nila." Pinatong ni Loleng ang isang tray na may biscuit at dalawang tasa ng kape sa coffee table and still nasa likod ko si Tiya Lucita. "Sandali lang Gabriel at may ipapadala lang ako kay Keira para sa iyo."

It Started At 7:45Where stories live. Discover now