Kabanata 9

5.2K 279 30
                                    



Kabanata 9:


"¡Dios mio! ¿Ver a fantasma ahora?" Sabay turo sakin banda ng babae kaya nagsitinginan sila sa akin Nanlaki ang mata ng mag-asawa pati na rin ang binatilyo. Dahil sa curiosity ko ay napatingin ako sa likod ko kasi sabi ng babae nakakakita daw ba siya ng multo ngayon eh wala namang multo sa likuran ko. "Si Luciana nasa harapan natin." Biglang nahimatay ito. Buti na lang nasalo kaagad siya ni Matias. At dahil sa nang nangyari ay nagkagulo sila. Syempre ako din nag-alala sa kanya kaya lumapit ako sa kanila.


"Uhm what happen to her?" Napatampal ako sa noo ko. English again. "Este anong nangyari sa kanya?" Lalapit dapat ako sa babae kaso binigyan ako ng isang death glare ng nanay nila.


"¡No vienen cerca de mi hija! (Don't come near to my daughter!)" Sigaw niya sa akin kaya lumayo ako.


Napatingin ako kay Tiya Lucita. "T-Tiya." Nakakatakot naman kasi ang inaakto ng nanay ni Matias. Lumapit naman sa akin si Tiya Lucita na may pagaalala sa mukha. "Tiya sino si Luciana?" Bulong ko kay Tiya Lucita. "Bakit parang nakakita sila ng multo?"


Ngumiti lang siya sa akin then she touch my cheeks saying that don't worry Keira. "Pasensya na Victorino at Consolacion kung hindi ko naipakilala kaagad ang aking pamangkin na si Keira."


Napatingin ako kay Tiya Lucita. Ano naman kaya ang pinaplano niya kaya sinabi niya na inaanak niya ako?


"Matias idala mo ang iyong kapatid sa kwarto niya." Na agad naman sinunod ni Matias. Nang wala na sila Matias ay hinila ng nanay ni Matias si Tiya Lucita. Medyo natatakot na ako sa kanya. "Ano ka ba Lucita! Huwag kang magpalinlang sa masamang espirito na iyan! Magpatawag tayo ng padre, Victorino." Tumango naman ang asawa nito at agad na umalis.


"Consolacion, hindi masamang espirito ang aking pamangkin!"


"Huwag kang magpapalinlang sa isang katulad niya. Alam ng katulad niya na nangungulila ka sa iyong anak."


"Ina sa tingin ko'y totoo ang sinasabi ni Doña Lucita." Singit ng binatilyo.


"Manuel, huwag kang maniniwala sa balatkayo ng nilalang na iyan."


Teka! Sinasabi ba nila na devil in disguise ako? Aba hindi nakakatuwa iyan ah. "Excuse me po ah, hindi po ako demonyo. Nakakasama na kayo ng damdamin!"


Bigla akong sinampal ng nanay ni Matias. As in magkabilaan pa! Damang-dama ko na namanhid ang mukha ko at pagtakas ng luha sa mata ko. "Lumayas kang masamang espirito ka!"


"Keira!" Agad na lumapit sa akin si Tiya Lucita at niyakap niya ako. Grabe naman sila. Dapat talaga hindi ako sumama dito eh. Nasaktan pa tuloy ako.


"Ina!" Tumatakbong lumapit sa amin si Matias. "Bakit mo po sinampal si Señorita Keira?"


"Dahil—"


"Kami'y aalis na." Pinunasan ni Tiya Lucita ang luha ko.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now