Salvador Brothers Presents: RAIN

23.9K 259 8
                                    

"I told you, Harley. There's no way you can escape from me. " May diin na hayag niya habang matiim syang nakatitig sa mukha ko.

"Let it go, Rain. Tapos na tayo. Ano ba doon ang hindi mo maintindihan?" Diretso akong tumitig sa mga mata nya. Nakita kong nagtagis ang bagang nya sa sinabi ko. Naningkit ang mga mata nya at dahan-dahan syang lumapit sakin. Sa bawat hakbang nya palapit ay sya namang hakbang ko paatras.

"Lahat doon, Harley. Lahat doon ay hindi ko naiintindihan at wala akong balak na intindihin iyon. At mas wala akong balak na tapusin ang lahat ng mayroon tayo." Napasinghap ako nang maramdaman ang paglapat ng likod ko sa dingding. Nakita kong umangat ang isang sulok ng labi nya. Nag-iwas agad ako ng tingin at bahagya syang itinulak at saka nagsimulang maglakad paalis pero mabilis nya din akong nahila at isinandal ako sa pader. Nanlaki ang mga mata ko nung itinukod nya ang dalawa nyang braso sa magkabilang-side ng mukha ko, pagkatapos ay idinikit nya ang katawan nya sa akin.

"You are mine, Harley. And I intend to keep what's mine. Sinabi ko na sayo, wala akong balak na pakawalan ka. Wala akong sasantuhin kung ikaw ang nakataya. I'm telling you, kahit makipagkasundo pa ako kay Satanas ay gagawin ko, masiguro ko lang na hinding-hindi ka na makakawala pa sa mga bisig ko." Pakiramdam ko'y nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi nya. Naramdaman ko ang mga traydor na paru-parong nagsisisayawan sa tyan ko.

Pero hindi, Harley. Mali. You've learned your lesson. Tama na.

Oo. Hindi ako dapat na magpadala sa mga sasabihin nya. Hindi ako dapat na maniwala.

I believed him once- when he told me the sweetest lie of all- only to have my heart broken to a million tiny pieces.

--

© miss_bechay

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon