Kabanata 3

9.4K 153 2
                                    

For the nth time ay tinanong ko ulit ang sarili ko kung bakit nandito ulit ako ngayon sa loob ng office ni Rain Salvador. Naalala ko tuloy ulit yung nangyari kahapon.

"Rain, ikakasal na ako!" Pilit kong itinulak palayo si Rain nung na-realize ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

"Do you love him, Harley?" Natigilan ako sa pagtulak sa kanya nang marinig ko iyon. Muling kumabog ang dibdib ko sa kaba. Pakiramdam ko'y namilipit ang dila ko at hindi ako makasagot.

"I'm asking you, Harley Raymundo. Do you love him? Do you love Leo?" Naramdaman ko ang titig nya sa mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Nangangatog ang tuhod ko. Napasinghap ako nung lumapit syang muli sakin. "Y-yes! Yes, I love him, alright?" Natatarantang sagot ko. Damn, how can he make me feel this way?

Nahigit nya ang hininga nya sa sinabi ko. "You're lying." He said in a casual tone. Tiningnan ko sya ulit. It took all my will para lang magmukhang kalmado at composed sa harap nya kahit na ang totoo ay naghuhurumintado na ang dibdib ko. "I'm not."

Umiling sya sakin, "You are." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Then what can I do to prove you na hindi ako nagsisinungaling sayo?" Puno ng paghahamon ang tono ng pananalita ko. Tinitigan nya ulit ako. "Work for me. One month lang. Be with me for just a month. And I will do everything in my power to win you back."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Hindi ko nga kayang makatagal na kasama sya ng isang oras, tapos ay gusto nyang magtrabaho pa ako sa kanya sa loob ng isang buwan? Ako yung nang-hamon pero nagawa nyang baliktarin ang sitwasyon.

Napabuntong-hininga ako at saka sya tiningnan ulit. "What if you don't succeed?"

"Then you can resign." He shrugged. "And?" I pressed. Kumunot ang noo nya, "And what?"

"I can resign? Yun na yun? Titigilan mo na ba ako? Hindi mo na ako guguluhin ulit? Hahayaan mo na ako?" Sunod-sunod na tanong ko. Nag-igting ang panga nya sa mga tanong ko. "Of course not. Ang sabi ko, pwede kang mag-resign. Pero hindi ko sinabing papakawalan na kita. I told you, you can't escape from me. Never again."

"Don't tell me kahit kasal na ako ay hindi mo din ako lulubayan?" Napahalakhak ako sa sinabi ko. Pero agad din iyong napawi nang nakita kokung gaano kaseryoso ang mukha nya. Inilapit nyang muli ang sarili nya sakin. An inch away lang ang mga mukha namin sa isa't isa.

Kitang-kita ko ang nagbabaga nyang mga mata. Mabigat din ang paghinga nya. He looked straight into my eyes. "You're damn right, Harley. Ikasal ka man, magkaanak, o anuman, hindi kita titigilan. Hindi kita lulubayan. I'll be your paramour, your secret lover. Gagawin ko lahat, kahit maging sabit lang ako sa buhay mo ay wala akong pakialam. As long as I can be with you."

"You're here early. Excited to see me?" Naputol ang pagbabalik-tanaw ko sa nangyari kahapon nung narinig ko ang boses ni Rain. Hindi ako lumingon at hinintay sya na umupo sa swivel chair nya. Halos mapunit na ang mukha nya sa kakangiti. I just rolled my eyes.

"Don't tell me, badtrip ka na? Ang aga pa ha." Biro nya sakin. Ibinagsak ko lang ang sarili ko sa upuan.

"Papano ba namang hindi ako mababad-trip eh iniisip ko palang na mukha mo ang makikita ko nang ganito kaaga sa loob ng isang buwan ay gusto na kitang patayin sa sobrang inis." Sagot ko at saka sya tiningnan. Tinaasan nya lang ako ng kilay.

"You know, you're really pretty when you're mad." Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi nya. Nang nakita nya iyon ay ngumiti ulit sya nang sobrang lapad. "You're blushing." Mas lalong nag-init ang pisngi ko, pakiramdam ko nga buong mukha ko na eh. For sure daig ko pa ang kamatis ngayon.

"Oh, please! Just tell me what my job is." Naiiritang saad ko sakanya. Isinandal nya ang likod nya sa swivel chair nya at nag-cross arms.

"From now on, you'll be my assisstant."

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now