Kabanata 27

4.8K 60 1
                                    

"Are you sure you're okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Leo. Nasa loob na kami ng bahay, at nakaupo sa sofa habang nanood ng T.V. sa sala.

Wala sa sarili akong lumingon sa kanya. "Huh?" Tanong ko. Binitawan nya ang hawak nyang remote at humarap sa akin. "Kanina pa ako nagsasalita, hindi mo naman ata narinig." Aniya, magkasalubong ang kanyang mga kilay.

Napakurap nalang ako at pilit na inalala kung meron ba syang sinasabi kanina. Meron nga ata, pero hindi nagrehistro sa utak ko kung anuman ang mga iyon.

"Huh? Ah, sorry. Di ko nga ata narinig." Sagot ko nalang at ibinaling ang tingin ko sa chips na nasa mesa. Kinuha ko nalang iyon at sumubo para lang makaiwas sa kanya.

Ramdam ko pa din ang bigat ng titig nya sa akin. Kumakabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko kasi, pilit nya akong binabasa.

Diretso lang ang tingin ko sa T.V. Nasa Star Movies iyong channel, at palabas yung The Notebook na sinulat ni Nicholas Sparks.

Sunod-sunod ang pagsubo ko ng chips kahit halos di ko malunok ng ayos. Paano ba naman kasi ay naiilang ako kay Leo. Sumulyap ako sa kanya at ganun pa din ang pwesto nya. Ni hindi man lang sya bumibitiw ng tingin sa akin.

"So, uh...kumusta?" Tanong ko, at halos sampalin ko ang sarili ko dahil wala man lang akong mahagilap na sabihin sa kanya. Kapag hindi pa sya tumigil sa pagtitig sa akin ay baka maabo na ako ng wala sa oras!

Kinagat ko ng mariin ang loob ng pisngi ko at pinatay ang T.V. Hinarap ko nalang din sya at pilit na ngumiti.

"I'm..." Suminghap sya, at saka ngumiti, "I'm good...perfect, actually. Kasama na kita e." Aniya at saka hinagilap ang mga kamay ko para ipagsalikop sa kanya. Kinurot ang dibdib ko. Kumakawala ang konsensya ko at parang sinasakal ang puso ko.

"Leo..." Nasabi ko nalang dahil walang ibang salitang mahagilap ang isip ko.

"I love you, Harley. I love you...so much." Aniya at saka hinalikan ang kamay naming magkasalikop.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Lahat ng naisip kong paraan upang sabihin kay Leo ang totoo ay tinatangay na ng konsensya ko. Ang makita sya sa harap ko ngayon, at ang marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya, ay syang nagpapahirap sakin.

He's always been vocal about his feelings. At hindi ko na alam kung paano ko sasabihin sa kanyang hindi na pareho ang nararamdaman namin.

Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin sya habang masayang pinagmamasdan ang mga kamay namin.

Tumikhim sya at humigpit ang hawak sa aking mga kamay. Inihilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Patuloy sya paglalaro sa aking mga kamay.

"Mahal na mahal kita, Harley. Alam mo naman iyon, diba? Kahit na...kahit na ilang ulit mo akong saktan...ikaw pa din ang mamahalin ko..." Aniyang hindi pa din tumitingin sa akin.

"L-Leo.."

May bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi ito sa akin ngayon. Hindi ko maiwasan ang isiping alam nya na kung ano ang totoo. Pero ayokong tanungin sya dahil natatakot ako.

"Naalala mo ba...noong una tayong nagkakilala? Sinabi ko sa iyo diba? Nangako ako...na tutulungan kitang maging masaya ulit..." Aniyang basag ang boses.

Nang dinungaw ko sya ay nakapikit lamang sya habang malayang lumalandas ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Naalala mo ba?" Aniya habang nakapikit pa din.

Tumango ako, at muling binalikan ang gabing iyon...

--

Oops! Pabitiiiin!

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now