Kabanata 30

5.4K 75 2
                                    

Tulala ako habang nakapahinga ang aking kamay sa buhok ni Leo. Nakaupo ako sa sofa habang sya ay nakahiga sa aking mga hita at himbing sa tulog.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina- yung sorpresa nyang pagdating, at ang pag-iyak nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang syang nagkaganoon. Para bang may alam sya sa mga nangyari sa akin dito sa Pilipinas ever since I got back here.

Wala sa loob akong napasandal sa sofa at pumikit. Nagkabuhol-buhol na ang mga problema ko at hindi ko na mahanap ang daan para lang makalabas. Patong-patong ang mga tanong sa utak ko at ni isa ay wala akong maaninag na sagot.

Paano ko haharapin si Rain ngayon? Nai-text ko na sya tungkol sa biglaang pagdating ni Leo, pero hindi ko alam hanggang kailan nya matitiis na hindi pumunta dito. Kilala ko pa naman iyon. Maliit ang pasensya iyon at paniguradong pagkatanggap palang nya sa text message ko kanina ay mababalisa na iyon.

Hindi ko naman pwedeng itaboy si Leo paalis dito. Sya naman ang nagpatira sakin dito in the first place, so technically, all rights are bound to him.

Isa pa, hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung paano ko sasabihin kay Leo ang tungkol sa reconcilliation namin ni Rain. Pilit kong hinanap ang mga sinaulo kong dialogues pero wala akong makapa sa isip ko. Lahat yata ay tinangay na ng hangin palayo sa akin.

This is so messed up!

Maingat kong ipinatong ang ulo ni Leo sa sofa at dahan-dahang tumayo. I have to call Rain. I'm sure by now, nabasa nya na ang message ko.

Lutang ako habang umaakyat sa hagdan. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong hinagilap ang phone ko. Nang buksan ko iyon ay nakita kong tambak ang messages ko, at halos lahat ay galing kay Rain!

Dali-dali kong ni-dial ang number nya. Kumakalabog nang husto ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin nya kapag sinabi kong dito magi-stay si Leo for the meantime. Iniisip kong wag nalang sabihin sa kanya, pero baka mas lalo lang magkagulo kapag hindi ko ginawa at malaman nya.

Naputol ang pangatlong ring ng kanyang cellphone. Mahigpit ang hawak ko sa phone kong nakatapat sa aking tenga.

Tahimik ako at hinihintay syang magsalita sa kabilang linya. Pero wala akong ibang naririnig kundi ang mabigat nyang paghinga na syang mas lalong nagpapakalabog sa dibdib ko. ILang segundo pa pero hindi pa din sya nagsalita.

"Rain?" Nag-aalangang utas ko. Bakit hindi sya nagsasalita? Sya ba ang sumagot ng tawag ko? Baka naman iba ang may hawak ng phone nya?

"Harley." Lahat ng tanong sa utak ko ay nasagot sa isang banggit palang nya sa pangalan ko.

Tumingala ako at naghanap ng lakas sa kisame. He's pissed, I know. Ni hindi nya man lang iyong sinubukang pagtakpan. Sa malamig na tono pa lang ng boses nya ay alam ko na kaagad.

"I'm sorry..." Bulong ko sa kabilang linya habang umuupo sa gilid ng kama ko. Narinig ko ang matalim nyang pagsinghap ngunit hindi sya nagsalita.

Nakontento na lang ako sa pakikinig sa paghinga nyang dinig na dinig sa telepono.

"I am so mad." Aniyang halos pabulong din. Nakagat ko ang labi at hindi na nagsalita. I know, sweetheart. I know. "And I'm so jealous, fuck!" Dagdag pa nya.

Naibagsak ko ang katawan ko sa kama dahil nahihilo ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko na mapangatwiranan kung bakit kahit na nagmumura na sya ay musika pa din iyon sa mga paru-parong nagsimula na namang magsayawan sa tyan ko.

"I'm really sorry. Hindi ko alam na dadating sya. Nagulat nalang ako kanina nung tumawag sya at sinabing nasa harap na sya ng gate." Tumagilid ako at nanghagilap ng unan para yakapin. Damn.

"Tss. Bakit pinapasok mo pa? Dapat pinalayas mo nalang." Masungit na sagot nya sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa unang yakap ko at inimagine kong si Rain iyon.

"Ang sama mo!" Suway ko sa kanya at wala sariling kinurot ang unang yakap ko. "Hindi ko naman pwedeng gawin iyon, ano?"

Tumaltak sya sa kabilang linya. "Bakit? Dahil sa kanya iyang bahay na yan? E di kanyahin nya na! Isaksak nya sa baga nya. Kaya naman kitang bilhan ng sarili mong bahay ah? Yung mas malaki pa dyan." Aniya.

Kung may buhok lang itong unan ay paniguradong makakalbo na sa tindi ng pagsabunot ko. Pigil na pigil ang pagtawa ko sa kababawan nyang nagpapainit sa puso ko.

"Baliw ka talaga! Sige na, ie-end call ko na." Pabulong kong sabi.

"Ha? Uy, wag muna!" Umupo ako at hinintay syang magsalita ulit. "Nasan na yung I love you ko?" Hirit nya.

Napangiti ako at niyakap nang mahigpit ang unan. Ipinatong ko doon ang aking mukha. "I love you." Pabulong kong sinabi.

"I love you more." Sagot nya sa kabilang linya at nai-imagine ko na ang gwapo nyang mukha at ang mapupula nyang labi na paniguradpng halos mapunit na sa ngisi nyang abot-tenga.

Nagsomersault ang puso ko. Natatawa ako sa sarili ko dahil para akong teenager na kinikilig sa crush nya.

Napangisi ako at mahigpit na hinawakan ang phone ko. "Sige na, bye na. I-end call mo na." Sabi ko.

"Ikaw na!" Natatawang sagot nya. Umiling ako at mas lalong napangisi, "Ikaw na nga!"

Humalakhak sya, "Nope. Ikaw na." Napapikit ako. "Okay. Bye." Inalis ko na kaagad sa tenga ko ang phone ko at pinatay iyong tawag. Para akong baliw sa kakangisi.

Inayos ko ang higaan ko at napagpasyahang bumaba na. Magluluto na ako para may makain na si Leo paggising nya.

Paglabas ko nang kwarto ay natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang nakita ang kaninang natutulog na si Leo na nandoon at nakasandal sa wall. Ang dalawang kamay nya ay nakasuot sa kanyang mga bulsa at doon namamahinga.

"L-Leo..."

Binuksan nya ang kanyang mga matang nakapikit at bumaling sa akin. Mapupula ang kanyang mga mata at kagat nya ang kanyang labi habang mapupungay ang mga tingin nyang bumagsak sa akin.

"I knew it." Pabulong niyang saad.

Salvador Brothers Presents: RAINTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang