Kabanata 34

4.6K 57 2
                                    

I'm torn.

Kung tama ang hinala ko, there's a fat chance Rain got me pregnant. We never used contraceptives, and I don't take pills. Besides, regular ang schedule ng mestruation period ko.

A big part of me is hoping that it's true. God knows how much I prayed and asked for a second chance to carry a child inside my womb. Noong hindi pa kami nagkaka-ayos ni Rain, naihanda ko na ang sarili ko para maging ina ng magiging anak namin ni Leo. But now, I'm probably carrying Rain's child- our second child.

Pero hindi ko din maiwasan ang matakot. Kung buntis ako, mas makakagulo iyon sa sitwasyon ngayon. Isa pa, hindi ko alam kung paano ito tatanggapin ni Leo once malaman nya.

But then I have to do something now. Gusto ko sanang magpalipas muna nang ilan pang araw para makumpirma ang hinala ko, but Rain's life is on the line. And I have to do something to stop whatever it is that Leo is planning to do with him.

Dumiretso ako sa Guest Room kung saan natutulog si Leo. I'm sorry, Rain. But this is for you. Alam kong masasaktan kita sa gagawin ko, but if this is the only way to keep you safe, then, so be it.

Maingat kong pinihit ang seradura ng pinto at tahimik na binuksan iyon. Tumambad sa akin ang mga nagkalat na gamit sa sahig. Mayroon pang mga piraso ng nabasag na flower vase. Amoy din ang alak sa loob ng kwarto.

Leo's nowhere in sight, though.

Magaan ang mga paa ko habang naglalakad papasok sa loob ng kwarto. Nagkalat ang mga bote ng brandy sa gilid ng kama. May mga upos din ng sigarilyo sa sahig. When did Leo start smoking?

Sumilip ako sa bathroom pero walang tao doon.

"What are you doing here?" Napalingon ako sa likod ko kung saan nakatayo si Leo. Hawak nya sa isang kamay ang isang shot glass na walang laman. Nakakunot ang kanyang noo.

"I-I was looking for you." Sabi ko, at halos sabunutan ko ang sarili ko dahil sa nararamdaman kong kaba. Damn it, Harley! Umayos ka! You have to pull this up perfectly, at hindi makakatulong kung magpapahalata kang ninenerbyos ka!

"Anong kailangan mo?" Matalim nyang tanong. Pinanood ko syang naglakad papunta sa cabinet. Binuksan nya iyon at kumuha ng isang bote ng Johnny Walker. "Makikiusap ka naman ba na pakawalan kita? Kasi if that's the case, then you better leave."

Suminghap ako. "No. I...I came here for a different reason."

Binuksan nya ang bote ng Johnny Walker at nagsalin sa shot glass. Tumalikod sya sa cabinet at isinandal doon ang kanyang likod. Hindi sya nakatingin sa akin, kundi sa shot glass na hawak nya. Nilaro nya iyon. "So anong ipinunta mo dito?" Malamig na tanong nya.

Hindi ako nakasagot. Kinagat ko ang aking labi at nag-isip kung paano ko sasagutin ang tanong nya.

"Ano? Kung tutunganga ka lang dyan, umalis ka nalang. You're wasting my time." Aniya at nilagok ang laman ng shot glass na hawak nya.

"If we get married, will you leave Rain alone?"

Napalingon sya sa akin. Kumirot ang puso ko sa linyang binitawan ko. I can't imagine myself being married to someone else beside Rain now, but if this is the only way to save him, kakayanin ko.

Diretso ang tingin nya sa akin. I stared back. Buo na ang desisyon ko. If this is the only way, I'm willing to take the risk. Naningkit ang kanyang mga mata. "You're willing to marry me...for Rain? Tama ba ang pagkakaintindi ko?"

Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Litaw na litaw iyon sa mga mata nya. Bumitaw ang kanyang paningin sa akin. Umiling sya at inihilamos ang isang kamay sa kanyang bibig. Nakatukod ang isa nyang kamay sa haligi ng cabinet na sinasandalan nya.

This is my chance.

Tumikhim ako. "Sasama na ako sayo, kahit saan- if that's what you want. We can get married anytime, anywhere- if that's what you want." Pangungumbinsi ko.

Pinanood ko syang tulala pa din hanggang ngayon. Tinawid ko ang ilang hakbang na distansya naming dalawa.

Marahan kong pinagapang ang isa kong kamay sa malaya nyang braso na nakatukod sa haligi ng cabinet. Nanatili ito doon habang pinagmamasdan ko ang reaksyon ni Leo. Dumapo ang mga mata nya sa aking kamay ngunit hindi nya ito pinalis.

"Leo..."

Bumagsak sa akin ang mga mata nyang mabibigat ang titig. "Papayag ka? Magpapakasal ka ba talaga sa akin?" Aniya.

Tumango ako at binalewala ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko pwedeng pairalin ang puso ko sa ganitong pagkakataon. I can't let my emotions get the best of me. Hindi iyon makakatulong sa akin sa sitwasyong ito.

"Yes Leo, I will marry you. But only if you promise me that no harm will come to Rain. Only if you promise, Leo."

Pumikit sya. Tila tinitimbang nya ang proposition ko. Well there's no other way he can get me to agree to that marriage. Suminghap sya at nagmulat ng mga mata. I can see the pain in those eyes.

"I...I promise. I promise I'll leave Rain alone." Pagsuko nya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. I can't believe it. He actually bought it! Masaya at malungkot ang puso ko. Masaya, dahil hindi ko na kailangang mag-alala kay Rain- he'll be safe. I know Leo, he's faithful to his words. Pero nagluluksa din ang kalahati ng puso ko, dahil sa ginawa ko, ako mismo ang pumutol sa pagi-ibigan naming dalawa ni Rain.

Naramdaman ko ang kamay ni Leo sa aking mukha. There were tears in his eyes. "Kahit alam kong ginawa mo lang ito para sa lalaking mahal mo, masaya ako. Masaya akong pumayag ka nang pakasalan ako." Aniya. Bumaba ang mga kamay nya sa balikat ko at bigla nyang inilapit ang katawan ko sa kanya. Now he's hugging me. "Masakit. But I promise you, Harley, I promise you, makakalimutan mo ulit sya. And you...you will learn to love me again. I will teach you how to love me again..."

I doubt that Leo. Because Rain's will forever be carved in my heart, and our memories will always be kept inside my mind. My heart knows his name alone. And it beats for him alone. Hindi ko na sya makakalimutan, lalo na ngayon, na maaring dinadala ko ang anak nya.

**

© YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon