Kabanata 6

8.5K 137 0
                                    

Pakiramdam ko ay ibinabad sa yelo ang mga kamay ko sa sobrang lamig ng mga ito. Kasalukuyan akong nasa Living Room at nakaupo sa sofa. Kagat ko ang loob ng pisngi ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Ganito din ang pakiramdam nung unang beses akong dinala ni Rain dito para ipakilala sa parents nya.

"I'm nervous, Rain." Untag ko habang binabagtas namin ang daan papunta sa mansion nila. Thirtieth wedding anniversary ngayon ng parents nya. Ito ang unang beses na ipapakilala nya ako sa family nya- except sa dalawa pa nyang nakatatandang kapatid na sina Storm at Thunder. At sa bunso nilang si Cloud.

Si Storm ang pinakamatanda sa kanila. Sumunod naman si Thunder, and then si Rain, at si Cloud naman ang bunso. Apat lang silang magkakapatid at sa halos limang buwan na nakilala at nakasama ko sila ay nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Matibay ang relasyon nila bilang magkakapatid.

Actually, Rain has been asking me to meet his parents since last week. Kaya lang ay palagi ko syang tinatanggihan dahil kinakabahan ako. Hindi naman kasi lihim sakin kung gaano kasikat ang pamilya Salvador sa business industry. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit natatakot akong ipakilala nya ako sa parents nya. Kung tutuusin, wala naman ding masyadong problema when it comes to social standing because I belong to one of the oldest and most famous elite clans in the Philippines- I am a Raymundo. We may not be as wealthy as the Salvadors, but we are still comsidered a gem in the social society.

Pero kahit na marangya ang pamumuhay namin, I was never spoiled. Hindi ako lumaking maluho. Kapag may gusto ako, mabibili o makukuha ko lang yun kung pag-iipunan ko o kaya naman ay gagawin nilang incentive kapag may achievement akong nakukuha. O kaya naman ay kapag Christmas or Birthday ko. Ganun ako pinalaki. I graduated high school as Valedictorian kahit na one hundred pesos ang baon, unlike my classmates na thousands ang allowance per week. Although ngayong college na ako ay binigyan na ako ni Papa ng credit card, hindi ko yun ginagamit. Not unless I really have to.

Napapitlag ako nang hinawakan ni Rain ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita syang nakatingin din sakin at nakangiti. Mabuti nalang at hindi commercial highway itong dinadaanan namin, kundi ay baka nasapok ko na sya dahil hindi sya tumitingin sa daan. "You'll be fine. Don't worry, sweetheart. I'm here. Okay?" Pinisil nya muna ang kamay ko bago tumingin ulit sa daan. Napangiti ako at kahit papano ay gumaan ang nararamdaman ko.

Maya-maya pa'y tumigil kami sa labas ng isang napakalaking gate. Binuksan nya ang windshield nya at tinawag ang guard na nakabantay doon.

"Kuya Andres, nasa loob na po ba sina Mama?" Tanong nya sa guard. Ngumiti naman ang huli at napatingin sa akin. Mukhang nagulat pa ito pero agad din namang ibinalik ang tingin kay Rain. "Opo, Senyorito. Kayo nalang po ni Sir Storm ang wala pa."

"Ganon ba? O sige. Salamat!" Pagkatapos ay ibinaba nya na ang windshield samantalang si Kuya Andres naman ay pinagbuksan kami ng gate.

"Mukha ba akong multo?" Tanong ko sa kanya. Bigla nyang inapakan yung preno at tumingin sakin. Ako naman ay halos mapasubsob na sa unahan ng kotse nya. Mabuti nalang may suot akong seat belt. "What are you talking about? Bakit ka naman magmumukhang multo?" Nagtatalang tanong nya. Lumingon ako sa likod at ngumuso sa pwstong kinatatayuan nung guard. "Do I look bad? Mukha kasi syang nakakita ng white lady nung napansin nya ako na kasama mo." Ngumuso pa ako pero nawala iyon nang napansin ko ang pamumula ng mukha nya. "A-ano ka ba? Wala yun no." Agad syang nag-iwas ng tingin at muling pinaandar ang sasakyan. Nanlaki naman ang mga mata ko. He blushed, didn't he? Or am I just imagining things. Nagkibit-balikat nalang ako at tumingin nalang sa paligid.

Nang makapasok kami sa loob ay halos lumuwa ang mata ko nung nakita ang malaking bahay na pirinting nakatayo sa gitna ng lote nila. Itinigil nya ang sasakyan sa mismong harap ng bahay. Malaki na ang bahay namin, pero sigurado akong manliliit iyon kung itatabi sa bahay nila Rain.

Hindi ko na namalayan na lumabas na pala si Rain sa sasakyan. Nakita ko nalang sya bigla nung buksan nya ang pinto ng kotse para makalabas ako. "Ready?" Nakangiting tanong nya at inilahad ang kanyang palad sakin. Tumingin ako sa bahay na nasa harapan ko, at sa kamay ni Rain na nakalahad sakin. Nakagat ko ang loob ng aking pisngi at inabot ang palad ni Rain. Inalalayan nya ako sa paglabas sa kotse at saka isinara iyon. Tiningnan ko sya. Nakangiti sya sakin, so I smiled back kahit na nanginginig ang buong katawan ko sa kaba.

Agad kaming binati ng mga kasambahay nila na nakahilera sa labas ng pinto habang pumapasok kami sa loob ng bahay nila. Inilbot ko ang aking paningin. Hindi nga ako nagkamali, it's huge. The design was a mixture of modern and antique. Maaliwalas.

Iginiya nya ako sa living room at pinaupo sa sofa. "May kailangan lang akong asikasuhin, okay? Madali lang. Okay lang ba?" Tanong nya sakin. Nag-panic ang buong sistema ko pero hindi ko nalang iyon pinahalata sa kanya. Sa halip ay tumango lang ako at tipid na ngumiti. "Sige, okay lang. I'll be fine." Sabi ko sakanya. Hinalikan nya naman ako sa noo. "Sure you'll be." Nakangiting sagot nya at saka umalis na. Sinundan ko nalang sya nang tingin habang umaakyat sya sa hagdan. Nang nawala na sya sa paningin ko ay napabuntong-hininga ako at ibinalik ang paningin sa mga kamay ko. Nilaro ko ang mga iyon. Pakiramdam ko talaga ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Paano kung ayaw nila sakin? Pano kung hindi nila ako magustuhan para sa anak nila? Paano kung tumutol sila sa relasyon namin ni Rain?

Halu-halo ang mga tanong na iyan na nagpaikot-ikot sa utak ko. Iniisip ko pa lang na maghihiwalay kami ni Rain ay nabibiyak na ang puso ko. Kapag tumutol sila at pinaghiwalay nila kami, mamamatay ako. Sigurado iyon.

Isang buwan palang ang relasyon namin ni Rain. He's my first boyfriend. My first love. Dalawang linggo pa nga lang syang nanligaw sakin nung sinagot ko sya. Pinagsabihan pa nga ako ng bestfriend kong si Maggie eh. Bakit daw sinagot ko agad. Nagkibit-balikat lang ako sakanya.

Kung tutuusin, mapapataas talaga ang kilay mo sa lovestory namin ni Rain. Na-love at first sight ako sa kanya eh. Mahigit tatlong buwan palang simula nung magkakilala kami ay tinanong nya na ako kung pwede daw bang manligaw. Syempre pumayag ako. Two weeks after, I gave him my yes. At ngayon nga ay isang buwan na kami.

Napapitlag nalang ako nungmay naramdaman akong kumulbit sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang isang babaeng nasa mid-50's na. Mukha naman din syang nagulat sakin. Nangunot ang noo ko. Pakiramdam ko kasi ay pamilyar sa akin ang mukhang iyon. Pilit kong hinalukay sa utak ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko nang bigla syang nagsalita.

"Lei-Lei hija! Anong ginagawa mo dito?" Gulat pero nakangiting tanong nya. Namilog ang mga mata ko nung na-realize kung sino sya. "MAMANG?!"

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now