Kabanata 2

10.9K 172 1
                                    

Tumigil ako sa paglalakad ko at muling humarap sa kanya. Tiningnan ko sya ng diretso sa mga mata. "It was a mistake being here, Rain. And I'm sorry. Pero hindi ko talaga alam na ikaw ang CEO ng kumpanyang ito. Dahil kung alam ko yun, I wouldn't waste my time here."

Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nya. Somehow, he looked...hurt. "Iyon ba talaga ang tingin mo, Harley? Na isa llang pagkakamali ang pagkikita nating muli?" Bakas sa boses nya ang hinanakit. Napaawang ang bibig ko at agad na nag-iwas ng tingin. "I-I'm sorry. I really have to leave." Dagli akong tumalikod at tumakbo palabas sa office ni Rain. Nakita ko pa si Lian sa hallway ng building pero hindi ko na sya pinansin pa. Mabilis akong tumakbo. Ang mahalaga lang sakin nang mga oras na iyon ay ang makalayo. Sa building na yun. Kay Rain. Sa nakaraan.

Mariin kong kinagat ang labi ko nung nakasakay na ako sa taxi. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko na halos hindi na ako makahinga. Pagkadating ko sa bahay ay dali-dali kong binuksan ang pinto at pagkatapos i-lock iyong muli ay dumiretso ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili ko. Pero agad ko ding iminulat ang mga ito dahil nag-flashback bigla sakin yung nangyari kanina.

"Hindi ako nakikipaglalaro sayo, Harley. At alam mong isa lang ang gusto ko, mula noon, hanggang ngayon. AT IKAW YUN!"

"I'm sorry. I didn't mean to... I just, God, I just missed you, Harley! Hindi ko napigilan ang sarili ko."

Napahawak ako sa labi ko. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Pinunasan ko agad iyon at napangiti ng mapakla. I guess some things just never change.

MAAGA akong gumising the next morning para mag-apply sa mga hiring companies na naka-print sa newspaper. Ang nakakainis lang, tatlong kumpanya na ang napupuntahan ko pero kapag nakikita nila ang resume ko, palagi nila akong nire-reject. At itong pang-apat naman, mukhang iyon din ang kapupuntahan.

"I'm sorry, Miss Raymundo. Puno na kasi yung vacant slot namin eh." Napatingin ako sa Manager ng printing press na kausap ko ngayon. Nakatungo sya at hindi makatingin sakin.

"Fourth." Usal ko. Napatingin sya sakin. "Huh?" Nagugulumihanang tanong nya sakin.

Napailing ako. "Pang-apat ka nang nagsabi nyan." Huminga ako ng malalim at saka tumingin ulit sa kanya. "Ano ba talagang problema, Sir? Nabasa nyo naman iyang records ko. Hindi naman masama diba? Wala din naman akong criminal record. Kahit samahan ko pa kayo sa lahat ng presinto dito sa Pilipinas, wala kayong makikita. Wala nang vacant slot? I'm sorry, but is that the best damn excuse you can give?" Naiinis na saad ko. Humalukipkip sya at hindi tumingin sakin. Nanginginig ang mga kamay nyang iniabot ang folder na naglalaman ng resume ko. "P-pasensya na, Miss. Gusto naman kitang kunin kasi magiging asset ka ng company na to for sure, with all of the experiences you had. K-kaya lang, kapag ginawa ko iyon ay baka mawala itong kumpanyang iniingatan ko."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nya. "What do you mean by that? Bakit naman mawawala ang kumpanya nyo kapag ni-hire nyo ako?"

"K-kasi, nagpadala ng warning ang RSC sa lahat ng kumpanya na wag kang tatanggapin kapag nag-apply ka samin, or else we'll lose our company."

Kaagad akong tumayo at hinablot iyong folder na ibinibigay nya sakin. Nanggagalaiti ako habang nagmamartsa palabas ng building. Agad akong dumiretso sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. I drove my way to RMC. Pagkadating ko doon ay padabog kong isinara ang pinto ng kotse ko at pumasok sa building. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang button papunta sa 28th floor. Halos magkadikit na ang mga kilay ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. How dare he? Anong karapatan nyang ipa-blacklist ako? Nang makarating ako sa destinasyon ko ay dire-diretso akong pumunta sa office nya. Ramdam ko ang nagtatakang tingin sa akin ng mga taong nandoon sa hallway pero right now ay wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay sugudin ang walanghiyang Salvador na iyon. Sinalubong agad ako ng secretary nya.

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon