Kabanata 33

4.5K 55 1
                                    

Kaagad akong lumabas mula sa room ko. Tinangay na nang hangin ang alak sa sistema ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang malinawan ako sa nangyayari ngayon. What does he mean by that? Anong gagawin nya kay Rain? Wala pa man ay pinipiga na ang puso ko. Kapag may nangyaring masama kay Rain, hindi ko kakayanin.

Pagkakita sa akin ni Leo paglabas ko mula sa kwarto ay kaagad nya nang inalis ang hawak nyang phone sa kanyang tainga at pinindot ito, probably to end the call.

"What was that, Leo?" Tanong ko. Matalim nya ang tiningnan at ibinalik ang phone sa kanyang bulsa. Hindi nya ako sinagot. Umamba syang tatalikod at pabalik sa kanyang kwarto ngunit mabilis kong tinawid ang distansya naming dalawa.

Dumapo ang kamay ko sa kanyang braso. Hinila ko sya paharap sa akin. No. You are not going to walk away, Leo. Si Rain ang pinag-uusapan natin dito. I can't just let this pass.

"Anong ibig sabihin nun, Leo?" Tanong ko. Patamad na bumagsak ang paningin nya sa akin. "I don't know what you're talking about." Kibit-balikat na sagot niya. Umiling ako.

"I'm not deaf, Leo. Now tell me. Anong ibig mong sabihin kanina? Anong gagawin mo kay Rain?"

Naningkit ang kanyang mga mata. "Narinig mo naman, diba? Bakit tinatanong mo pa?"

Niyugyog ko ang braso nya kung saan nakakapit ang kamay ko. "Sagutin mo ang tanong ko!"

"Hindi mo na kailangang malaman pa, Harley. Besides, what's the use? Wala ka din namang magagawa. You're stuck here. With me. Kaya kung anuman ang gawin ko kay Rain, wala kang magagawa." Malamig na sagot niya sa akin. Marahas nyang iwinaksi ang braso nya. Wala na akong nagawa kundi ang bitiwan iyon.

His words struck me. He was right, of course. I'm here. Kahit pa malaman ko kung anong balak nyang gawin, wala akong magagawa. Mas masakit ata iyon. Papaano na ngayon?

I'm as good as nothing now. Pakiramdam ko'y napakawalang-kwenta ko na. Wala akong ideya kung anong gagawin ni Leo kay Rain, but one thing is for sure- it's up to no good.

Tuliro akong pumasok sa kwarto ko.

Anong gagawin ko? Begging is useless. Ilang beses ko nang ginawa iyon. Hindi ako papakawalan ni Leo- he made that crystal clear to me. There's no hope for me.

Pero si Rain...

Hindi ko makakaya kapag may nangyari kay Rain nang dahil sa'kin. That would kill me. Kung may isang tanging paraan para maabswelto sya sa lahat ng ito, tatahakin ko ang daan na iyon. Di bale nang ako nalang ang maghirap. This mess started because of me. Kaya ako ang dapat na umayos nito.

Tumayo ako. Kung hindi ko agad ito gagawin, baka magbago pa ang isip ko. No, I have to do this. I have to fix this mess as soon as possible. Mas malaki ang tyansang mapahamak si Rain kung papatagalin ko ito na wala man lang akong ginagawa.

This is my last hope- my last card. Kapag hindi pumayag si Leo, then...hindi ko na alam. This is my last resort. I just hope it will work.

Palabas na sana ako ng kwarto pero agad din akong pumihit pabalik at dumiretso sa bathroom.

Mahigpit ang kapit ko sa sink habang inilalabas ang laman ng tyan ko. Bumabaliktad ang sikmura ko at hindi matigil-tigil ang pagduwal ko kahit wala na akong mailabas. Nagmumog ako ng bibig pagkatapos. Hinang-hina akong napaupo sa tiles ng bathroom.

Parang nagsi-circus ang sikmura ko.

Umikot ang paningin ko sa loob ng bathroom, ngunit huminto ito sa likod ng pinto kung saan nakasabit ang calendar.

Today is October 19.

Pinilit kong tumayo. Lumapit ako sa calendar at binaybay ang mga date na nandoon.

Natutop ko ang aking mga kamay sa aking bibig. Shit! This can't be happening! I had my menstrual period last September 11. I supposed to have it again last October 11. Regular akong magkaroon ng menstrual period.

12...13...14...15...16...17...18...19.

Eight days. Eight days! Late na ako nang eight days! Could it be? And as if on cue, I felt sick again.

**

Seven more chapters. Malapit na!

Yow! Add me as friend if you want :)

FB: Yanacabralcalangi WP

You can also follow me on twitter:

@simplyD_07

IG: YanaCabralCalangi (yanabels)

If you have any concerns regarding my stories, feel free to drop a comment. Wag na din po i-forget ang pag-Vote at pag-Follow. Salamat! Adios!

© YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now