Kabanata 18

7.8K 126 2
                                    

"Are you tired?" Agad na tumindig ang balahibo ko nang naramdaman ang mainit na hininga ni Rain sa batok ko.

Yakap nya ako habang ako naman ay nakatalikod sa kanya. Nasa loob na kami ng room ko.

Tumango nalang ako dahil sigurado akong hindi ako makakapagsalita ng maayos. Kung dahil iyon sa pagod o dahil sa pwesto namin ni Rain ngayon ay hindi ko na alam.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sakin. Hinila nya ang katawan ko palapit pang lalo sa kanya, at ibinaon ang mukha nya sa leeg ko.

"Harley..." Maya-maya'y saad nya. Kumalabog agad ang dibdib ko.

I know for a fact that after what happened, kailangan naming mag-usap. 

Truth be told, ayaw ko pa. Ayaw ko pang mag-usap kami tungkol sa sitwasyon namin. But we have to.

I followed my heart, and the least thing I can do is to prepare myself for the consequences.

Itinaas ko ang kumot na nakasaplot sa katawan ko. Siniguro kong matatakpan nun ang dibdib ko bago ako humarap sa kanya.

Itinukod ko ang isang siko ko sa kama at iniangat ang ulo ko.

Iniangat nya ang isang kamay bya at hinaplos ang mukha ko. Hinuli ko naman iyon. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

Natigilan sya dahil sa paghawi ko sa kamay nya. "H-Harley?" Nagtatanong ang mga mata nya habang nakatingin sakin. May takot sa mga mata nya. Bakas na bakas iyon.

Pinagsalikop ko ang mga kamay namin at hnalikan iyon bago inililapat sa kama.

Napabuga sya ng hangin. "You scared me! Akala ko...akala ko...bibitawan mo na ulit ako." Pabulong na utas nya pero dinig a dinig ko iyon.

Napamaang nalang ako habang pinapanood syang umiling na parang iwinawaksi nya ang naiisip nya.

Akala nya, bibitawan ko sya. Akala nya bibitawan ko sya ulit!

Nangilid agad ang luha ko. Nang lumingon sya at magtama ang paningin namin ay agad syang napakunot.

"Harley? Hey..." Bumalikwas sya ng bangon. Umupo sya at niyakap ako.

Kakagatin ko sana ang labi ko para pigilan ang luha ko, pero nang naramdaman ko ang yakap nya ay kusa nang tumulo ang mga ito mula sa mata ko.

"I-I'm so s-sorry, Rain..so sorry! Sorry, sorry..." Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko. Mahigpit akong humawak sa braso nya at isinubsob ang mukha ko sa katawan nya.

I fought for too long, and I realized how right he was when he told me that I won't be able to escape from him.

Simula palang, sa kanya na ako. I've learned to love Leo, pero wala iyon sa pagmamahal na naramdaman at hanggayong ngayon ay nararamdaman ko para kay Rain.

Pinaplano ko palang humakbang ng isa palayo sa kanya, hinihila nya na ako ng dalawang hakbang pabalik.

My feelings for him aren't the way they used to be, but much stronger now.

God knows I tried to push him away. I tried so hard not to let him break into my walls again, but he did. There's no denying about that.

"Shh... It's okay, sweetheart. It's okay. Everything's gonna be fine." Rain whispered. Hinaplos nya ang buhok ko habang patuloy sya sa pagco-comfort sakin.

Pinunasan ko ang mukha kong basa na ng luha at umupo na din. Humarap sa kanya at hinaplos ang mukha nya.

"Alam kong nasaktan kita ng sobra, Rain. I'm sorry. Alam kong...wala kang kasalanan sa nangyari noon. Pero kasi, nasaktan ako e. At nung nawala satin ang anak natin, nagalit ako..." Nanlabo ang mga mata ko dahil sa pamumuo ulit ng mga luha ko pero hindi ko na iyon tinangka pang pigilan.

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon