Kabanata 28

4.8K 57 0
                                    

It was hard. And it took me almost a year before I was able to completely recover. Kaya sobrang thankful ako sa parents ko because they never gave up on me. They helped me all throughout those times that I couldn't even barely breath. And all the hardworks paid off because I was able to continue my life.

"Harley hija, anong ginagawa mo dyan sa labas?" Napalingon ako sa likod ko at nakita si Sister Alejia na nakatayo sa may pintuan. Pinasayad ko ang aking mga paa sa lupa para patigilin ang pag-ugoy ng swing na inuupuan ko. "Nagpapahangin lang po ako, Sister."

"Hala sige. Maya-maya'y pumasok ka na ha? Magsisimula na ang program." Aniya. Ngumiti lang ako at tumango. Pinanood ko lamang syang tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng orphanage.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit papano ay mas naging madali ang recovery ko. Simula noong nag-volunteer ako sa orphanage na ito, kahit papano ay  nabawasan ang sakit ng pagkawala sa akin ng aking munting anghel.

Limang buwan na akong active member ng mga volunteer guardians ng mga bata sa orphanage, and I can honestly say that so far, those five months are the best moments of my life since I got here.

Naiiling akong tumayo mula sa swing. Summer ngayon kaya masarap sa pakiramdam ang tumambay sa labas. Pinasadahan ko ng kamay ang suot kong bestida para siguraduhing wala itong tupi mula sa aking pagkakaupo. Ikinipit ko ang aking buhok sa aking tenga at napabuntong-hininga.

First anniversary ngayon ng Homeless Angels Orphanage. Isa itong organisasyon na binuo para sa mga kabataang Pilipino na ulila na o kaya naman ay yung mga batang basta nalang iniiwan sa kung saan. Akala ko nga noong una, sa Pilipinas lang meron ng ganung kaso. Pati pala dito sa Canada ay meron din. At hindi biro ang bilang ng mga batang nasa pangangalaga na ng orphanage. Sa ngayon ay nasa twenty-eight na sila.

Halos dalawang linggo din naming pinaghandaan ang araw na ito. Higit kaninuman, batid namin kung gaano ka-espesyal ang araw at okasyon na ito sa mga bata. Kaya naman lubos ang naging preparation namin para masigurong mage-enjoy sila.

Nang pumasok ako sa loob ay agad akong dumiretso sa function hall, kung saan nakahanda na ang assembly ng mga bata. Sa gilid ay naroon at nakatayo ang mga pangunahing tagapangasiwa ng orphanage na sina Sister Alejia, Sister Mikhai, at Sister Leexia. Kasama din nila doon ang iba pang volunteers.

"Mama Lei! Mama Lei!" Napako ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Nasa ikalawang linya siya sa hulihan. Malaki ang ngiti nya sa akin kahit na tatlo lang ang ngipin nya sa unahan.

"Oh, Santi!" Bati ko at saka lumapit sa kanya. Nakatayo sya sa ibabaw ng kanyang upuan habang tangay sa isang kamay ang isang lollipop.

"Santi, diba sabi ko sayo, di maganda ang candy sa teeth?" Umiiling na utas ko habang tinitingnan sya. Tiningnan nya iyong lollipop na hawak nya at umiling sa akin. "But Mama, this is not candy, this is l-lo..." Aniya. Magkasalubong ang kanyang maninipis na kilay habang pilit na itinutuwid ang kanyang dila. Hanggang ngayon kasi ay nabubulol pa din sya sa lollipop. "This is lol'pop." Aniya at kinipkip sa dibdib ang hawak nya.

Napangiti nalang ako at ginulo ang kanyang buhok. "Nevermind. Basta after that, enough na okay? No more na."

"But Mama Lei, I want to eat more of this e!" Reklamo nya. Hay. Kids and their teeth! Umiling ako at pinameywangan sya. "Sige ka. If you eat more, dadalhin ka ng mga giant ants sa kingdom nila mamayang gabi while you're asleep. Gusto mo ba yon?" Pananakot ko. Lumabi sya at umiling. "Sige na nga po. I'll stop na after this one." Pagsuko nya.

"Very good. Now, sit down and listen to Sister, okay?" Saad ko at inalalayan syang umupo sa chair. "Pupunta muna ako doon. Be good and behave, alright?"

"Yes, Mama Lei!" Nakangiting sagot nya sakin habang naglalaro ang kanyang mga mumunting paang nakaangat sa lupa. I kissed his forehead bago ako dumiretso sa kumpol ng mga kasamahan ko sa gilid ng function hall.

"Harley!" Nakangiting bati sa akin ni Sister Leexia. Ngumiti ako at nag-bless sa kanya. "Is everything set?" Tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang platform kung saan nakatayo sina Sister Alejia at Sister Mikhai.

"Yes. We'll start in a few minutes. Iniintay lang yung isa sa mga guest of honors." Sagot ni Sister Leexia at saka tumango sa direksyon ng mga taong naroon at nakaupo sa harap ng mini-stage na ni-set up ng maintainance crews.

Naroon sina Mr. Harold Tan, ang president ng Filipino Community dito sa Canada. Naroon din si Miss Andrea Hara, isa sa mga founders ng Homeless Angels Orphanage. May isa pang bakanteng upuan na nakapwesto sa gitna nila.

"Uh...Sister, sino po ba yung isa pang guest of honor?" Curious na tanong ko sa kanya. Saglit syang tumingala at hinanap ang sagot sa tanong ko.

"Naku, hindi ko na matandaan e. Basta ang alam ko'y isa sya sa may pinakamalaking donation para sa orphanage. Ang kilala ko kasi ay yung Papa nya, si Mr. Don del Valle. Matagal na namin syang kilala dahil active supporter sya ng mga advocacies namin. When he died a few months ago, his son continued his legacy."

Tumango lang dahil hindi ko naman kilala iyong sinabi nya. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa panonood sa mga batang nakaupo doon. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood silang maglaro sa kani-kanilang upuan.

"Sister!" Pinanood ko ang humahangos na si Myra habang mabilis syang tumatakbo palapit sa mini-stage. May ibinulong sya kay Sister Mikhai. Tumango si Sister at nay ibinulong din pabalik sa kanya bago sya muling mabilis na tumakbo papunta sa labas. Lumapit si Sister Mikhai kay Sister Alejia at may ibinulong din dito. Agad nilang hinagilap ang kani-kanilang mic.

Nabaling ang atensyon ko sa entrance ng function hall kung saan naroroon at naglalakad papasok ang isang lalaking nakasuot ng isang fitted black t-shirt at faded blue jeans. He looks young, probably not ageing more than twenty-five. He has this well-built body na kitang-kita sa suot nyang damit. Nakangiti sya at pinatingkad lang nito ang gwapo nyang mukha. I've never seen him before. Volunteer din ba sya? Who the hell is this man? Bago pa ako makapagtanong ay sinagot na ako ni Sister Alejia nang nagsalita sya sa kanyang mic.

"Good morning everyone! We would just like to acknowledge the arrival of one of our guest of honors, Mr. Leo del Valle! Let's give him a round of applause, please." Anunsyo ni Sister Alejia. Oh, alright. Nagkibit-balikat na lamang ako at nakisali sa palakpakang umalingawngaw sa loob ng function hall.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now