Kabanata 40

7.3K 91 1
                                    

If there's anything I have learned, it's that life is way too short. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan tayo mabubuhay. Ang sabi nga, hiram lang natin ang buhay natin sa Panginoon. Kaya dapat, matutunan nating pahalagahan ito, ganun din ang mga taong mahal at nagmamahal sa atin.

Dalawang araw na simula nang magising ako. The operation- thank God- was successful. Madaming nagsasabi na milagrong nakaligtas pa ang baby sa sinapupunan ko. Maybe they're right. Maybe it was a miracle. But whatever it was, I am still very thankful. Dahil nabigyan kami nang pangalawang pagkakataon para maging mga magulang.

Nakatayo ako sa harap ng bintana at pinapanood ang mga batang naglalaro sa garden nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang isang gwapong nilalang. Nakasuot sya ng plain white na V-neck shirt at maong na pantalon. Simple lang pero ang gwapo nya pa din.

"Missed me?" Aniya nang nakita ako. Mabilis nyang tinawid ang distansya naming dalawa. Iniabot nya sa akin yung boquet ng roses na hawak nya. "For the one and only love of my life."

Nahampas ko tuloy sa braso. "Corny mo talaga!" Natatawang sabi ko habang kinukuha mula sa kamay nya yung bulaklak. Ngumiti lang sya sa akin at niyakap ako.

Sobrang saya ko. Hindi ko alam kung legal ba ang tao na maging ganito kasaya. Parang sasabog ang puso ko sa galak! Kung kasalanan man ang maging ganito kasaya ay wala na akong pakialam.

Naramdaman kong ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Nakapatong ang chin ko sa kanyang balikat.

"Akala ko...akala ko, hindi ko na magagawang yakapin ka ng ganito." Madamdaming bulong nya. Ang hininga nya ay nandoon at nangingiliti sa leeg ko. Napapikit ako at ibinalot ang mga braso ko sa katawan nya.

"Nung sinabi ni Uncle Jeb na 50/50 ang chance nyo to survive, para akong nalagutan ng hininga...I-I thought iiwan mo na ako. I thought mawawala na kayong mag-ina sa'kin..." Kinurot ang puso ko nang pumiyok ang boses nya.

Humigipit ang yakap nya sakin. Pinagdikit nya ang katawan naming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya.

"God, I was so scared! I was...I was so scared I'd lose you..." Nanginginig ang boses nyang sinabi at marahang kumalas mula sa pagkakayakap naming dalawa. Ang kamay nya ay dumapo sa chin ko at iniangat ito para hulihin ang mga mata ko.

"I can't afford to lose you again, Harley. Lalo na ngayon, dalawa na kayo ng anak natin." Masuyong utas nya.

Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito. Kung papipiliin man ako ng lalaking mamahalin ko sa kabilang buhay, sya pa din ang pipiliin ko.

Pinagmasdan ko ang mukha nyang ilang dangkal lang ang layo sa akin. Mula sa mga mata nyang kumikislap habang nakatingin sa akin, pababa sa mapupula nyang labi.

Itinaas ko ang isa kong kamay at hinaplos ang kabuuan ng kanyang mukha. May init na humahaplos sa puso ko habang tinititigan ko sya.

Sa totoo lang, hindi ko sukat maisip kung bakit nandito pa din sya ngayon sa tabi ko. Ilang beses ko na syang ipinagtabuyan. Ilang beses ko na syang isinuko. Pero heto pa din sya ngayon, patuloy akong minamahal sa kabila ng lahat ng mga pagkukulang ko.

Hindi naging madali ang mga pinagdaanan naming dalawa. Ilang beses nang sinubok ang relasyon namin. Ilang beses na kaming nasaktan dahil sa pagmamahal na ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumaan sa amin, natagpuan pa din namin ang isa't isa.

Masuyo kong ikinulong ang kanyang gwapong mukha sa aking mga palad. "Hindi na ako mawawala sayo, Rain. Hinding-hindi na." Utas ko. Bahagya akong tumingkayad at inabot ang kanyang mga labi para halikan. Hinapit nyang muli ang katawan ko bago sinagot ang paggalaw ng mga labi ko.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now