Special Chapter #1

6.4K 87 3
                                    

It's been a few months since Rain and I got married. Until now, madalas ay hindi pa din ako makapaniwalang kasal na kami.

Noong mga unang gabi nga namin, when we lay down at night to sleep, mine-memorize ko yung mukha nya. Natatakot kasi ako na baka paggising ko, mawala nalang sya bigla. Natatakot ako na magising na lang isang araw at ma-realize na panaginip lang pala ang lahat ng nangyari. It know it sounds ridiculous. Maybe I'm paranoid. Siguro kaya ganoon any dahil na din sa mga pinagdaanan namin.

"Hey. Anong ginagawa mo dito?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ng asawa ko galing sa likuran. Bumitaw ako sa handrail ng veranda at umikot para harapin ang lalaking mahal ko. Nakasandal ang isang balikat nya sa sliding door habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay.

Umiling ako at nginitian sya. "Wala naman. I'm just...thinking."

"It's late. You shouldn't be out here. Masama sa inyo ng anak natin ang matunugan." Kunot-noo nyang puna habang lumalapit sa akin.

I couldn't help but laugh a little. He's always been so protective. Pero simula noong mabuntis ako ay mas lalo pa syang naging protective. Madalas nga ay O.A. na pero kahit ganun, okay lang. In fact, gusto ko nga iyon kasi mas nararamdaman ko kung gaano kami kahalaga sa kanya.

"I love you." Anya nang tuluyang makalapit sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Iniikot nya ulit ako patalikod sa kanya. Bumungad sa paningin ko ang kulay pulang kalangitan dahil sa lumulubog na araw. The view is just so wonderful, lalo na't nagre-reflect yung araw sa dagat.

Nasa isang private resort kaming mag-asawa dito sa Laiya. Ayaw sanang pumayag nina Mama na dito kami mag-stay habang buntis ako, lalo na't maselan ang pregnancy ko. But I wanted a peaceful and serene environment kaya wala na din silang nagawa. Kaya para mabawasan ang pag-aalala nila, hayun at nagpagawa ng hospital malapit dito sa resort.

"So beautiful." Utas ko habang humahanga sa ganda ng tanawin. Nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat habang nakapulupot ang mga kamay nya sa aking tyan.

"You're beautiful." Aniya at saka nilapatan ng malambing na halik ang aking balikat. Uminit ang pisngi ko sa sinabi nyang iyon. I don't know how he can still make me blush despite the fact that we're married.

Ipinatong ko ang aking kamay sa kanya at masayang pinanood ang tuluyang paglubog ng araw.

"Come on. Let's get you inside." Aniya. Bahagyang humiwalay ang katawan nya sa akin. Humarap ako sa kanya at tumango. "I'll prepare the dinner. What do you want to eat?" Nakangiting saad nya habang unti-unting bumababa ang mukha nya para pumantay sa akin. "Hmm?" Bulong muli nya sa ibabaw ng labi ko bago nya ako hinalikan. Lumipad ang mga kamay ko sa kanyang mukha, holding him while kissing him back. Suminghap ako nang bitiwan nya ang labi ko.

"I love you." Malambing nyang utas.

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok nya. "I love you too." Ngumisi sya at hinalikan ang noo ko.

Papasok na kami sa loob ng bahay nang matigil ako sa paglalakad. Agad akong napahawak sa aking tyan nang maramdaman ang paghilab nito.

"Sweetheart? Are you okay?" Tanong ni Rain nang napansin ang biglaan kong pagtigil.

"I- I'm alri-... Aww!" Utas ko nang maramdaman ulit ang paghalukay ng sakit sa loob ng tyan ko. I stood there frozen while clutching him tightly. "I- I think manganganak na ako!" Sigaw ko as I feel the pain of the contraction devouring my insides wildly.

Everything came in a rush. It's like I'm dreaming and all I could see were fragments of what's happening. Ramdam ko nang binuhat ako ni Rain. I couldn't make out what he was saying but I could tell that he was hysterical.

"...gonna be okay, sweetheart."

"...to the hospital, okay?"

"Hold on. I love you."

There's so much panic in his voice. Gusto ko syang pakalmahin pero hindi ko alam kung paano.

"Aaahhh!" Sigaw ko nang muling humilab ang tyan ko. Hinagilap ko ang kamay ni Rain at mahigpit iyong hinawakan. "I..don't think I can...bear this any longer!" Utas ko.

"Hush. Yes, you can sweetheart. You can. I trust you. Alright? Just, hold on. Be strong. Okay? Malapit na tayo sa hospital." Panay ang pag-amo ni Rain sa akin. Panay ang haplos nya sa akin, pilit akong kinakalma sa kabila ng lahat ng nangyayari.

"Nandito na tayo, sweetheart. Konting tiis nalang." Anya nang tumigil ang sasakyan. Sinalubong kami ng isang batalyong nurses at ilang doktor doon. Mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Rain habang inililipat nila ako sa stretcher.

Narinig ko pang nakikipagsagutan si Rain doon sa isang doktor. Kung tungkol saan ay hindi ko na naintindihan.

Isang sigaw pa mula sa akin ay halos mawala na ako sa ulirat.

"The patient's water sac just broke." Narinig kong utas nang isa sa kanila.

"Send her to the Delivery Room and be ready."

I could feel all my strenght wearing down. Para akong kandilang unti-unti nauupos. My eyes are heavy but I try to pry them open. Rain's pleas were all that's crystal clear to me.

"Stay awake, sweetheart."

"Stay with me."

-----
A/N:

Hello, everyone! I'm sorry, late post. Pinilit ko lang talagang makapag update because that was what I promised. Yey! Naka-100k reads na ang SBPR! I'm soooo happy! Thank you, thank you sa lahat ng mga nagbasa, bumuto, nag-add sa mga reading lists nila, nag-comment, naka-appreciate, at nag-Fan sa akin! Salamat sa inyong lahat! This is the first special chapter. And yes, I'll be posting more. Pakihintay nalang po. Regarding sa other stories ko, quiet muna ako kasi hindi ko pa alam kung kelan ako makakapagsimula ulit. Pasensya na sa mga nabibitin. Anyway. So ayun. Salamat ulit! God Bless! :)

-YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now