Wakas

7.9K 104 6
                                    

Two weeks after...

Para akong niyayanig habang pinagmamasdan ko si Rain na nandoon at nakatayo sa may altar habang hinihintay ako. Pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko. Hanggang ngayon, hindi pa din ako mapakaniwala na ikakasal na kami. Sa dami na nang pinagdaanan namin, para pa din akong nananaginip ngayon.

"Darling, wag ka nang mag-alala. Nandyan na oh." Bulong sa akin ni Mama. Napailing ako at napangiti sa sinabi nya. Pumapailanlang ang A Thousand Years sa buong Manila Cathedral. Nagsimula na kaming maglakad nina Mama at Papa. Bawat hakbang ko ay mas lalo akong nanlalamig sa kaba at excitement.

Panay ang ngiti namin sa bawat flash ng camera at sa mga bisitang nandoon para makiisa sa kasal namin ni Rain. Nang makarating kami sa may altar ay hindi na nawala ang tingin ko sa kanya. Kumikinang sya sa suot nyang white tuxedo.

"You take care of her...son." Ani Papa habang iniaabot ang kamay ko kay Rain na malugod naman nyang tinanggap.

"Yes, Sir. I promise." Sagot ni Rain habang seryosong nakatingin kay Papa.

"Call me Papa." Saad ni Papa at saka tinapik ang balikat ni Rain. Niyakap ako nina Mama at Papa pagkatapos bago sila dumiretso sa pwesto nila.

Tumikhim si Rain at hinalikan ang kamay kong hawak nya. "You look beautiful." Masuyong saad nya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "I can't wait for the honeymoon." Bulong nya pagkatapos na syang nagpainit ng mga pisngi ko. "Shall we?" Ngisi nya at inalayan ako papunta sa altar kung saan nakatayo at naghihintay na ang pari na magkakasal sa amin. Nagsimula na ang kasal. Nang nasa vows na kami ay mainit nyang hinuli ang kamay ko at tinitigan ang mga mata ko.

"Harley Raymundo, I hope you know how much I love you. Sa totoo lang, kulang ang salitang I love you just to describe this feeling that I have for you. Everytime I'm with you, my heart beats like crazy. You filled my gray life with neon colors. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng ganito...at mamahalin ko ng ganito as long as I shall live. Ikaw ang naging dahilan kung bakit pinilit kong magpakatino. You thought me how to appreciate even the smallest of things..." Saglit syang tumigil para punasan iyong mga mata nyang basa na nang luha. "Gusto kong...gusto kong mag-sorry sayo. Sa lahat ng sakit na ibinigay ko sayo. Hindi ako mangangako na hindi na kita sasaktan ulit, because I know that's inevitable. Pero pipilitin kong hindi ka masaktan...pipilitin ko. Kung may ipapangako man ako sayo ngayon...yun ay walang iba kundi ang pangako na mamahalin kita...ikaw at ang magiging mga anak natin...nang buong puso, buong buhay. Gagawin ko ang lahat just to protect you..to make sure na maiitaguyod ko kayo ng maayos...na maiibigay ko ang lahat ng gusto nyo..na mapapasaya ko kayo...I love you so much..." Aniya bago isinuot sa daliri ko yung singsing.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago kinuha yung singsing. Inilahad nya ang kanyang kamay at ipinatong ko iyon sa akin. "Rain Salvador, hindi ko alam kung anong nagawa ko para mahalin mo ako nang ganito. I don't think I deserve you. Sa daming beses na kitang sinukuan...sa daming beses ns kitang sinaktan...hindi ko alam kung paano mo pa din ako nagagawang mahalin. But nonetheless, I want you to kow how thankful I am for havong you in my life. Ikaw yung pinangarap ko noon pa lang, at ngayon, hindi ako makapaniwala na nandito ka na sa harapan ko. Finally. H-hindi mo alam kung gaano ako kasaya kanina nung...nung pumasok ako dito kanina at nakita kitang naghihintay sa akin..." Pumiyok ang boses ko at kinailangan ko pang lumunok. Panay ang pagtulo ng mga luha ko at panay din ang pagpupunas ni Rain sa mga ito. Nakangiti sya sa akin nang buong tamis.

"I love you so much, Rain. Salamat kasi hindi mo ako sinukuan. Salamat kasi sa kabila ng lahat ng mga sakit na idinulot ko sayo...pinatawad at tinanggap mo pa din ako. I promise to love you with all my heart and soul...you and our kids..Gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa sayo at ina sa mga magiging anak natin...I will try my best to be the best partner...to support you...to be your companion...to be someone you can lean on. Mahal na mahal na mahal kita..." Pagkatapos ng vow ko ay buong pagsuyo kong isinuot sa kanyang daliri ang wedding ring namin. Pareho kaming mapupula ang mga mata at nakangiting humarap sa pari.

"By the power vested upon me, I now pronounce you husband and wife. Congratulations!" Umulan nang palakpakan sa buong Manila Cathedral. Narinig ko pa ang sigaw ng mga kapatid nya sa gilid. Nakangiti ang pari habang nakatingin sa aming dalawa. "You may now kiss the bride." Aniya kay Rain.

Nakangiting bumaling sa akin si Rain. Dahan-dahan nyang iniangat ang belo ko at ikinulong ang mukha ko sa mga kamay nya. "I love you." Bulong nya. Ngumiti ako at ipinatong ang mga kamay ko sa mga kamay nya. "I love you too." Unti-unti nyang inilapit ang kanyang mukha. Nang lumapat ang mainit nyang labi sa akin ay napapikit ako. Buong pagmamahal nya akong hinalikan, at buong pagmamahal ko ding tinugon ang halik nya. Nang maghiwalay ang mga mukha naming dalawa ay niyakap ko sya nang mahigpit. Ito na ang simula nang buhay namin na magkasama. Alam kong madami pa kaming pagsubok na pagdadaanan, gayunpaman ay panatag na ako. Because finally, I have him. I have The Mighty Rain Salvador.

I, Harley Raymundo-Salvador, am the Mighty's Love.

--

A/N:
OMG! Tapos na! Huhuhu! Nakakaiyak! Sobrang malapit sa puso ko ang story na to dahil ito ang unang story na natapos ko. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta. Hindi ko inexpect na makakabot ito ng lampas 40K reads. For an amateur writer, malaking achievement na po iyon para sa akin. Kaya salamat sa inyong lahat. :) Sana hindi dito matapos ang pagsuporta nyo kina Rain at Harley. Makakasama nyo pa din sila sa mga susunod na stories. I promise. Kapag nakaabot ang SBPR ng 1K  votes, magpopost ako ng Special Chapter. Sana po basahin nyo din yung story nina Storm at Violet. SALVADOR BROTHERS PRESENTS: STORM (When He Falls In Love) It's under My Works. :) Yun lang. God Bless po!

Comment. Vote. Labyu!

© YanaCabralCalangi


Salvador Brothers Presents: RAINOnde histórias criam vida. Descubra agora