Kabanata 25

5.3K 61 2
                                    

“I’m sorry.” Utas ko sa kanya nang pakawalan nya ako. Nakatungo lang ako at hindi makatingin sa kanya. Kumakabog ng husto ang dibdib ko. Pakiramdam ko para akong criminal na muntik nang mahuli sa akto. Dammit!

“It’s okay. At least now I know you’re fine. “  Marahang saad nya. He cupped my chin and made me look at him. Mariin kong kinagat ang labi ko para lang makatingin ako ng diretso sa mga mata nya, kahit na tinatambol ang puso ko sa kaba.

Hinanap nya ang mga mata ko, and then he frowned. “Are you sure you’re okay?” Nag-aalalang tanong nya. Pilit lang akong tumango at ngumiti sa kanya. “Yeah. Nagulat lang talaga ako.” Sagot ko nalang sa kanya. “Kelan ka pa dumating?”

Ngumuso sya at inakbayan ako. “Kanina lang. Actually, kagabi pa sana ako dito. Kaya lang hindi ko naman pwedeng iwan yung meeting ko with a possible investor kagabi, kaya hindi na ako natuloy.”

“Anong oras ng flight mo? Dapat tinext mo ako para sana nasundo kita sa airport.” Sagot ko at pilit na inaayos ang boses ko. Nilingon ko sya at nakita syang nagkibit lang ng balikat sa tanong ko.

“Hindi ko na iyon naisip kanina dahil masyado nang pre-occupied ang utak ko sa pag-aalala sayo. Nag-private jet nalang ako dahil hindi na talaga ako makapaghintay na makarating dito at makita ka.” Aniya na syang tumundos sa puso ko.

Nasasaktan ako. Iniisip ko palang ang sasabihin ko kay Leo ay sumisikdo na ang dibdib ko. Pakiramdam ko ngayon, lahat ng dahilan kung bakit gusto kong makipaghiwalay sa kanya ay unjustifiable kung ikukumpara sa mga dahilan kung bakit hindi ako dapat na makipaghiwalay sa kanya. Lahat ng naisip kong tama ay tila nagiging mali.

Tama. Dahil ayoko na syang paniwalaaing may patutungahan pa ang relasyon naming dalawa.

Mali. Dahil paniguradong masasaktan ko ang damdamin nya.

Nakakalito. Nahahati ang puso ko. I love Rain and I loved Leo too. Hindi man iyon kasintindi ng pagmamahal ko para kay Rain, I still loved him. And to hurt him just so I could be happy with Rain seems to feel illogical to me now. 

--

This is really short. I had to cut it dahil yung susunod na update ay flashback. Kung paano nagkakilala sina Harley at Leo. 

Ciao!

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now