Kabanata 24

5.7K 83 2
                                    

Hello! Sorry, nagka-error kaya ni-delete ko yung chap23. Pero ni-post ko na ulit. Anyway, I've missed you! HAHAHA! So here's another chapter for you.

Halos isang oras na akong nakatanga lang habang tinitingan ang phone ko. Kanina habang nasa daan ako pabalik sa bahay ay nag-isip na ako kung anong sasabihin ko kay Leo. Pero ngayon ay tila nilipad na ng hangin ang mga salitang nabuo ko sa isip ko.

Nakakalito pala. I don’t want to hurt him but I don’t want to lie to him too. But either way, I’ll still end up hurting him. Ayoko namang magsinungaling sa kanya. Hindi nya deserve iyon. He’s been nothing but good to me.

Napaupo ako sa kama at napahalukipkip. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa aking phone at panay ang titig sa screen nito kung saan naka-display ang number ni Leo. I couldn’t bring myself to dial his number even though it’s only a touch away.

Napabuntong hininga ako at natampal ang nook o, tsaka ibinagsak ang katawan ko sa kama. Tulala ako sa kisame. I really should do something. Mas magiging komplikado lang ito kung patatagalin ko pa.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahan iyong pinakawalan. Kumakabog ang dibdib ko at nanginig din ang mga kamay ko nang pindutin ko ang dial icon sa phone ko. Pigil ang hininga kong itinapat sa tenga iyong phone at hinintay ang sagot mula sa kabilang linya.

One..two…three rings. And then I heard him.

“Hello? Harley? Are you okay? Why aren’t you answering my calls?! You’ve worried me to death!” Dire-diretsong litanya ni Leo. Mabibigat ang kanyang paghinga at dinig na dinig ko ang pag-aalala nya kahit nasa kabilang linya sya ng telepono.

“Okay ka lang ba? Nung isang araw pa ako tumatawag sayo pero hindi mo naman sinasagot. You’re not even replying through e-mails. Halos mabaliw na ako sa pag-iisip kung anong nangyayari sayo!” Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na naman sya. He sounded frustrated at wala nalang akong ibang nagawa kundi ang mapatunganga nalang habang pinapakinggan sya.

“Harley? Harley, you still there?” Aniya nang napansing hindi pa ako nagsasalita.

“Uh, yeah. Ahm, sorry.” Halos pabulong na sagot ko. Pilit kong hinahanap ang boses ko na tila yata nawala na sa lalamunan ko.

Narinig ko ang pagsinghap nya. “Good. Where are you?” Aniya.

“Sa bahay.” Wala sa sariling sagot ko. Napakunot ang noo ko. What’s with the question?

“Nandito ako sa labas. Can you open the gate, please?” Aniya.

“Okay.” Wala sa sariling sagot ko, and it took merely two seconds bago nag-sink in sa akin iyong sinabi nya.

Nandito ako sa labas.

Wait. What?

Dagli kong binitwan ang phone ko at agad na dumungaw sa bintana. Hinanap kaagad ng mga mata ko ang front gate at agad kong nakita si Leo na naroon at nakatayo sa harap ng gate. Nakasandal sya sa kanyang Audi Le Mans na magarang nakaparada doon sa harapan.

Holy shit. He’s here!

Kulang nalang ay literal na malaglag sa sahig ang mga mata ko habang nakasilip ako sa bintana. At siguro ay naramdaman nyang nakatingin ako sa kanya dahil bumaling sya sa pwesto ko at diretsong tumitig sa akin. Kumaway sya at nag-mwestra na buksan ko iyong gate.

Tumalikod ako at tulirong nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto ko. He’s here! Leo’s really here! Shit, anong gagawin ko? Ano? HINDI KO ALAM!

Hinagilap ko ang phone ko at hinanap doon ang number ni Rain. I was about to tell him that Leo’s here, pero agad ko ding binura iyong message na nasimulan ko nang i-type. I’m sure hindi sya mapapakali kapag nalaman nya ang tungkol dito. Baka sumugod pa iyon dito bigla.

I need to sort this out first. Kailangan masabi ko muna kay Leo ito ng maayos. We have to settle about this first bago ko ipaalam kay Rain. Dahil maging ako ay hindi sugrado kung anong mangyayari sa pag-uusapan namin.

Halos mapamura ako nang narinig ang tatlong magkakasunod na pagbusina ng sasakyan ni Leo. Shit! Alright!

Ipinusod ko ang aking buhok. It’s by miracle na hindi ako natalisod man lang dahil halos hindi na nga lumapat sa sahig ang mga paa ko sa pagmamadali.

Mariin akong pumikit at saka iminulat ang aking mga mata, bago ko tuluyang binuksan yung gate. Bumungad kaagad sa harap ko si Leo na nakapamulsa habang nakatingin sa akin.

Ikinipit ko ang takas na hibla ng aking buhok na nagsasyaw sa harap dahil sa ihip ng hangin sa aking tenga. Nakagat ko ang aking labi at tipid na ngumiti sa kanya.

“H-Hi.” Utas ko. Humalukipkip lamang ako doon at hinintay syang magsalita.

Umayos sya ng tayo at saglit na tinawid ang distansya sa pagitan naming dalawa. And before I know it, he was already crushing me to his body. “I almost lost my grip worrying about you, Harley! You just…” Hindi na nya itinuloy pa iyong sasabihin nya. Instead, ibinaon nya lang ang mukha nya sa buhok ko at masuyong hinalikan ang ulo ko. And I just stood there wondering what to do next.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now