Kabanata 4

9.4K 163 6
                                    

"Bwiset na lalaki yun! Ang agang nambulabog para papasukin ako. Papunta na daw sya dito sa office, eh wala pa naman din hanggang ngayon!" Nagngingitngit na bulong ko sa sarili habang naglalaro ng Candy Crush sa cellphone ko. Level 80 ako nung nagsimula kanina, ngayon ay nasa level 198 na ako. May apat na oras na akong nakatengga dito sa labas ng office ni Rain.

You ran out of lives.

Halos itapon ko na ang cellphone ko. Peste, bakit kasi ang hirap ng level na yun? Naubos tuloy yung five lives ko! Kaasar! Padabog ko itong itinapon pabalik sa pouch at saka dinampot ang bag ko. Tumayo ako at inayos ang slocks na suot ko. Medyo nagusot na kasi dahil sa pagkakaupo ko. Fitted pa naman iyon masyado. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Time check- 10:48 A.M.

Nangunot ang noo ko. Tanghali na nga pala. Isinakbit ko na ang bag ko sa balikat at saka nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Sa isip ko ay pinapaliguan ko na ng mura ang gagong Salvador na iyon habang nakatungo at nilalaro ang mga paa ko. Peste talaga sya kahit kailan! Nang bumukas ang elevator ay hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng tingin dahil busy ako sa pagmumura ko kay Rain. Nagulat nalang ako nung naramdaman ko ang pagtama ng noo ko sa isang bagay.

Iniangat ko ang ulo ko at na-realize na hindi pala bagay ang nabangga ko, kundi tao. None other than 'The Mighty Rain Salvador.'

Naka-cross arms sya habang nakatayo sa loob ng nakabukas na elevator. Mag-isa. Ako naman ay nasapo ang noo ko dahil sa pagkakauntog nito sa matigas nyang dibdib. Tumaas ang kilay nya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pero agad din namang nagsalubong ang mga kilay nya at sumimangot.

"What's that you're wearing? Damit pa ba ang tawag dyan?" Iritang tanong nya sakin. Napakunot na din ang noo ko at pinasadahan din ng tingin ang suot ko. Yellow elbow-cut sleeve that hugged my curves. I tucked it in under a white fitted slocks. To top it all, I wore a three-inches yellow sandals. The last time I checked a few hours ago, I looked decent and pretty.

"Harley, opisina itong pinapasukan mo. Hindi ka dapat nagsusuot ng mga...ganyang klaseng damit." Sabi pa nya habang tinitingnan ako. Napansin kong bumaba ang tingin nya sa parteng dibdib ko. Nang tingnan ko ang sarili ko ay medyo kita na pala ang cleavage ko. Tiningnan ko ulit sya at napansin ko ang paglunok nya. Why, you pervert! LOL!

I snapped my fingers at him. "Eyes up here, Salvador!" Nanlaki ang mga mata nya nang na-realize kung anong ginawa nya. Napa-smirk naman ako.

"Sa susunod kasi wag ka nang magsusuot ng ganyan ka-fit na damit! Halos lumuwa na ang kaluluwa mo dyan eh!" Reklamo nya at saka nag-iwas ng tingin. Mas lalo pa syang sumimangot nung tumawa ako. Pero short-lived lang yun kasi naman nung bumaling sya ulit sakin, nanlilisik ang mga mata nya. Automatic na napaatras ako pero nahila nya din agad ako pabalik hanggang sa makapasok na din ako sa loob ng elevator. Sumiksik ako sa sulok nang bitawan nya ako. Tapos ay saglit syang tumalikod. Isinara nya agad yung door ng elevator at pinindot ang ground floor. Nang humarap ulit sya sakin ay nagbabaga ang mga mata nya.

"And you dared to laugh at me, Harley Raymundo?!" Nag-echo ang dumadagundong nyang sigaw sa loob ng elevator. Tumaas naman ang balahibo ko hanggang sa batok. Hindi dahil sa takot. No, of course not. Nangingilabot ako dahil naiinis ako.

"Why are you shouting at me? Sino ka para sigawan ako, ha?!" I shouted back with the same intensity. Feeling ko nga halos na pumutok na ang litid ko eh.

"Well I'm your boss!" Pasigaw na sagot nya sakin at saka humakbang nang isa palapit.

"So? Eh ano ngayon? That doesn't have anything to do with my fashion sense, Sir. As far as I was briefed, walang uniform itong kumpanya mo. Which means that the employees have all the rights to dress how he/she wants. Hindi ba't may freedom ang mga empleyado dito? As long as they're doing their jobs, right? Well I am just exercising my rights, since I am an employee here too. Tsaka isa pa, wala namang masama sa suot ko ah? Halos hindi mo na nga maalis ang tingin mo sa dibdib ko kanina eh, diba?" Pagkatapos ng mahabang litanya ko ay humakbang na din ako palapit. Nakita ko ang pagpula ng mukha nya dahil sa huli kong sinabi.

Hindi naman sya nagpahuli. Lumapit ulit sya sakin. I did the same. Nang humakbang ulit sya palapit ay tsaka ko lang napagtanto na halos magkadikit na pala ang mga katawan namin. Napasinghap ako at nagtangkang umatras pero agad nyang nahapit ang beywang ko. He bent his head.

"Are you trying to seduce me, Harley?" He asked in a low but husky tone. Hindi ko napigilan ang pagnginig ng katawan ko nang naramdaman ang hininga nya sa tapat ng tenga ko. Itutukod ko sana ang dalawang kamay ko sa dibdib nya in attempt to push him, pero hindi ko na iyon nagawa dahil mas hinapit nya ang beywang ko palapit sa katawan nya hanggang sa wala nang bakanteng espasyo sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko nga'y maski ang hangin ay mahihiyang dumaan dahil sa posisyon naming dalawa. No wonder medyo nahihirapan akong huminga. Nauubusan na ata ako ng oxygen sa katawan.

"Are you trying to seduce me huh, Harley?" Pag-uulit nya. "N-no..." Mahinang sagot ko.

Ibinaba nya ang labi nya leeg ko. I tilted my head to give him more access. "No? 'Cause I really think you are." He murmured against my neck and I shivered. Napasinghap sya. "Are you? Because it's working, sweetheart." Pagkatapos nyang sabihin yun ay iniangat nya ang mukha nya at tiningnan ako. Bumaba ang tingin nya sa mga labi ko, and suddenly I knew what's going to happen. In just nanoseconds, I felt his warm lips pressed against mine.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now