~♥~Chapter One~♥~

15.1K 325 12
                                    

♥I♥

Lahat ay masaya na nakikipag kwentuhan sa isa't isa. Naghahabulan, nag-aasaran at kung ano-ano pa. Habang ako ay tahimik lang silang pinapanuod mula sa puno ng Maraka. Hindi ako yung tipo ng Prinsesa na mahinhin at gusto ng mga ma aarteng bagay, para rin akong si Ina ngunit may bagay parin kaming pinagkakaiba. Hindi ako pala kaibigan, hindi ako makikipag-usap sa taong hindi ako kinakausap.

Bukas babalik na ulit kami sa Academy, bagong panahon nanaman para harapin ang mga pekeng tao na nakapaligid sakin. I have this ability to know if a person is being real or not based on two colors, black and white na nagpapakita sa taas ng ulo nila, i can also know who is the enemy base on the color of the shadow na nakikita ko, red shadow.

"Light Veronica!!"

Napatingin ako sa west side at nakita ko si Ina kasama si Ama. Mukang hinahanap nila ako. Tumalon ako mula sa mataas na puno at kita ko ang pagkagulat sa mga mata nila.

"Bakit sa dami ng tatambayan mo, sa taas pa talaga ng puno?" tanong ni Ina habang nakataas ang kilay. Hindi nila ako pinapagalitan kapag umaakyat ako sa matataas na lugar, pinagsasabihan lang nila ako na mag-ingat.

"Mas mahangin doon Ina at hindi maingay." sabi ko at sumulyap sa mga pinsan kong nagkakasiyahan kanina na ngayon ay nakatingin saamin.

"Mag-iingat ka lang lagi anak, remember my tips para hindi mahulog." sabi ni Ama at ginulo ang buhok ko.

"Opo Ama. May kailangan po ba kayo?"

Niyakap ako ni Ina na ikinataka ko. "Mamimiss lang kita Anak. Babalik kana sa school mo, ni kahit isa wala ka pang pinapakilalang kaibigan mo."

"Alam mo namang hindi ako palakaibigan Ina. Ayoko sa kaibigan na hindi totoo."

Kumawala sa yakap si Ina at tinignan ako sa mata. "You have a gifted eyes my dear, someday malalaman mo rin ang purpose niyang kakayahan mo but remember this Light, a person can change into something you didn't expect. Try to change those colors by accepting them"

"She's right. There are things na pwedeng mabago anak. Be their reason to change."

-

Inaayos ko na ang gagamitin ko para sa isang buong taon kong pag stay sa Academy, katulad ng dati ay duon parin kami nag s-stay at magkakasama ang Beta at Alpha. Wala namang away sa pagitan ng dalawang grupo, hindi katulad ng ikwinekwento ni Tito Jake kapag bumibisita sila dito sa palasyo.

Nagdala ako ng mga libro na paniguradong makakasama ko sa bawat pagkakataon. Naagaw ng isang kakaibang libro ang atensyon ko, 'The World inside of a World' yan ang title ng libro. Bubuklatin ko na sana ito ng pumasok si Ina, inilagay ko nalang ito sa iba pang libro na dadalhin ko sa loob ng bag.

"Did you already prepared everything you needed?" umupo siya sa bandang likod ko at sinuklay ang kulay asul kong buhok.

"Yes Mom"

Patuloy lang sa pagsuklay ng buhok ko si Ina hanggang sa tumigil na siya.

"Always wear the necklace that I gave you my dear, it will protect you for now."

"Opo Ina, hindi ko nakakalimutan ang ang bilin niyo saakin ni Ama. Palagi kong iingatan ang sarili ko dahil may mga bagay na nakatakdang maulit na maganap at palagi akong maghahanda para sa bagay na iyon."

Hinaplos ni Ina ang buhok ko at inihiga na sa kulay asul kong higaan, paborito ko kasi ang asul. Hinalikan niya ako sa noo at sinabi ang katagang palagi kong panghahawakan.

"Lalaban tayo ng sama-sama anak, ako,ikaw,  ang iyong ama, ang pamilya mo at ang mabubuting mamamayan ng Ishyros. Lahat tayo ay magsasama-sama at kailan man ay hindi nila mapaghihiwalay."

-

Inihatid kami ni Vron ng Griffin sa Academy. Si Vron ang pinakamalapit na pinsan ko saakin, anak siya ni Tito Silver at Tita Clarissa na ngayon ay masayang namamahala ng sarili nilang negosyo sa bayan.

Kahit na sinabi kong 'pinakamalapit' na pinsan ko siya ay iba na ang pakikitungo ko sa kanya, well siguro medyo, siya lang kasi ang pinapakitaan ko ng pakialam. Ayokong may umaapi sa kanya, okay lang na apihin ako wag lang siya, that's how i treasure my cousin dahil sabay na kaming lumaki at kilala na namin ang isa't isa.

"Light?"

"Hmm?"

"May pagkain kaba dyan? Nagugutom ako."

Kinuha ko ang ibinaon kong sandwich na gawa ni mama sa bag at ibinigay sa kanya. Kaagad naman niya itong kinain saktong pagkarating namin sa gate ng Academy. Dala ko ang isang maleta at maliit na bag, ganun din si Vron, dumaretso kami sa gitnang house kung saan kami nakatira. Pareho kaming nasa Alpha class ni Vron kaya kahit papaano ay panatag ako dahil palagi ko siyang nakikita.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kinakaibigan sa mga Alpha maliban sa pinsan ko, yun ay dahil hindi naman nila ako kinakausap, I can see the white color sa taas ng ulo nila pero may kahalong itim, though may nangingibabaw ang kulay puti, maybe they were just shy to approach someone at iba ang pagkakakilala nila sakin.

Nadatnan namin ang dalawang grupo na nasa sala at katabi nila ang mga bagahe nila. Kararating siguro.

"Welcome back Prince Vron and Princess Light" sabay-sabay nilang bati saamin na labis kong hindi nagugustuhan. Ngumiti lang si Vron na alam kong pilit dahil maging siya ay ayaw ng ganitong klaseng trato saaming mga royalty ng kaharian.

"Just call me Light. I'll go upstairs." sabi ko at iniwan na sila doon. Ilang ulit ko ng sinasabi na Light nalang ang itawag sakin pero paulit-ulit lang namang nababalewala dahil hindi daw nila mapigilan lalo na at nakikita nila ang maliit na korona na nakaukit sa gilid ng kaliwang mata ko, kulay ginto ito kaya kapansin-pansin nga. Mula ng ipinanganak ako ay meron na ito, hindi rin alam nina Ina at Ama ang dahilan ng pagkakaroon ko ng ganitong simbolo. Hindi ko nalang sila pinapansin at nananahimik nalang.

Kinagabihan, nagluto si Shera at Annie na kabilang sa Beta ng aming gabihan. Sabay-sabay kaming kumakain at may kanya-kanyang gawain na nababago dipende sa schedule para pantay-pantay ang mga ginagawa namin dito sa house at maiwasan ang away, ang system na iyon ay in suggest ko lang pero sinunod nila and it has a good result kaya pinagpapatuloy na namin hanggang sa maka graduate kami.

"Kamusta naman ang bakasyon niyo sa palasyo Vron? Masaya ba?" tanong ni Qen na kasamahan namin sa Alpha. Ang totoo niyan ay apat lang kami sa Alpha room.

"Oo nga Vron, magkwento ka naman. Iba ba si Light sa palasyo? Anong suot niya? Gown ba o—" Vron cut Xyrin's words. She's one of us, an Alpha.

"Katulad rin dito, palaging nagbabasa at tambayan ang puno. At iyan? Magsusuot ng Gown? Nako... She's not our ordinary Princess" sabi nito kaya nagtawanan sila, hinayaan ko nalang sila sa kung saan sila sasaya.

"Kamusta ka naman sa Palasyo Light?" napatingin ako kay Philip, isang Beta. He's handsome and Kind lalo na sakin. He always ask kung kamusta ako kung okay lang ako, something like that.

"Okay naman, as usual Out of Place sa magpipinsan." sabi ko dahilan para magreact si Vron.

"Ikaw kasi hindi ka nakikisali samin!! Kasalanan mo." sabi nito at dinuro pa ako gamit ang tinidor niya.

"Playing with our cousins with the age of 5 to 7? Yeah not my type of playing V."

Tumawa naman ang iba dahil alam nila ang nais kong ipahiwatig sa pinsan ko pero ang loko, parang pagong, napaka slow. May anak na si Tito Alexis pero 7 years old niya palang at ang iba kaya talagang bata pa. Kami lang ni Vron ang teenager na magpinsan na nakatira sa palasyo kaya ganon. Pero sa labas ng palasyo, mga kaedaran narin namin ang tinuturing narin naming pinsan.

"Hmmmp, ano naman." napangiwi ako dahil sa pag pout niya pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na namin ang pagkain namin.

♥♥♥♥♥

♡Pronunciation♡
VRON—(Vi-ron)
QEN—(Ken)
XYRIN—(Say-rin)

*Ang puno ng Maraka ay gawa-gawa ko lang.

Vote and Comment😊

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now