~♥~Chapter Nineteen~♥~

5.1K 165 4
                                    

♥XIX♥

KIARA

"Mahal, ano bang meron?" sinimangutan ko si Akihiro dahil kanina pa siya tanong ng tanong na kanina ko pa sinasagot.

"Hayy ewan ko sayo Akihiro!! Imbitahim mo nalang ang mga Beta at Alpha dito sa palasyo, isama na nila kamo yung mga anak nila!! Ng di mo ako pinepeste rito!!"

Naglilista kasi ako ng maaaring ihanda sa pagdalaw ng mga kaibigan ni Light. For the first time kasi ay may tinawag ng kaibigan ang anak ko.

"Grabe ka naman sakin mahal." lumapit siya sakin at yumakap.

"Tanong ka kasi ng tanong, di mo ba naririnig ang sagot ko? Ano natangay na ng kahanginan mo?"

"Nasayo lang kaya lahat ng atensiyon ko mahal. Alam mo namang mahal na mahal kita e. Ipaglalaban ba kita sa mga kaagaw ko sayo noon kung hindi kita mahal."

"Nawawala ka nanaman Akihiro. It's not about your love for me. It's about you, not listening to me."

Humiwalay siya ng yakap sakin at kita ko ang pag pout niya. Kung noon okay pa, pero ngayon muka na siyang pato... Haha de joke, syempre gwapo parin ang asawa ko.

"Sorry na mahal. Oo na iimbitahin ko na sila. Nagseselos lang ako e, makikita mo nanaman yung Jake na yun, tapos si Zeref tapos ibang lalaki."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano to? Balikan ng past?

"Asawa na kita, magseselos kapa ba? May anak na tayo, 17 years old na niya. May pa selos selos ka pang nalalaman, bangasan kita diyan e."

"Yiee lablab niya ako."niyakap nanaman niya ako at ngayon ay sobrang higpit niya. Ganyan talaga ang mga isip bata.

-

"Magandang umaga Kuya Alexis!!" masayang bati ko sa kanya ng makita ko siya sa hardin.

"O, Kiara.. Asan ang asawa mo?"

"Tinangay na ng hangin."

"Hahaha, loko ka talagang bata ka. Siya nga pala, nabalitaan ko ang panaka-nakang pagtatangka ng mga itim na di pa kilalang nilalang sa Ishyros. "

Naupo kaming dalawa sa damuhan habang nakatingin sa mga makukulay na bulaklak.

"Oo kuya, pero gagawin namin ang lahat para sa seguridad ng kaharian at nasasakupan natin."

"I'm thankful na naging kapatid kita. Ikaw dapat ang nasa pwesto ko ngayon. You should be the Queen of this Kingdom, i don't deserve this."Using my air sinapok ko siya sa ulo. "Aray naman." daing niya habang hinihimas ang ulo niya.

"Para ka kasing tanga kuya!! You deserve that!! You deserve to be a King, not just because you're older than us but because you're much better than us as a leader. I don't have that much patience kaya baka mawasak ko lang ang kaharian. Kaya shut up ka nalang. Isa pang banat mo na di mo deserve yan, itutulad kita kay Akihiro na kinulong ko sa yelo."

Kita ko ang pagngiwi niya pero napalitan rin ng ngiti. Halos mapahiga na ako sa damuhan dahil sa pagdamba niya sakin ng yakap. Ewan ko ba, kung bakit ako napapaligiran ng mga abnormal na tao.

"Kaya mahal na mahal kita e. Hahaha"

"Siraulo"

LIGHT

"What is your decision Alphas? Are they in to be in your group?" tanong saamin ni Miss Deria pagkatapos ng isang araw naming pahinga mula sa naganap na unexpected fight.

"We decided last night that we will accept them as a new member of Alpha class. They have the potentials and if they improve more, they will be more powerful." sabi ni Vron.

Yes, we discuss it lastnight. Hindi man nila kami natalo, kaya naman nilang makipag sabayan samin. They were like beta's but far from their level.

"I really can't imagine na dalawa ang hawak mong power Kire."-Qen

"Pinasikreto sakin ni Lolo ang tungkol sa elemental power ko. Marami raw kasing naghahabol sa ganoong kapangyarihan."

"Sus, e kung si Princess Kiara nga, at Princess Light hawak nila ang apat na elemento, lagi silang hinahabol ng mga itim na darkenians."-Qen

"Apat na elemento? E bakit hindi naman apat yung ginamit niya nung sinubukan niya si Kire?"-Lance

"Dahil kapag ginamit niya ang apat na elemento. Madadamay tayong lahat, mawawasak ang barrier na gawa ko at maaaring mawasak ang eskwelahan. Hindi naman siya official fight kaya okay lang yun. Anyway mga Alpha's about the book. Meron na akong picture ng libro." ipinatong niya ang ilang pictures ng libro sa mesa . "That picture was left by a dark force na sumalakay sa city noong wala kayo. The Alpha's before did their job to protect the people."

The book looks so familiar to me. The gold linings, the curves, the symbols and the glowing crown on top of it. Para itong kakambal ng libro na nakuha ko pero wala naman itong title. O baka naman iisa lang ito at tinatago lang ng isang unbreakable spell.

"Saan naman kaya natin makikita ang ganyang klaseng libro?"-Xyrin

"I'm not sure but wait me here." i teleported myself papunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang libro na kamuka ng pinakita samin ni Miss Deria. Yung librong walang nakasulat na kahit na ano.

Nagteleport ako pabalik sa office ni Miss Deria at inilapag ang libro sa mesa.

"Saan mo ito nakuha?"tanong ni Miss Deria at in examine ang libro.

"In my room at the palace. It just came out of nowhere. Pero nung buklatin ko, wala naman yang laman at before, meron pa yang title, 'The world inside of a world', pero ngayon wala na."

"Mr. Laurent, where is the golden diamond?"

Inilabas ni Kire ang isang box at sa loob nun ay isang kulay gintong dyamante.there are parts of the book na nagkakaroon ng letter pero hindi parin visible. Ang nabasa ko lang ay gold and red.

"Miss Deria, ilabas niyo ang gem."

Inilabas naman niya ito. Using my air power, i slowly combine them. Naging mga maliliit silang particles na napunta sa libro. Nagliwanag ito, liwanag na dahilan ng pagpikit naming lahat na nasa loob ng silid.

That was just my hunch ang tinutukoy na ay ang golden diamond at ang red ay ang ruby gem. They are near alike, at dahil narin sa pag glow ng pulang gem na malapit lang sa golden diamond.

After that blinding light.... I feel like i was floating in the air, my eye color change into gold and saying something that i can't hear.

♥♥♥♥♥
HI PO!! Sorry sa di ko pag update this past few days, nagkasakit po kasi ako and i can't manage to use my phone. I'll try to update more often po para makabawi. Thank you sa pag intindi. Lovelots.

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now