~♥~Chapter Thirty-One~♥~

4.7K 151 4
                                    

♥XXXI♥

"Mga mamamayan at mandirigma ng Lucarios, sila ay ating mga panauhin na mula sa akademya ng kaharian. Sila ay naririto upang hingiin ang ating tulong para sa magaganap nanamang labanan." panimula ni pinunong Iboe habang nakaharap sa buong mamamayan ng Lucarios. "Bilang inyong pinuno, nais kong hingiin ang inyong kasagutan kung kayo ba ay nais na sumama sa laban para sa ating kaharian."

"Sasama kami!!"

"Para sa ating kaharian!!"

"Para sa kapayapaan!"

"Para sa karangalan ng ating bayan!!"

"Ahhh!!!"

Napangiti kami dahil sa suporta ng mga taga Lucarios. They are willing to help us even though hindi basta-bastang nilalang ang makakalaban namin.

"Maraming salamat sa inyong suporta. Aasahan namin ang inyong pagdating sa akademya." sabi ni si Natnat na nasa tabi ni pinunong Iboe.

Pagkatapos ng pagtitipon na iyon ay inimbitahan kami ni pinunong Iboe sa kanilang tahanan at hanggang ngayon ay buhat ko parin si Nilo—yung batang cute.

"Nilo, do you want me to carry you? Baka kasi pagod na si Ate Light mo." sabi ni Xyrin kay Nilo pero umiling ito ng ilang beses kaya sumimangot si Xyrin. "Hmm bahala ka nga." sabi nito at dinaluhan nalang sila Qen na hanggang ngayon ay kumakain parin.

Tapos na kaming kumain nina Kire, bukod kasi sakin ay nagpapabuhat rin ito kay Kire. Speaking of Kire, asan kaya yun?

"Light, kinuhanan kita ng mga prutas." dumating si Kire na may dalang isang basket ng mga iba't ibang klase ng prutas.

"Ayun, may prutas!! Salamat tol!!"

Kukuha sana si Lance ng prutas sa basket ni Kire ng gumawa ng water wall si Kire dahilan para mapahinto si Lance.

"It is for my Light ONLY" Pinagdiinan niya talaga ang salitang 'only' kaya sinimangutan nila ito pero mukang wala lang naman sa kanya ang pagsimangot nila tsaka naupo sa tabi namin ni Nilo. "Ofcourse kasama si baby Nilo ko." nakangiting sabi nito at kinuha sakin si Niko.

"Nako, pag saakin ayaw. Pag kay Kire gusto. Pisitin kitang bata ka e." nakasimangot na sabi ni Xyrin na ikinatawa namin.

"Si Nilo ay isang ulilang bata, ang totoo niyan, lahat ng mamamayan dito sa Lucarios ay itinuturing niyang mga magulang, lahat ng tahanan rito ay kanyang tahanan. Sa musmos niyang isipan, hindi ko maatim na ang pakikipaglaban ang nais niyang gawin." biglang sambit ni pinunong Iboe habang pinagmamasdan si Nilo na masayang kumakain ng Giaba—prutas na parang saging sa mundo ng mga tao. Ito'y matamis at kulay berde.

"Ano po bang nangyari sa magulang ni Nilo?"-Vron

"Namatay silang pareho dahil sa pagsugod ng mga big black wolf sa bayan. Kasama sila sa nagtanggol dito sa bayan namin. Namatay sila ng may dangal. At ng panahon narin na yun, dumating ang iyong Ina Prinsesa Light. Tinulungan nila kami at iniligtas niya ang batang ito. Siguro mga isang taon na ang nakalilipas."

Hinaplos ko ang buhok ni Nilo. For his young age hindi ko akalain na isang malagim na kaganapan ang naranasan niya. Nagkaroon nanaman ako ng dahilan para ipanalo ang bawat laban na kakaharapin namin.

-

"Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay. Padalhan niyo lamang kami ng sulat at kami'y agadang dadating sa inyong paaralan." nakangiting wika ni pinunong Iboe.

Aalis na kasi kami para pumunta sa Aernation para hingin ang kanilang suporta.

"Maraming salamat po pinunong Iboe."-Vron

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now