~♥~Chapter Twenty-Two~♥~

5K 162 5
                                    

♥XXII♥

"Alphas please proceed to my office now"

Umagang umaga ay ang pagtawag samin ni HM ang bumungad samin. It's been a month ng puspusan naming training at masasabi kong nag i-improve na kami. Si Sir Nathaniel parin ang adviser namin at trainor namin, kapag walang klase ay parati kaming nag b-bonding ni Nat katulad ng dati.

"Bakit mo kami pinatawag Miss Deria?" tanong kaagad ni Vron ng makapasok kami sa office niya.

"Lahat kayo ay pinapatawag ng Hari sa palasyo, makakasama niyo si Mr. Verisky dahil special request siya ni Princess Kiara"

Oo nga pala, hindi pa kami nakakabisita sa palasyo mula ng magpunta dito si Ina.

"Sige po HM, aayusin lang po namin yung dadalhin namin." paalam namin.

We will stay there just for a day, hindi kami pwedeng magtagal dun since kailangan nga namin na magtraining.

"Light!!"

"Natnat!!" masaya kong sinalubong si Nathaniel at yumakap sa kanya, namiss ko siyang yakapin dahil palagi nalang kaming training.

"Oyy walang yakap, walang ganyanan. May sasabog dito sa selos" natatawang sabi ni Qen tsaka napatingin kina Kire at Vron na masamang nakatingin samin. Napabitaw tuloy ako kay Natnat pero humawak ako sa braso niya.

"Let's go..." sabi ko at nauna na kaming pumasok sa portal. It will take us much time kung sasakay pa kami sa Griffin, miss na miss ko na sila.

Paglabas namin ng portal, tumambad samin ang nakaparaming nakasabit na banderitas na para bang may fiesta, mga batang naglalaro at mga taong pamilyar sakin.

"Light!!!"

Napangiti ako ng makita ko si Ina, bumitaw ako kay Natnat at niyakap ang Ina ko. Ganon din si Ama na kakarating lang galing sa kung saan.

"Mabuti naman at maaga kayong dumating anak, ipakilala mo na aaamin ang mga kaibigan mo." masayang sabi ni ina na para bang hindi niya pa nakikilala ang mga ito.

"Mamaya na Ina, ipapakilala ko naman sila sa buong angkan mamaya diba? Para isahan na." sabi ko. Ayoko kasi ng paulit-ulit. Nakakapagod kaya.

Nagpunta kami sa garden para makita ang lahat. Nandito ang mga dating Alpha at pati na ang mga Beta. May ilan rin kaming mga kaedaran dito na hindi ko kilala.

"Light!! Ang pamangkin kong maganda!!" napangiti ako at yumakap kay tito Silver, humalik rin ako kay tita Clarissa.

"Hi sa napaka gwapo kong tito.." bati ko rito.

"Ina!!" lumapit naman si Vron kay tita Clarissa at yumakap.

"Sus, napaka gwapo talaga ng anak ko." nanggigigil na sabi ni tita habang pinipisil ang pisngi ni V.

"Ina, masakit."

Nagtawanan naman kami dahil sa namumulang pisngi ni Vron.

Lahat kami ay nagtungo na sa main spot kung nasaan ang stage at ang iba pa.

"TITO ALEXIS!!!!!!!!!!" sigaw ko at mabilis pa sa segundong yumakap ako sa kanya, napatawa ang lahat pero wala akong pake. Ngayon ko nalang siya ulit nakita.

"Namiss rin kita little princess. New look tayo ngayon a." sabi nito ng mapansin ang mga pagbabago sakin, buti pa siya napansin siya.

"Haha, ganyan talaga tito, maganda pamangkin mo e." tawa lang kami ng tawa hanggang sa mapagod kami.

-

"Magandang araw sa inyong lahat, ewan ko kung bakit may pa fiesta si Ina pero ang purpose ng pagpunta namin dito ay para ipakilala sana ang mga kaibigan ko, kaso nagmukang may special event. So family and friends, this are my friends. Qentaki,Xyrin,Vron,Lance,Marco,Kire and also my childhood lost friend Nathaniel Verisky. He is our adviser, at ang mga ito naman ay kasama ko bilang Alpha na pinapadala sa misyon."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanilang lahat. "Dahil nandito narin kayong lahat, i would like to take this opportunity to warn all of you. Siguro may ilan sa inyo na napansin ang bagong look ko, ang pagbabago sa itsura ko. This changes happened after i've read the prophesy. The dark prince will attack us sooner or later at baka mas malala ito sa nangyari noon kaya ngayon palang, I'm asking for your cooperation, be alert at wag kayo basta-basta magtitiwala. We will win this fight together. The reason why we don't have mucg time to visit you is because we are preparing ourselves for a battle. But this day, please enjoy yourselves and have a reunion with your friends!!"

Nagsiyahan sila at pinagpatuloy ang pagsasaya at pakikipag kwentuhan sa isa't isa. Pansin ko na nasa iisang tabi lang ang mga kaedaran namin ay bagot na nakatingin sa nangyayari.

"Anak, asan na yung manliligaw mo?" tanong ni Ina na ikinakunot ng noo ni Ama.

"Manliligaw? Aba dapat muna siyang humarap samin." sabi nito at saktong sulpot naman nina Tito Silver,tito Glyson at tito Zeref.

"Mga tito ko!!" yumakap ako sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi nila,tito Glyson and tito Zeref.

"Asan na.. Asan na ang manliligaw mo?"

"Magandang araw po sa inyo." napatingin ako kay Kire na nasa tabi ko na yumuko sa harap ng mga tito ko.

"Ikaw ba ang manliligaw ng anak ko?" seryosong tanong ni Ama. Umihip naman ang malakas na hangin.

"Humihingi po muna ako ng inyong pahintulot Mr. Riley upang ligawan ko ang inyong anak. Kung ano man po ang magiging desisyon niyo ay igagalang ko"

"Hmm, siguraduhin mo lang na malinis ang intensiyon mo sa prinsesa ko dahil kung hindi, impyerno ang kalalagyan mo."

Pinagpawisan si Kire dahil sa tingin na binibigay sa kanya nila tito. Hindi man magsalita ang mga ito, sapat na ang kanilang nakakatakot na titig na nagbabanta.

"Ginanyan kaba nila lolo noon Ama?" tanong ko ng maalala ko ang kwinekwento ni Ina tungol sa kanilang dalawa ni Ama.

"Syempre hindi, gwapo ako e. Hahahahhaha!!! Aray!!" napatawa ako ng kaltukan siya ni tito Zeref.

"Ako dapat ang nakatuluyan ni Kiara kung hindi ka epal."

"Oyyy oyyy, kung di lang kami kambap, malamang ako ang pinili niya!!"-Tito Silver

"Mga Kumag kayo!! Akin lang ang Kiara ko!!"-Ama

"Kung malaki lang ako noon, wala akong pinayagan na kahit na isa sa inyo."- tito Glyson

"Akin lang si Kiara!!"-Ama

"Walang sayo!!!"-tito Silver/tito Zeref

At doon na nagsimula ang pagrarambulan nila. Parang di ko maimagine kung paano sila naging magkakasama noon.

"Mukang close na close sila no." napangiti ako sa sinabi ni Kire

"Oo, kahit na palagi silang nagbabangayan, mahal nila ang isa't isa. Tinuturing nilang kapatid ang isa't isa. Dahil kay Ina kaya magkaayos ang Beta at ang Alpha, she's like a glue that binds the two group. Sana ganyan rin tayo, no betrayals and have a tough tie."

He hold my hand kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"I will always be right here..."

"WWAAAAAAAAAAAHHHHHH LIIIIIIIGHT!!!!"

*BOOM*

♥♥♥♥♥

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon