~♥~Chapter Thirteen~♥~

5.6K 203 42
                                    

♥XIII♥

♡♥♡

Natapos ang dalawang araw na event ng sampong eskwelahan at lamang parin ang skwelahan nina Light. Ngayong araw na gaganapin ang pageant na siyang naging highlight ng event. Lahat ay abala sa kaniya-kaniya nilang dressing room upang maiwasan ang nakawan at siraan ng gamit ng mga kandidata.

"Ang ganda mo talaga Light~" sambit ni Xyrin habang pinagmamasdan sa salamin ang inaayusan niyang si Light.

"Syempre, pinsan ko yan." sabi naman ni Vron na nakaupo sa sofa at nakatingin lang sa ginagawang pag-aayos ni Xyrin sa kanya, katabi niya ang dalawa pang lalaki na nakatingin din kay Light. Pansin nanaman ni Vron ang tingin ng kanilang chief sa kanyang pinsan, alam niyang nabibighani ito kay Light ngunit ayaw niyang lumalim pa doon ang nararamdaman ng kanilang guro sa kanyang pinakamamahal na pinsan.

Maging si Kire ay abala rin sa pagpapa ayos ng kanyang sarili. Hindi katulad ni Light ay kailangan niyang mag hire ng mag aayos sa kanya. Kasama niya sa loob na iyon ang kanyang dalawang kaibigan na maya't maya siyang inaasar.

"Hayy, maganda na si Lovely, may igaganda paba siya?"tanong ni Lance kaya napaisip rin ang dalawa. Ang napakagandang anyo ni Light ay may igaganda paba?

Lumabas na ang lahat ng candidate sa kanilang mga dressing room ang lahat at agaw pansin kaagad si Light dahil sa kanyang angking ganda at ng kanyang napakaganda kulay asul na buhok. Nakasuot sila ng puting croptop tube at white na skinny habang naka heels. Ang mga lalaki naman ay puting sando, white na pantalon at white shoes. Lahat sila ay ganon ang kasuotan dahil sa presentation of candidates palang naman ito.

"Hey." bati ni Kire kay Light ng makita niya ito. Naka expose ang magandang hubog ng biceps ni Kire dahil sa sando siya, some girls are even drooling at him. Perfect combination nga naman sila ni Light.

"Hmm, diba dapat sa kabilang side kayo?" tanong ni Light at napasulyap sa kabila ngunit wala siyang nakitang ni isang lalaki doon, napatingin siya sa paligid at narealize na nandito pala lahat ng kalalakihan.

"Ayaw kitang iwan dito, mamay may pumorma nanaman sayo." daretsahang pahayag ni Kire sa dalaga. Wala naman na siyang itatago pa dahil umamin na siya sa kanilang pekeng kasal, at mabuti ng ngayon palang ay malaman na ng dalaga ang kanyang nararamdaman upang hindi ito magulat sa mga pinapakita niya. Yan ang naiisip niya sa mga puntong iyon, ang iparamdam sa dalaga ang pagmamahal niya.

"Huh? Wala naman. Tsaka malapit ng mag-umpisa, bumalik na kayo dun." sabi nito.

Pansin niya ang tingin ng iba sa kanya, hindi na bago pero nakakailang parin lalo na sa mundo ng mga tao na kung ano-ano ang iniisip na negatibo.

Tapos na ang kanilang MC sa araw na iyon na magsalita sa magaganap na event. "Handa naba kayong makita ang inyong mga representative!!!" tanobg ng MC sa mga manunuod. Punong-puno ang gymnasium , ang kanilang rarampahan ay pinasadya pa para lang sa event na ito.

"YES!!!"sigaw ng madla

"Ako rin!! Hahaha so paano ba yan? Count 10 to 1!!"

"Ten...."

"Nine..."

Bumalik na ang mga lalaki sa kanilang pwesto sa  kabila ayon sa kanilang numero, maging ang mga babae ay nagsipila narin, number 8 pa si Light.

"Ang gwapo talaga nung Kire no."

"Oo nga, kaso ang ganda ng girlfriend te, wala kang panama dyan."

Hindi na lamang pinansin ni Light ang kanyang naririnig, ang kailangan niya ay pahabain ang pasensya para matapos na ito.

"Two..."

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon