~♥~Chapter Thirty-Seven~♥~

4.6K 165 4
                                    

♥XXXVII♥

One week had passed at inaasahan namin na ngayon susugod ang mga kalaban dahil narin sa itim ng kalangitan na nagbabadya ng unos na darating.

"Guys, ano man ang mangyari sa araw nato, tatandaan niyong mahal na mahal ko kayo."

Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa sinabi ni Qen dahil parang hindi naman siya nagloloko sa pagkaka seryoso ng pagkasabi niya.

"Be safe, Ok lang masugatan wag lang mamatay. I may not be the best friend you know, I consider you guys as my siblings already so please be safe."

Seryoso kong bilin sa kanila. Pinalutang ko ang sarili ko upang makita ko ang nagaganap sa kabilang dako ng napaka kapal na itim na ulap sa kabilang dako.

I can feel the range of their power. I closed my eyes and it change color, I open it and saw many black soul eaters floating in the air.

"Be ready!! Parating na sila!! Kayo ang bahala sa Darkhods at ako ang bahala sa mga dark soul eaters!!"

Naghanda na silang lahat at ako naman ay inilabas ko ang Light sword na siyang makakatalo sa Black Soul eaters.

We are in the outside area of the force field ng Academy na nag poprotekta dito. Ang mga Beta ay nasa loob ng Academy upang lumaban kung sakali mang may makapasok.

"Light, mag-iingat ka!!" sigaw ni Vron mula sa baba na tinanguan ko.

I saw the worried face of them and it makes me feel worried but I won't let them know. Ngumiti ako to make them feel at ease na Ok lang ako, na ayos lang kasi magkakasama kaming lalaban. I won't let them make it as the end of everything.

Itinaas ko ang aking espada at naglabas ito ng nakakasilaw na ilaw, it is our warning or hudyat na papalapit na ang mga kalaban.

Habang papalapit sila. Nararamdaman ko ang kapangyarihan na umaapaw sa kanilang hukbo maging ang kapangyarihan na nararapat na si Luxius ang may hawak.

Hinawakan ko ng mahigpit ang aking sandata at walang pasabing sumugod sa mga black soul eaters, naging hudyat narin iyon sa mga kasamahan ko sa ibaba upang sumugod at lumaban. Kung maaari ay iniiwasan kong madikitan ng mga soul eaters at tanging ang aking sandata lang didikit sa kanila.

Sa isang hampas ng hawak kong sandata. Naglabas ito ng liwanag na tuluyang pumuksa sa mga black soul eaters.

I was a bit taken aback when a black lightning hit me, luckily that i was fast to block it.

"Ikaw pala ang sinasabi ng aking traydor na pamangkin. Hindi na ako nagtataka na maging tanga sa pag-ibig ang batang iyon dahil napaka ganda mo nga, katulad ng iyong ina."

Napatingin ako sa nilalang na nasa harapan ko. Nababalutan ito ng itim na usok at may pabalikong sungay na nababagay sa muka niya. Isa siyang tunay na demonya.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Luciforus, ang kapatid ni Shatan na nagawang NAKAWIN ang kapangyarihan ng kanyang pamangkin upang maging malakas lang. Nakakahiya ka."

Sumama ang kanyang tingin saakin na dahilan ng pag ngisi ko. Natamaan ba?

"Isa kang sagabal sa aking mga plano."

"At palaging magiging sagabal sa masasama mong plano. Hanggat nabubuhay ako at ang aking angkan, hinding hindi namin hahayaan na mamayani ang inyong kasamaan. "

Hinigpitan ko ang hawak ko sa espasa at pinadaloy ang aking nagbabagang apoy rito.

"Sa tingin mo ba ay kaya mo akong talunin?"

"Then try me."

Mabilis akong kumilos upang lumapit sa kanya. Nagpakawala siya ng black energy ball na sinalag ko gamit ang espada ko.

"Hindi ka ganon kalakas para matalo ako." sabi nito at nagpakawala nanaman ng dark energy ball.

"Hindi ka rin ganon kalakas kaya nagnakaw ka ng kapangyarihan na hindi sayo."

I release frozen spikes at kasunod ay lightning that struck him pero na block niya using Luxius Dark Barrier. That's not his power so wala siyang dapat na ipagmalaki.

"Nararapat lang naman para sakin ito!! Ako ang nararapat na nag mamay-ari nito!!"

"Ang hindi sayo ay kailan man hindi magiging sayo!!"

I raise my hand dahilan para lumutang ang ilang tipak ng lupa sa himapapawid. Ikinulong ko siya sa mga ito at hinigpitan ngunit nawasak lamang ito.

What is the power that I can use to beat this demon? Should I use that attack or not? It will cost my life if ever I will use it.

THIRD

Biglaang napayuko si Kire dahil sa mga nagliliparang darkball sa paligid. Napatingin siya sa pwesto ni Light at kumunot ang noo ng nakikita niyang may mga itim na ugat na dumadaloy sa kamay ni Light.

'Ano nanaman ang pinaplano mong gawin Light?'

He struck the hoodie guy with his Lightning katulad ng kanyang ginawa sa iba pang sumusugod sa kanya. Every minute ay tinitignan niya si Light para masigurong ayos lang ito. Alam niyang malakas si Light pero hindi niya parin maiwasang mag-alala.

"Alpha's!! Kailangan namin ng tulong sa loob ng Academy!! May nakapasok na sa loob!!"

Sigaw ng humahangos na si Juy, ang isa sa kanilang Beta.

"Marco,Lance at Qen. Kayo na ang tumulong sa kanila, kami na ang bahala rito." utos ni Vron sa kanilang  tatlong kasama.

"Sige, mag-iingat kayo!! Babalik kami kaagad kapag natapos na namin ang kaguluhan sa loob ng Academy."

Tumango sina Kire,Xyrin at Vron. Kaagad namang nagteleport papunta sa Academy ang Apat (kasama si Juy). Maraming nagkalat na Darkhods sa paligid at parang naging isang Warzone ang kanilang paaralan. May mga na damage narin na building sa lakas ng mga pagsabog na nagaganap.

Napaisip sila kung ganito rinn ba ang itsura ng kanilang paaralan noong naganap ang digmaan sa henerasyon ni Prinsesa Kiara.

'This is really a war' sa isip ni Qentaki.

'Does this have an end'-Lance

'Do I have to participate in this bloody hell?' -Marco

♥♥♥♥♥

A/N: SORRY PO SA NAPAKA TAGAL NA UPDATE KASI MAY PASOK NA KAMI AND FIRST WEEK PALANG AY GERA NA AGAD WITH SCHOOL WORKS AT WALA AKONG ORAS MAG UPDATE. I'M SO SORRY POOOOO~, Sana maintindihan niyo kasi Grade 12 na ako and I have to study harder than I did previous school year. Sorry ppl~/angels labyu.

*malapit ko na talaga siyang tapusin and push na talaga. Thank you for the support fellas.

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now